Mag hahating gabi na tulog na ang mga kasama ni Adonis sa kwarto ng biglang maka receive ng text message si Adonis at tumayo sa hinihigaan. Di nya namalayang sinundan sya ni Serene at nakita nyang pumasok sa kwarto ni Venice si Adonis. Biglang nag init ang ulo ni Serene at sinugod ang kwarto, mabuti na lang at hindi naka lock ang pinto kaya naka pasok sya at tumambad sa kanya si Venice na naka yakap kay Adonis.
"Malandi ka" mahina ngunit galit na wika ni Serene at sinabunutan si Venice.
"Aray! Ano ba Serene! Nasasaktan ako!" halos kaladkarin ni Serene sa sahig si Venice.
"Tumigil! Serene! Tumigil ka nga!" galit at pasigaw na saway ni Adonis. Nanibago si Serene, for the first time nasigawan sya ni Adonis at kitang kita ang galit sa mga mata ng binata. "Bakit mo ba ginagawa yan!"
"Ikaw bakit mo ba ginagawa yan?, may Gf ka tapos papasok ka sa kwarto ng ibang babae para makipag yakapan?" naiiyak na tanong ni Serene.
"Bakit sinasaktan mo si Venice?" tanong ni Adonis.
"Bakit galit na galit ka na sinaktan ko si Venice? Kanina nuong ako yung sinaktan nya di ka man lang nagalit sa kanya?" tanong ni Serene.
"Venice, hintayin mo ako ah, kakausapin ko lang sa labas si Serene" wika ni Adonis kay Venice at pagalit na hinila si Serene palabas ng pinto at isinara ang kwarto ni Venice, Nang nasa corridor na sila ay halos matilapon si Serene nang bitiwan ni Adonis ang braso ng dalaga. "Ano bang problema mo?" galit na tanong ni Adonis.
"Bakit ka nakikipag yakapan kay Venice? Bakit ka pumasok sa kwarto nya ng kayo lang dalawa?" tanong ni Serene.
"Masama ba Serene?" tanong ni Adonis.
"Oo dahil Girlfriend mo ako!" sagot ni Serene.
"Hindi naman totoong tayo" wika ni Adonis, Biglang natigilan si Serene sa narinig nya. Oo nga pala naalala nya, nagpapanggap lang silang dalawa.
"A-alam ko, kaso alam mo namang may problema na katulad ng ganyan sina Juvia tapos, baka may makakita na iba, baka gawing big deal to, masyadong na disappoint si Shine at Shone sa nangyari kaya ayaw ko lang na madagdagan yung disappointment nila" na uutal na sagot ni Serene. Ayaw na lang nyang mapahiya, nadala sya ng bugso ng damdamin nya, nakalimutan nyang hindi totoo ang lahat sa kanila. Biglang kumalma at huminahon ang aura ni Adonis.
"Kaya nga late na ako pumunta sa kwarto ni Venice para walang makakita, Wag ka nang mag alala. Bumalik ka na sa kwarto, dito na ako mag papalipas ng gabi" wika ni Adonis. Tahimik na lumakad si Serene pabalik sa kwarto nya, dahan dahang binuksan ang pinto at lumingon kay Adonis, naka tingin parin sa kanya si Adonis at nang pumasok si Serene sa loob ng kwarto ay syang pasok din ni Adonis sa kwarto ni Venice. Ilang sandali lang ay dahan dahang binuksan ulit ni Serene ang pinto upang silipin si Adonis at nang makitang wala na ang binata ay tuluyan syang lumabas ng kwarto para gumala sa dalampasigan.
Malamig ang simoy ng sariwang hangin sa dagat, bagamat gabi ay maliwanag parin ang paligid dahil sa sinag ng buwan, nilalakad ni Serene ang dalampasigan sabay ng marahas na hampas ng alon sa kanyang mga paa.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Juvia. Nagulat si Serene dahil hindi nya napapansing sinusundan na pala sya ni Juvia.
"Juvia?, bakit gising ka pa?" tanong ni Serene at patuloy na dahan dahang tinatahak ang dalampasigan habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang short.
"Ikaw? Bakit gising ka pa?" pag balik ng tanong ni Juvia.
"Hmm" huminga ng malalim si Serene "Hindi kasi ako makatulog, eh ikaw?" tanong ni Serene.
"Nang nag akyatan kayo nagpaiwan ako dito" sagot ni Juvia habang nakikisabay sa lakad ni Serene. "Kaya kanina pa ako nandito, di ko kasi alam kung kanino ako makikitulog eh"
"Gusto mo sa kwarto ka nalang namin matulog, tabi tayo?" tanong ni Serene. "Tabi tayo if gusto mo"
"Huh?, paano si Adonis, baka naman magalit sayo iyon" sagot ni Juvia.
"Wala sya sa kwarto," sagot ni Serene.
"Bakit naman?" tanong ni Juvia.
"Basta, secret" sagot ni Serene.
"Nasa kwarto ba sya ni Venice?" tanong ni Juvia.
"Paano mo naman-" hindi tapos na sabi ni Serene.
"Dideretsohin kita, sinabi sa amin ni Venice na palihim silang nagkita kagabi" sagot ni Juvia. Pilit na Ngumiti si Serene at pinagtagpan si Adonis, ayaw nya talagang malaman ng mga kaibigan ni Adonis na palabas lang ang lahat sa kanila.
"Baka naman sabi sabi lang nya, alam mo naman yun ayaw magpatalo" pag tatakip ni Serene kay Adonis.
