𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 31

30 4 0
                                    

Kinabukasan nagising sila Summer at ang iba pa at nakita nilang nasa kama ni Serene nakaupo si Juvia.
"Oh, Dito ka natulog Juvia?" tanong ni Raph.
"Hindi, kakarating ko lang dito may usapan kasi kami ni Serene na kukulutin ko daw sya para sa opening party mamaya" deny ni Juvia, matalinong babae si Juvia madali syang maka relate at maka gets ng mga bagay bagay kaya alam nya na pinag tatakpan ni Serene ang kalokohan ni Adonis.
"Ay talagang mag papaganda?" tanong ni Summer. Lumapit ito sa natutulog na si Serene at tinapik tapik "Serene, nandito na si Juvia, Mag paganda na kayo para sabay sabay na tayong bumaba at mag breakfast.
"Mamaya na kami bababa ng mga 10 pag nakapasok na ang mga bisita nila Shine, gusto ko grand entrance kami" sagot ni Serene at umupo sa kama.
"Ganun?! May balak mang karat?" tanong ni Summer.
"Mamaya pa naman pala sila eh, nagugutom na ako, mauna na tayong mag breakfast" aya ni Alyza.
"Yan, pabebe ka kasi kung kumain kagabi, may pa I'm on diet, I'm on diet ka pa jang nalalaman" puna ni Raph kay Alyza.
"Hindi promise, diet talaga ako pero kagabi lang" sagot ni Alyza. "Tara na kasi, kain na tayo" hinihila ni Alyza si Raph.
"Aakyat ka pa ba dito?" tanong ni Serene.
"Hindi na bakit?" tanong ni Alyza.
"Bakit hindi ka naka swim suit diba yun ang isusuot sa opening?" tanong ni Serene. Tiningnan ni Alyza ang suot ng mga kasama nya, si Summer ay naka 2 piece na at sina Eugene at Raph ay naka pang swimming na rin ang suot sabay tingin sa damit nyang naka T-shirt at short.
"Ay! Oo nga pala opening ngayon ng resort nakalimutan ko" wika ni Alyza at biglang nag kalkal sa bagahe nya.
"Epekto ng katakawan mo" puna ni Summer.
"Oi, grabe, epekto lang ng gutom!" sagot ni Alyza at mabilis na pumunta ng cr para mag palit.
After mag palit ni Alyza ay dumiretso na sila sa baba dahil sobrang gutom na talaga ang dalaga, naiwan na lang sa kwarto sina Juvia at Serene.
"Haay..." buntong hininga ni Serene at nagulat sya ng biglang kumulo ang tiyan nya. "My G! gutom na rin ako" gulat nyang wika.
"Mag hilamos ka na para makapag ayos na tayo at maka sunod sa kanila." Wika ni Juvia at inilatag lahat ng pampaganda nya sa kama ni Serene.
"Mag bibihis na rin ba ako?" tanong ni Serene.
"Ikaw ang bahala" sagot ni Juvia at nag bihis na ng suim suit si Serene. Bagay na bagay sa kanya ang suot na suim suit, all white na may design na color gold sa strap ng bra nya at sa garter ng panty nya, pinatungan pa nya ng manipis at transparent na puting tela na may color gold din sa bawat edge, Nag mukha syang greek Goddess na naka swim suit sa suot nya.
"Wow ang ganda naman ng suot mo" puri ni Juvia, habang nag susuot si Serene sa cr ay nag palit na rin ng damit para naman girl version ni Ares, greek God of War ang red with black flame design ang swim suit ni Juvia idagdag pa ang black na black na hair nya, maputing kutis at mabibilog na mata, para syang inosenteng palaban.
"Ikaw rin, bagay na bagay sayo, mas lalong lumabas ang ganda mo" puri ni Serene., nag simula silang nag ayos ng sarili nila, buhok lang naman ang naging matrabaho dahil nag kulot sila pero pag dating sa mukha, powder lang at manipis na lip stick para hindi sila mag mukhang pale.
Bago ang grand Opening ng resort ay nakita ni Shine na kumpleto ang mga kaibigan nya, bagamat watak watak ang lokasyon ng mga ito ay nakita naman nya ang presence nila, naka habol sina Juvia at Serene pero nasa sulok lang sila, para silang tigre na nag aabang ng biktima, ayaw nilang ma expose agad ang beauty nila gusto nila mabighani ang lahat pati ang mga bisita.
After mag ribbon cutting ay nagkaroon ng buffet at sa sobrang gutom nila Serene at Juvia ay naki lantak na rin silang dalawa kasabay ng iba pang mga bisita. Nakakita si Serene ng seafoods na gusto nya.
"Juvia, kukuha lang ako ng sugpo at crab" wika ni Serene.
