Wrong Send

30 0 0
                                    

BAKASYON : Hay salamat. Pwedeng pwede akong magpuyat at gumising kung anong oras ko man gusto. Eto yung gusto ko ehh ^__^

********************************

Nagising ako dahil sa umaalingawngaw na sigaw ni mama (Umaalingawngaw talaga haha).

"Bumangoon naa kayoo. Alass syetee naa," sigaw ni mama.

Arghh. Bakasyon nga eh tapos ang aga-aga kung manggising. Haay.

Naghilamos muna ako, nagsepilyo at nag-ayos ng higaan.

Hinanap ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Pagkakuha ko nun, nakita kong mayroong isang nagtext.

Hmm. Baka group message lang.

Pagbukas ko sa text message, unregistered number.

.

From : +63930*******

Goodmorning :) I love you, honey.

.

Ha?! HAHAHAHAHA. Ano to? Okay, parang gusto ko tong pagtripan ah ^__^ Nagreply ako.

.

To : +63930*******

Goodmorning din. I love you, too, honey. Anong ginagawa mo?

.

Hahaha. Hindi muna ako lumabas ng kwarto. Nakakatuwa kasi to eh. Mayamaya, nagreply na siya.

.

From : +63930*******

Hoy! Tigilan mo ako! Langya! Sino ka? Lakas makatrip

.

Aba, pano nalaman ng unggoy na to na pinagti-tripan ko lang siya?! Tss. Eh siya naman unang nagtext ah.

.

To : +63930*******

Ikaw ang tumigil. Kasalanan ko ba na nagtext ka sakin?! Hindi ka kasi nag-iingat

.

From : +63930*******

Talagang ako pa?! Kung sinabi mo sana na mali ang natext ko, edi natext ko ulit girlfriend ko

.

Tsk. Anong paki ko sa kanila ng girlfriend niya?!

.

To : +63930*******

Ewan ko sayo! Get lost!

.

Tsk nakakabadtrip yun ah. Mabuti pang makatambay muna kina Lexie (bestfriend ko).

Nagpaalam muna ako kay mama na pupunta kina Lexie. Pinayagan niya naman ako agad dahil kilala niya naman ito.

Nasa harap na ako ng bahay nina Lexie. Tinext ko siya na nasa labas ako ng bahay nila para lumabas din siya. Haha

Mayamaya, lumabas na nga siya. Todo ang ngiti niya.

Hindi ko alam kung pano kami nagkasundo na siya ay laging naka-smile habang ako naman ay daig pa ang pasan lahat ng problema sa mundo dahil laging nakasimangot.

Hindi ako sanay na mag-smile sa mga taong hindi ko naman ka-close baka isipin pa ay feeling close ako. One more thing, nasira na ang araw ko dahil sa lalaking na-wrong send sa akin. Hays.

"Camille! Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin nang nakangiti pa rin.

"Pwedeng dito muna ako? Boring kasi sa bahay ehh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrong Send (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon