Nang nakarating na sila sa resort ay agad nilang hinanda ang mga gamit sa cottage, kanya kanya rin silang gawa sina Shone at Shine ang naka toka sa pagluluto at natulong sina Xerces at Aiola ganun din si Mavz, sina Gray, Juvia at Yash naman ay nag gagala sa beach, sina Venice at Brent ay nasa tabi lang ng cottage na tila may tampuhan at hindi nag uusap, sina Serene at Adonis ay nasa ilalim ng puno ng niyog, gumawa si Adonis ng duyan duon at dalawa sila ni Serene na humiga sa duyan. Sina Eugene, Raph, Alyza ay Summer ay nag lalaro ng volleyball.
"Bakit ka tumayo?" tanong ni Adonis.
"Sigurado ka bang matibay yung ginawa mong duyan?" tanong ni Serene
"Oo naman, wala ka bang tiwala sa akin? Halika nga dito" sagot ni Adonis at hinila si Serene napa kandong si Serene kay Adonis. "Ang tulis ng pwet mo"
"Grabe!" sagot ni Serene at pinalo ang braso ni Adonis. Niyakap ni Adonis si Serene at bumulong.
"Napapatingin sa atin si Venice, parang naba-badtrip sa ginagawa natin" bulong ni Adonis. Napatingin si Serene kay Venice at naka ramdam ng konting lungkot. ~ Oo nga pala, naglalaro lang kami ni Adonis nakalimutan ko, ginagawa lang pala namin to para mag selos si Venice. (iyan ang nasambitla ng isip ni Serene)
"Siguro naaalibadbaran na sya sa akin." Sagot ni Serene at sumandal sa katawan ni Adonis. "Ano nang plano mo pag bumalik sayo si Venice? Hindi ka ba makokonsensya kung aagawin mo sya kay Brent?"
"Hindi ko naman sya inaagaw ah" sagot ni Adonis. "Binabawi ko lang yung talagang akin" Huminga ng malalim si Serene.
Lumapit sina Summer at Alyza kina Serene at nag hatid ng buko juice, after non ay bumalik sila sa kinaroroonan nila Raph at Eugene.
Lumapit sa cottage si Yash at kumuha ng dalawang barbeque para sa kanilang dalawa ni Gray.
"Hindi pa luto lumalamon na PG!" Sigaw ni Aiola habang natulong kay Xerces sa pag iihaw ng barbecue. Napatingin sina Venice, Brent, Gray, Juvia at Yash kay Aiola, Tumawa ng malakas si Xerces.
"Sorry naman" sagot ni Mavz kay Aiola. Ang pinaparinggan ni Aiola ay si Yash pero nagpanggap nalang si Mavz na sya ang sinabihan ni Aiola para iwas na sa gulo. Natuon n lng ang atensyon nila Yashkina Serene.
"Ang arte ng Serene na yan, pabebe masyado" wika ni Yash habang nakain sila ng barbecue kasama sina Venice, Brent, Juvia at Gray.
"Sana lang makita ko silang malaglagan ng buko, nakaka asiwa silang panuorin" sagot ni Venice.
"Kung naaasiwa ka, edi wag mong panuorin" wika ni Brent na tonong naiinis sa sinabi ni Venice.
"Ano bang problema mo Brent? Kagabi mo pa ako binabara ah" naiinis na sagot ni Venice sa Bf nya.
"Kagabi ka pa kasi walang bukang ibig kundi Serene at Adonis, Ano ba Venice, Bf mo ako pero mas marami pa yung sinasabi ng bibig mo na Adonis kaysa sa I Love You ah, sino bang hindi maiinis nyan" galit na sagot ni Brent.
"Juvia, Yash, dun muna tayo kina Mavz manghingi tayo ng Buko juice" pag iiba ni Gray at umalis silang tatlo para magkaroon ng privacy ang mag nobyo.
"Bakit ka ba masyadong apektado kay Adonis?" tanong ni Venice.
"Ikaw, bakit ka sobrang apektado kay Serene?" tanong ni Brent, Umirap si Venice at nagpamaywang.
"Gf mo na ako Brent, wag ka na mag isip ng kakaiba" sagot ni Venice.
"Gf nga kita, pero sigurado ba akong Brent ang nilalaman ng puso mo o yung ex mong si Adonis?" tanong ni Brent.
"What if sabihin ko sayong nag kakainteres na ako kay Adonis?" tanong ni Venice. Ngumiti si Brent at inihagis ang barbecue sa buhanginan.
"Ano pa bang aasahan ko sayo? Easy to get ka at gold digger pero kahit ganon tinanggap ko pagkatao mo, sa pinapakita mo sa akin na pag uugali ngayon, mas pinapatunayan mong hindi ka worth it na babae, bahala ka sa gusto mo Venice, hindi ka malaking kawalan sa buhay ko. Ipag patuloy mo yung interes mo kay Adonis, pagod na ako sayo, break na tayo" Naka ngiting wika ni Brent at nag walk out.
"Teka, Brent!" habol ni Venice at hinawakan ang braso ni Brent pero pumiglas si Brent at dirediretsong umalis sa beach.
"Tsaka ka nalang bumalik sa akin kung sure ka sa nararamdaman mo" wika ni Brent. "Sumabay ka nalang pauwi kina Gray" at nag lakad na palayo.
"Brent san ka pupunta?" tanong ni Shine.
"Mukhang di ako kailangan dito Shine, uuwi na ako. Thanks sa pag imbita" sagot ni Brent at tuluyan ng umalis. Lumapit si Shine kay Venice.
"Anong nangyari don?" tanong ni Shine kay Venice.
"Nag selos sya kay Adonis" sagot ni Venice.
"Di mo man lang pinigilan?" tanong ni Shine.
"Pinigilan ko pero ayaw magpa pigil eh" sagot ni Venice. "Naiinis talaga ako sa ugali nya" Inis na lumapit si Venice sa kinaroroonan nila Gray, Juvia at Yash.
"Anong nangyari kay Brent? San pumunta yon?" tanong ni Yash
"Edi umuwi! Sa inyo na ako sasabay umuwi" inis na sagot ni Venice.
Samantala habang nasa duyan ay nag usap sina Serene at Adonis.
"Mukhang effective yung acting mo" wika ni Serene kay Adonis.
"Ano kaya kung mag artista na lang ako?" tanong ni Adonis.
"Best Actor ka siguro, tingnan mo makatotohanan yung arte mo kahit hindi ka nag wo-workshop sa pag da-drama" gatong ni Serene.
"Oo tsaka magkakandarapa sa akin yung mga babae, biceps pa lang, tapos yung Abs ko pa." Pagyayabang ni Adonis.
"Yabang!" wika ni Serene sabay sundot sa tagiliran ni Adonis. Napabalikwas si Adonis sa kiliti. "Hahah! May kiliti ka pala sa tagiliran?"
"Wag mo akong kilitiin!" awat ni Adonis.
"Ayyiiee! Ayyiiee" patuloy na pangingiliti ni Serene kay Adonis.
"Wag! Nakikiliti ako!" pinipigil ni Adonis ang kamay ni Serene.
"Ah! Aray! Aray!" reklamo ni Serene dahil napilipit ang wrist nya. Kaya tinusok nya ng kabilang kamay ang tagiliran ni Adonis.
"Hala wag!" sigaw ni Adonis. At napa lakas ang balikwas nya, sa sobrang likot nila sa duyan ay biglang napatid ang pagkakatali at sabay silang nalaglag.
"Buti nga!" wika ni Yash kina Venice habang nakatingin kina Serene at Adonis na nalaglag sa duyan.
"Aray" halos maiyak iyak si Serene sa sakit ng likod.
"Masakit? Sorry baby" malambing na wika ni Adonis at binuhat si Serene na parang newly wed. "Ang bigat mo" bulong ni Adonis.
"Edi Wow!" sagot ni Serene. Halos mamatay sa inggit si Venice habang sinusundan nya ng tingin sina Adonis at Serene na papuntang cottage. Iniupo ni Adonis si Serene sa isang pahabang upuan at hinilot hilot ang likod.
"Masakit pa ba?" tanong ni Adonis.
"Medyo" sagot ni Serene.
"Masakit din ang likod ko Jal" wika ni Adonis "Hilutin mo naman ako."
Nag latag sina Serene ng blanket sa buhanginan at dumapa si Adonis. Umupo si Serene sa bandang pwetan ni Adonis at nag simulang hilutin ang likod ng binata. "Wow! Sarap!" wika ni Adonis. Napagod si Serene sa panghihilot kay Adonis kaya kinagat nya ang broso ng binata. "Aray! Aray!" Bumalikwas si Adonis kaya napaupo sa buhanginan si Serene.
"Nang gigigil ako" nakangiting wika ni Serene, ngiting wagi sya na parang batang napag bigyan ang luho, sabay hila sa buhok ni Adonis sa binti.
"Aray ko! Geeezzz!" biglang hinila ni Adonis ang dalaga dahilan para mapa unan ito sa dibdib nya.
Para kay Venice nakakairita sa feeling ang ginagawa nila Adonis at Serene kaya gusto nyang ituon ang atensyon nya sa iba, that's why may naisip sya. Lumapit sya kina Shine at Shone at kinausap ang mga ito.
"Shine" tawag ni Venice.
"Yes?" Natuon ang atensyon ni Shine kay Venice.
"May naisip ako." Wika ni Venice.
"Ano naman yon?" tanong ni Shine.
"What if mag palaro kayo ni Shone, something like, taguan, or volleyball" suggestion ni Venice.
"Oo nga ano? Sige gawin natin yan mamayang gabi sa ngayon, enjoyin nyo muna ang buong hapon sa beach" sagot ni Shine.
"Mas enjoy ako sa Bitch" biro ni Mavz. Piningot ni Shone si Mavz sa tainga.
"Ikaw, wala ka nanamang maisip na matino, diba sabi mo ikaw ang cook?" tanong ni Shone.
"Ako nga, ayaw mo naman akong tulungan eh" sagot ni Mavz.
"Tara na! mag luto na tayo" utos ni Shone.
Nang mag tanghali ay salo salo silang nagkainan, nag video oke at anu-anong pinag gagagawa., inipitan ni Adonis si Serene ng pony at talagang hindi kaaya aya ang ginawa ng binata, nag mukhang krung krung si Serene, after nuon ay pinag laruan naman ni Serene si Adonis, nag make up silang dalawa at hindi pa nakuntento ay nag manicure perdicure pa, Hanggang sa mag hapon na at wala na ang hapdi ng sikat ng araw,
Kanya kanya silang lusong sa dagat, nag eenjoy sila dahil mataas ang alon at malakas ang hampas nito, kada alon ay parang nag lalaro sila sa roller coaster dahil natutuwa sila at nag tataasan ng mga kamay.,
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Fiksi Remaja"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...