"Ha? grabe Serene, putok batok naman yan type mo" biglang wika ni Juvia. Habang nakuha ng pagkain nya "Sasama na ako" Halos mapuno na nga ng karne at gulay ang plato nila pero balak pa nilang kumuha ng sea foods.
"Minsan lang to Juvia, Biyaya yon" wika ni Serene habang tinitikman tikman ang sarsa ng barbecue na dini-dip ng daliri nya.
"Para tayong patay gutom" wika ni Juvia habang kinakain din ang lamang ng plato nya habang papunta sa seafoods na gusto nila.
"Kahit na para tayong patay gutom atleast hindi naman tayo literal na namatay sa gutom" sagot ni Serene.
"Yung point mo, may pagka pointless" biro ni Juvia at sabay silang nag tawanan. Nang marating nila ang seafood section ay humingi sila sa usher.
"Kuya pahingi nga ko jan," turo ni Serene sa sugpo. "Damihan mo kuya ah" hirit pa nya.
Samantala, mag kakasama sa isang table sina Venice, Yash, Gray at Adonis nang mapansin ni Venice na may hinahanap si Adonis.
"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Venice. Napatingin sa kanya si Adonis.
"Ha? wala" naka ngiting sagot ni Adonis at nag simulang kumain, si Venice naman ay kinausap si Yash.
"You know Yash, I was wondering, what if mag out of town ulit tayong apat" wika ni Venice.
"Sure, gustong gusto yan" nakangiting sagot ni Yash, hindi napansin ni Adonis ang pinag uusapan ng dalawang babae dahil mayroon talaga syang hinahanap at nang maka lingon sya sa seafood section ay nakita nya si Serene na suot ang binili nyang swim suit, napangiti sya mag isa.
"Adonis ano sa palagay mo?" tanong ni Venice pero hindi sya narinig ni Adonis kaya niyakap ng dalaga ang braso ni Adonis. "Hey, Adonis" tawag pa nya ulit.
"Ha? ano ulit yung sinabi mo?" Napatingin si Adonis kay Venice
"Gusto mo bang mag out of town tayo?" tanong ni Venice.
"I check ko muna ang schedule ko" sagot ni Adonis at lumingon sa kinaroroonan ni Serene at tumayo " Can you please wait for a while?" tanong ni Adonis. Hindi pa man nakakasagot si Venice ay iniwan na sya ni Adonis.
"San pupunta yon?" tanong ni Yash.
"I don't know" sagot ni Venice. Napansin naman ni Yash na di mapakali si Gray sa kaka dutdot sa cellphone nya.
"Hoy! Kanina ka pa busy sa kaka cellphone mo, ano bang ginagawa mo?' tanong ni Yash kay Gray.
"Wala" sagot ni Gray pero nag ce-cellphone pa rin.

Sa SeaFood Section naman...
Binuksan ni Juvia ang cellphone nya nang may mag text nanaman.
"Sino kaya tong nag te-text sakin kanina pa to vibrate ng vibrate" wika ni Juvia at binasa ang mga text.
"Baka emergency yan" sagot ni Serene, nang may bisita na hihingi ng sugpo ay kinausap nya ito. "Ay! Miss sorry naka reserved na yan" wika ni Serene sa babae at nag hanap ng ipapalusot, naka kita sya ng buntis na babae. "Nakita mo yun?" tanong ni Serene sa babae at tinuro ang buntis na bisita.
"Yung buntis?" tanong ng Babae.
"Oo, sya yung nag pa reserve kasi naaawa sya duon sa mga tao sa labas ipapamahagi daw nya yung blessings, ikaw ba Miss may awa ka ba sa mga tao?" tanong ni Serene.
"Oo naman" sagot ng babae.
"Edi hahayaan mo na lang yung mga sugpo?" tanong ni Serene.
"Okay, sige" sagot ng babae at kinausap ang usher. "Kuya pahingi na lang ako ng inihaw na squid" wika ng babae at nang binigyan ay umalis na. Natatawa tawa ang usher sa ginawa ni Serene.
"O diba kuya, yan yung hokage moves" biro ni Serene. "Oh, Juvia sino yung nag text sayo?" tanong ni Serene.
"Si Gray" sagot ni Juvia at pinatay ang cellphone.
"Bakit mo naman pinatayan ng cellphone?" tanong ni Serene.
"Hayaan mo sya, mag pakasaya na lang sya kay Yash. Pag ma confirm ko lang talaga na hindi ko sya mahal, Wala ng dahilan para ipag patuloy yung kasal kasal na yan" sagot ni Juvia.
"Paano naman ang company nyo" tanong ni Serene
"Siguro naman maiintindihan ako ng parents ko" sagot ni Juvia at nakita nya si Adonis na papalapit sa kanila. "Si Adonis" wika ni Juvia.