"Nakita ko, Nakita nila Shone, Shine at Mavz. Kagabi late na kaming dumating, sinalubong at inertertain kami nila Shine, tapos sumama ako sa kusina para tulungan si Shine na mag prepare ng foods namin pero nakita ko sina Venice at Adonis na magkasama, magka hawak ng kamay na parang magkarelasyon" kwento ni Juvia. Napansin nyang parang nabigla sa narinig si Serene. "Ano ipag papatuloy ko ba?"
"Sige" matipid na sagot ni Serene,
"Tinanong ko kung sina Venice yung nakita ko kaya sinipat din ni Shine, nagulat sya pero di nya rin kasi sure kung sila talaga yun kaya pinatawag nya sakin sina Shone at Mavz para sundan sila ng palihim, habang kami ni Shine ay nakikipag kwentuhan kina Gray at Yash at pag balik nila Mavz, sila Adonis at Venice nga yung nakita namin" Paliwanag ni Juvia.
"Ganun ba? Akala ko hindi ako nakatulog kagabi, nakatulog naman pala ako at hindi ko napansin na tinakasan ako ng Bf ko hahah" patawa tawang wika ni Serene.
"Wag mo akong gayahin Serene, ipag laban mo ang sayo habang maaga pa, tingnan mo ang nagyayari sa amin nila Gray, masyadong kumapit ang linta kaya ayun ang hirap tanggalin and worst pati buhay ni Gray kinapitan na nya" Paliwanag ni Juvia.
"Bakit nagawa mong pag tiyagaan si Gray sa kabila ng ginagawa nya sayo?" agad natanong ni Serene. Biglang natahimik ang dalawa "Sorry wag na pala" bawi ni Serene,
'"Nasa ibang resort na tayo girl, may mga tao na dito." Wika ni Juvia.
"How did you know na nasa ibang resort na tayo?" tanong ni Serene.
"Wala pang ibang bakasyunista sa resort nila Shine, bukas pa ang opening nila, may isusuot ka na ba na suim suit?" tanong ni Juvia.
"Oo, kakabugin ko silang lahat hahah!" biro ni Serene.
"Hindi pa ako nag papakita ng katawan na naka two piece kahit kanino kaya bukas pag mag suot ako non, mas makakabog ko si Yash at sure ako mababaliw sa akin si Gray" wika ni Juvia na seryoso ang tono.
"Ha? Hindi ka pa nakita ni Gray na naka two piece?" tanong ni Serene. "As In 3 years kayong in a relationship tapos sa pag kakaalam ko iisa lang ang tinitirahan nyo" gulat na tanong ni Serene.
"Si Gray, kahit wala syang respeto sa katawan ni Yash pag dating sa akin meron syang respeto,. Nag tataka kayo kung bakit napayag akong kumalantari si Yash? Kasi lalaki si Gray, kailangan nya ng kalayawan sa katawan, more than three years na kaming live in, and 9 years na kaming in a relationship pero ang masasabi ko wala pang nagyayari sa amin ni Gray" Paliwanag ni Juvia.
"Wala pa? as in No touch? Capital V ka pa?" manghang tanong ni Serene. Natawa si Juvia sa reaction ni Serene.
"Hahah! Nakakatawa yung reaksyon mo Serene" natatawang wika ni Juvia.
"Hindi ka ba nag bibiro?" tanong ni Serene.
"Bata pa lang kami ni Gray, Pinag usapan na ng pamilya namin na kami ang dapat ikasal, kasi nga alam mo naman, galing si Gray sa maramot na pamilya ayaw nila ihalo ang wealth nila sa ibang pamilya except sa talagang mapag kakatiwalaan lang at iyon ang Family ko, Magkakilala at magkaibigan na talaga ang mga ancestors namin at salin lahi nilang ipinapaalam iyon, sa generation namin ni Gray natuon ang arrange marriage" kwento ni Juvia.
"kung mag kakaibigan na pala ang ninuno nya bakit hindi yung mga Lolo or parents nyo ang ipinakasal?" tanong ni Serene.
"Sa time na to nag loko ang business ng pamilya ko at para masalba iyon pumayag na silang ipakasal ako kay Gray, nakilala ko si Gray nuong elementary pero di kami magka sundo, Official na naging kami nuong highschool kasi nahulog na ang loob ko sa kanya, then after namin grumaduate ng college nag live in kami para pakiramdaman ang isat isa, di namin sure yung feelings namin sa isat isa eh, di ko alam if mahal ko ba sya o gusto ko lang sya dahil inutos ng family ko at ganun din sya sa akin. Kaya nga di nya ako ginagalaw kasi if one day na realize namin na wala talagang Love between us edi hiwalay, walang lugi walang mawawala sa akin" kwento ni Juvia.
"Eh ngayon?" tanong ni Serene.
"Mahal ko na yata sya, pero parang si Gray di parin sigurado" malungkot na wika ni Juvia. "Tulog na tayo, kailangan maganda tayo bukas, kakabugin natin sila eh"
"Oo nga, tara" sagot ni Serene at tumayo na.
"Bukas, It's either mabibighani si Gray sa akin o magagalit sya dahil unang beses pa nga lang nya akong makikitang naka two piece eh may nakikihati pa ng tanaw hahah" biro ni Juvia.
"May pagka wild ka rin pala mag isip" sagot ni Serene.
"Sabi nga nila, masamang magalit ang taong tahimik." Sagot ni Juvia.
BINABASA MO ANG
#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st Story
Novela Juvenil"Holy Cow!" sigaw ni Eugene habang nakatitig kina Serene at Adonis na magkayakap habang tulog sa sahig. Nang matauhan si Adonis ay agad itong napa upo, gayon din si Serene at naka taklob ng kumot, si Adonis naman ay kita ang hubad na itaas. "Dre...