Nandito na naman ako sa tapat ng bahay nila pero ang kaibahan lang ay di ako lasing ngayon.
Nandon pa rin yung FOR SALE sa may gate, alisin ko kaya?
Luminga-linga muna ako sa paligid at nang masiguro kong walang namang tao ay lumabas ako ng sasakyan.Naglakad ako papunta don sa plywood na may nakasulat na For sale at agad itong kinuha. Tumalikod na ako para bumalik nang sasakyan pero agad kong nabitawan yung dala ko nang makita ang taong nasa di kalayuan.
Halata ko rin sa mga mata niya na nagulat siya.
"J-Jhaecy..."
Dali-dali akong naglakad palapit sa kaniya.
"Kamus---" Niyakap ko agad siya.
"Totoo ka ba o nananaginip ako?" I asked.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inilayo sa kanya.
"Totoo ako at hindi ka nananaginip."
"Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o dapat maging reaksiyon ko pero ngayon sobrang saya ko...it's really worth the wait."
"It's been 2 years Trevor, dapat kinalimutan mo na ako."
"There's no reason for having a change of heart. I can never forget someone I love so much..."
"No Trevor..." Umiiling na sabi nito.
"You deserve better than this...you deserve happiness..." dagdag pa nito na nakatingin ng diretso sa mata ko.
"But you're my happiness...kaya hindi na ako papayag na mawala ka ulit sakin."
Niyakap ko ulit siya.
"It sounds corny but I think we're destined to meet." dagdag ko pa.
Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pagkalas sa pagkakayakap ko.
"We're destined to meet...but I think it's for the closure."
"C-Closure? No way! Ang tagal kong hinintay na bumalik ka, at di ko kailanman tinigil ang pagpapahanap sayo. At ngayong nandito ka na, nasa harapan na kita...hindi na ako papayag na mawala ka pa."
"L-Let's forget everything...I think it's best to end it here today."
"No Jhaecy! I can't imagine my life without you. You left once and that's enough. Nung nawala ka walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko at kahit anong gawin kong pag convince sa sarili ko na mag give-up na ako, na tigilan ko ng mahalin ka pero walang nangyayari! Ang hirap gawin pag iba ang sinasabi ng puso!"
"Trevor ano man ang meron tayo noon ay bahagi nalang ng nakaraan! Iba na ang sitwasyon ngayon! Iba na ako...iba na ang nararamdaman ko para sayo. Kaya let's stop this drama, let's end this... please."
"H-Hindi mo na ba talaga ako mahal? 2 years kang nawala, at hindi ko man lang alam kung saan ka nagpunta...kung bakit mo ako iniwan? Pero isang bagay lang ang alam kong di nagbago sayo....whatever you feel always shows on your face...on your eyes. Bakit nakikita ko sa mga mata mo na napipilitan ka lang na sabihing hindi mo na ako ma---"
"It's nonsense Trevor! You should forget everything. As for me, I won't remember..."
Natigilan naman ako don.
"Trevor let's not see each other, ever again. I'm going...be well."
She turned to walk away.
Nakakailang hakbang pa lang ito ng biglang mapahawak sa ulo.
"Jhaecy?"
Nilapitan ko naman agad siya at hahawakan sana siya sa braso pero agad niyang iniwas ang braso niya sakin.
"O-Okay lang ako...I can take care of myself." Pero bigla itong nawalan ng balanse kaya buti nalang nahawakan ko agad siya sa braso.
"Tara sa kotse..."
"H-Hindi na kaila---Aray!" Napahawak na naman ito sa ulo.
Nagpanic na ako.
"Jheacy baka ano na yan! Dadalhin na kita sa hospital."
Binuhat ko na siya.
"I-I never asked you to carry me..."
Hinayaan ko nalang siya na magpumamiglas hanggang sa mapansin kong di na siya nagpupumiglas.
Nawalan siya ng malay.
Author's Note:
VOTE and COMMENT
BINABASA MO ANG
PESTENG DARE ENDING
Short StoryAng istoryang mahigit 5 years mong inantay ang ending ay finally may ending na! Basahin mo na.