"She was diagnosed with an i-incurable brain cancer and had o-only 6 months to live."
"What about the clinic in the US?"
"Iisa lang sinabi nila...t-there's no chance to survive and there is n-nothing they can do. "
"N-No...nawala na siya sakin ng isang beses. Hindi ko na uulit hahayaa---"
"Kailangan mo lang siyang samahan sa mga natitirang araw niya..."
"Tomi gusto kang makausap ng Doctor..."
"Sige ho Manang."
Lumabas na ito.
Nakatingin lang kami ni Yaya Manang kay Jheacy na nasa hospital bed at walang malay. Tanggal na rin ang wig nito. Oo, nakawig pala siya kanina.
"Hindi ka pa rin natiis ng alaga ko. Tingnan mo kahit mahirap, nakipagkita pa rin siya sayo...Ay saglit!"
May kinuha ito sa bulsa nito.
"Alam namin na pinapahanap mo siya, pero hindi mo alam na ilang beses siyang nasa paligid mo lang."
"Hindi ko ho kayo maintindihan Manang..."
"Eto..." Binuksan niya yung gallery ng phone at tumambad sakin ang sarili ko.
"Sa loob ng halos dalawang taon, sinuportahan ka niya...lagi siyang naattend sa mga concert mo, nanunuod ng movie mo, bumibili pa nga ng product na iniendorse mo kahit pa panlalaki ito. Hindi siya nawala...ayaw lang niyang magpakita dahil ayaw niyang makita mo siyang nahihirapan."
"Manang aalis ho muna ako."
Tumalikod na ako.
"Katulad mo, masakit din para sa amin, pero hindi ito yung oras na dapat kaming magmukmok sa isang tabi at sayangin namin yung oras na dapat ginugugol nalang namin kasama siya habang nandito pa siya..."
Naglakad na ako palabas ng hospital room.
Kinabukasan dumalaw ako, buti nalang pag dating ko gising na siya.
"J-Jhaecy..."
"Nakakahiya mang makita mo akong walang buhok pero wala na akong magagawa."
"Are you distancing yourself from me? Kaya ba tinapos mo ang lahat satin?"
"Oo. Sabi ko nga, you deserve better...you deserve happiness. Alam kong makukuha mo lang yon pag pinalaya mo na ako. Kaya please promise me, magmamahal ka ulit...Kahit hindi na yung katulad kong maingay...yung parang mas siga pa sa tambay sa kanto at kung makasigaw ay parang mega phone. Magmahal ka ulit, yung mas better sakin. Please promise me pag nawala na ako...mag move on ka agad, at magpatuloy..."
"H-Hindi ko alam..."
"Please promise me..."
"O-Okay...pinapangako ko." Mukhang sinabi ko lang yan para pagaanin yung nararamdaman niya dahil hindi ko kayang magmahal ng iba.
She smiled at me.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at may pumasok na nurse.
"Sir, kailangan na pong magpahinga ng pasyente. Bukas nalang po ulit kayo dumalaw."
"Per---"
"Umuwi ka na Trevor, after 2 days ka na lang bumalik..."
"B-Bakit?"
"Ayusin mo muna sarili mo, humarap ka nalang ulit sakin pag okay ka na. Don't worry dahil pagbalik mo nandito pa rin ako."
"Yes babalik ako. I wanted to be there for the person I love until the end..."
I kissed her forehead.
BINABASA MO ANG
PESTENG DARE ENDING
Short StoryAng istoryang mahigit 5 years mong inantay ang ending ay finally may ending na! Basahin mo na.