"Si Adonis? Hayaan mo na rin sya. Mag pakasaya sya sa Venice nya" sagot ni Serene. Hindi nya namalayang nasa likuran na nya si Adonis.
"Aalis na ko" wika ni Juvia na parang nailang ng nasa likuran na ni Serene ang pinag uusapan nilang dalawa.
"Juvia!, hoy! San ka pupunta!" tawag ni Serene kay Juvia pero hindi na sya nakhabol dahil biglang nag salita si Adonis.
"Matakaw ka pala sa sugpo ano?" tanong ni Adonis, napatingin si Serene sa pamilyar na boses at nang makitang si Adonis ay bahagyang lumaki ang mata nya sa gulat at napatalikod sa binata.
"Kuya may sauce ka pa ba jan?" pag iiba ni Serene at kinausap ang usher.
"Yes ma'am nasa harapan mo po" sagot ng usher.
"Ay ganun ba, thank you" napahiyang sagot ni Serene.
"Kung ahas lang yan natuklaw ka na" sabat ni Adonis. Hinsi sumagot si Serene bagkus ay umalis at humanap ng pwesto ng pag kakainan nya. "Wait" habol ni Adonis. "Iniiwasan mo ba ako?"
"Bakit naman kita iiwasan?" tanong ni Serene.
"Hindi mo kasi ako iniimikan" sagot ni Adonis.
"Dumidistansya lang ako Adonis, mahirap na, baka makita tayo ni Venice na magkasama baka magka gulo pa" sagot ni Serene.
"Mamaya sa sweet dance, pwede ba kita makasayaw?" tanong ni Adonis.
Nabigla si Serene, hindi dahil sa inaya sya ni Adonis na isayaw kundi dahil sa hindi nya alam na may sweet dance pala sa opening party.
"May sweet dance ba?" tanong ni Serene. Natawa si Adonis,
"Hindi mo alam?" tanong ni Adonis.
"Hindi eh," sagot ni Serene. "Hindi ko alam kung makikipag sayaw ako kasi di ako marunong sumayaw eh"
"Tuturuan kita" sagot ni Adonis.
"Ayoko, sige, bye," sagot ni Serene at tinalikuran si Adonis. Pumunta si Serene kay Juvia. "Hoy Juvia bakit mo ako iniwanan duon mag isa?" tanong ni Serene kay Juvia.
"Na sense ko kasi na kakausapin ka ni Adonis kaya ayoko namang maka istorbo sa inyo" sagot ni Juvia. "Kumusta naman ang usapan nyo, mukhang masaya ah kasi natawa si Adonis"
"Inaya nya ako ng sayaw" sagot ni Serene.
"Good for you" sagot ni Juvia.
"Anong good don?, natauhan na ako Juvia, laro lang naman ang lahat sa amin, kung mag papadala pa ako sa laro namin baka lalo akong mahulog sa kanya" wika ni Serene.
"Laro?, so it means hindi talaga kayo??" tanong ni Juvia.
"Yeah" mahinang sagot ni Serene.
"Kaya pala ayaw mong ipaglaban" sagot ni Juvia.
"Dahil wala akong karapatan" sagot ni Serene.
"Pero bakit ka nya inaaya na sumayaw?" tanong ni Juvia.
"Hindi ko alam Juvia, siguro para hindi mag hinala ang iba nyong kaibigan?" tanong ni Serene.
"Hm, Bahala na Serene, kung anong idikta ng isip at katawan mo yun na lang ang sundin mo" sagot ni Juvia.
"Bakit hindi puso ang susundin ko?" tanong ni Serene.
"Dahil madalas tayong napapahamak dahil sa pag sunod sa dikta ng ating puso. Atleast kung dikta ng utak ang umiral sa atin, mapapaisip pa tayo kung ano ang tama o mali" Paliwanag ni Juvia.
"Wag mo nalang akong iwan mamaya Juvia" wika ni Serene.
"Ako yung tipo ng kaibigan na handang tumulong pero nang-iiwan para matuto at hindi dumipende sa akin ang kaibigan ko" sagot ni Juvia.
"Kung sa bagay may point ka. Kung palagi kang nasa likuran ko aasa at aasa na lang ako palagi sayo, paano kung dumating yung time na kailangan mong umalis, wala akong ibang hihingan ng tulong kundi sarili ko" wika ni Serene. "Thanks sa advice  Juvia"
"You're always welcome Serene" sagot ni Juvia.
Masaya ang opening ng resort nila Shone at Shine, may mga dance number, mga kumanta, mga pang adult games, bottomless na drinks at kung anu ano pang pakulo sa mga guest hanggang sa tumugtog ang kanta ng Cranberries na When you're gone.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon