Chapter 37: Next to you

8.5K 378 148
                                    

Nephra's POV

Lumayo ako at pumunta sa secret garden, gusto ko kasing mapag-isa. Mag-isip ng mga bagay bagay.. pero nahanap parin nya ako.

Diana confronted me again about our kiss. Napaka-hirap aminin sakanya at sa sarili ko na may meaning yung halik nayun.

Paano ko pa kaya maaamin sakanya na mahal ko sya?

May nararamdaman din kaya sya para saakin?

...

Pero tila wala ng ibang mahalaga pa sa mga oras na iyon.

Diana is holding me in her arms.. that is all that matters. Hindi ko na naisip yung mga worries ko.

Kung tama paba ito? o mali na.

All I know is that.. I love her.

I love her with every fiber of my being. Down to the last atom and molecule of my body.. every part of me, everything.

..pero hindi parin sapat na ipaliwanag ko ito gamit ang science, chemistry o kahit na anong salita pa ang meron sa diksyonaryo.

Hindi ko alam kung bakit minahal ko sya higit pa sa akala ko'y kaya kong gawin. Ang babaeng kinamumuhian ko noon, ay sya palang bukod tanging magpapatibok nitong puso ko.

Ginising nya ang natutulog kong puso.

Hindi ko talaga alam kung paano kami humantong sa ganito. It was unexpected..

"Stop building these walls around your heart. Sometimes you just have to let people love you, Nephra." Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa mga sinabi nya. Totoo iyon! Tinutulak ko palayo ang lahat ng taong sumubok na gibain ang pader na ginawa ko. Pero siya lang, siya lang ang bukod tanging nakawasak non.

"Let me soothe your tired body from all this pain. Let me be your haven, I'm your refuge; settle your wings. Trust me.." Sabi ni Diana habang yakap ako ng mahigpit.

Niyakap ko sya ng may pagsuko.. kasabay ng mga luhang walang tigil parin sa pagdaloy. Buti nalang at may epekto ang yakap ni Diana, napakalma ako nito.

She's like rain, she can soothe me.

"I'm sorry.. I'm s-sorry. It's all my fault!" Yun nalang ang nasabi ko sakanya habang tangan nya ako.

"Shhh.. hindi mo naman kailangang humingi ng tawad. Naiintindihan kita kung bakit ka nagsinungaling, huwag mo ng sisihin ang sarili mo." Diana said, still holding me tightly.

Nanginig ang katawan ko dahil sa matinding pag-iyak. I guess, I can't run away from my feelings..

...

We just hugged each other for quite some time. Walang gustong kumawala sa mainit na yakap.. parang yakap ko ang langit, hinayaan ko na ang sarili ko.

Pero gaya ng lahat ng bagay.. may hangganan. Dahan-dahan na akong kumawala sa yakap nya.

Pinunasan nyang muli ang mga huling luhang tumulo sa mga mata ko. Ngayon naman hindi ko mapigilang ngumiti; I felt special, protected.

"Please stop staring at my face, it's probably all puffy and.. swollen." Nahihiya kong sabi sakanya, pinagmamasdan parin nya kasi ang mukha ko hanggang ngayon habang hawak ang mga kamay ko.

"Hindi ko maiwasan eh. Ikaw lang kasi ang taong kilala ko na maganda parin kahit na.. kahit na umiiyak." She smiled broadly, her dimples showing.

Lalo akong namula sa sinabi nya, I can't help but stare at her too.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon