𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 33

36 3 0
                                    

Napag pasyahan nila Adonis na gabi na lang bibyahe para maka iwas sa traffic sa Edsa, kaya nag enjoy pa sila mag hapon sa beach pero si Serene ay maghapong nasa kwarto kasama sina Summer at Alyza. Biglang kumatok si Eugene at Raph.
"Summer tara, kakain na tayo" aya ni Eugene.
"Serene, kakain na daw tayo" mahinang bulong ni Summer.
"Uuwi na tayo mamaya Serene, baka mahalata nila Shone na may problema nanaman, baka malungkot din sila" dagdag ni Alyza. Umupo si Serene at bagamat namumugto ang mata ay pinilit nyang mag ayos.
Sa tabing dagat sila nag dinner at para palubagin ang loob ni Serene ay inihawan ni Summer ng marsh mallow ang kaibigan after nilang kumain ay nag lakad lakad sa dalampasigan mag isa si Serene para makapag isip isip habang sinusundan sya ng tingin nila Summer, Alyza at Eugene mula sa di kalayuan. Nakakita si Serene ng mga kolokoy, mga parang talangka pero nasa buhanginan nakatira hinuhuli nya ang mga ito, duon na lang nya ibinaling ang lungkot pero nabigla sya nang nilapitan sya ni Adonis.
"Hindi ganyan manghuli ng kolokoy" puna ni Adonis. Huminto sa panghuhuli si Serene at tiningnan lang sya. Kumuha si Adonis ng tuyong buhangin at itinapon sa loob ng butas na nasa basing buhangin. "Jan nakatira yung mga kolokoy, ngayon lalagyan natin ng tuyo na buhangin at huhukayin" paliwanag ni Adonis at hinukay yung butas "Kita mo? Yang tuyong buhangin ang magsisilbing guide kung saan banda nagtatago yung kolokoy"
"Umalis ka na" wika ni Serene. Napatingin si Adonis sa kanya
"Bakit naman? Ayaw mo ba kasama ang kaibigan mo?" tanong ni Adonis
"Gusto ko kasing mapag isa, kaya please umalis ka" sagot ni Serene "Pwede bang layuan mo na ako?"
"Pinapalayo mo ulit ako?" tanong ni Adonis "For the second time pinagtatabuyan mo nanaman ako? akala ko ba okay na tayo" Biglang napaisip si Serene, parang mali yung word na nasabi nya.
"Hindi naman sa ganon, ang sakin lang kasi dapat dumistansya ka sa akin kasi baka mag selos si Venice, gusto mo bang magkaaway kayo ng dahil sakin?" mahinahong palusot ni Serene. Napangiti si Adonis.
"Ah, akala ko galit ka nanaman sa akin. Sige didistansya na lang ako para walang gulo" niyakap ni Adonis si Serene "Ang swerte ko talaga, kasi naging kaibigan kita at sana hanggang sa tumanda tayo maging kaibigan parin kita" hinalikan ni Adonis ang nuo nya at tumakbo palayo sa kanya.
"Guys ang ganda ng Buwan oh! Nag rereflect sa tubig yung sinag nya parang glitters" wika ni Mavz habang nakalubog ang kalahati ng katawan sa mahinahong dagat. Nag lusungan ang magkakaibigan sa dagat pati si Serene. Pakunwaring nag hilamos ang dalaga para matakpan ang luhang natulo sa mga mata nya. Lumapit sa kanya sina Summer at Alyza.
"Kumusta?" Tanong ni Summer
"Mahirap pero tatanggapin ko na lang kahit sobrang sakit" nakangiting sagot ni Serene habang tinitingnan ang buwan.

Kakaiba ang byahe nila dahil dumagdag sa kotse si Venice, Ang dating pwesto ni Serene ay naging pwesto na ni Venice kaya umupo na lang sa dulo si Serene, tumabi sa kanya sina Alyza at Summer.
"Masarap bumiyahe ng gabi diba?" tanong ni Serene
"Oo naman" sagot ni Alyza "Lalo na kung hindi ikaw ang driver at ang gagawin mo lang sa byahe ay kakain, mag surf at matulog"
"Pero mas masarap bumyahe kapag katabi nyo ang gusto nyong makatabi at masarap matulog kung naka sandal kayo sa kung saan kayo komportable" wika ni Serene.
"Gusto ka naming katabi" sabat ni Summer
"Ayoko kayong katabi ngayon" sagot ni Serene "Pwede ba kayong magtabi tabi nila Eugene sa harap? Gusto ko kasing mapag isa dito sa likod please" pakiusap ni Serene. Huminga ng malalim sina Summer at lumipat.
Humiga si Serene sa likod ng van at tahimik na umiyak lalo na nang tumugtog ang kanta ng Moonstar88 na Ang Pag-Ibig kong ito.
Nang nakarating na sila sa Central  ay nagpalipas sila ng isang buong araw na pahinga, as in straight na pahinga dahil sa sobrang haba at pagod sa byahe.
Isang katok mula sa kwarto nila ang gumising sa tatlong dalaga.
"Serene?" tanong ng di pamilyar na boses, pumasok ang babae sa kwarto nila at ginising sina Serene. "Serene kakain na daw sabi nila Mamang"
Umupo si Serene sa kama nya upang tingnan kung sino ang nagsasalita pero hindi nya matandaan kung sino iyon.
"Miss, do I know you? Nag meet na ba tayo?" tanong ni Serene.
"Hindi pa. Ako nga pala si Mierr Ann" pakilala ng dalaga "Pinsan mo ako, anak ako ni Papa Kierr." at akmang makikipag shake hands kaya nakipag shake hands si Serene sa kanya
"Mierr Ann? Ang alam ko sina Jenas at Nieves Anne ang anak ni Tito Kierr" tanong ni Serene at tiningnan ang wrist watch nya. "Shocks, gabi na pala"
"Tatlo kaming magkakapatid ako ang bunso." sagot ni Mierr "At oo gabi na, sabi ni Mamang Dalisay (Sun) maghapon daw kayong tulog at walang kain kaya ngayon kailangan nyong bumawi para di kayo magkasakit" Nagising sina Alyza at Summer dahil sa naririnig na usapan ng dalawa.
"Serene anong oras na?" tanong ni Alyza
"7 pm" sagot ni Serene, napabalikwas si Alyza dahil sa bigla
"Weh? Seven na?" tanong ni Alyza at tumingin sa relo nya. "Oo nga no"
"Kaya pala nagugutom na ako" sabat ni Summer at umupo rin sa kama. Nag titigan sina Mierr at Summer "Kahawig mo si Ammang Janus" puna ni Summer
"Mukha ba akong lalaki?" tanong ni Mierr
"Hindi naman, magkaparehas kasi kayong may bigote haha" pang aasar ni Summer, sa gulat ni Mierr ay tinakpan nya ang bibig nya
"Balbon kasi ako" nahihiyang sagot ni Mierr "Tumayo na nga kayo jan, sumabay na kayong kumain sa baba, kayo na lang ang hinihintay"
Pag dating nila sa dining room ay nahiya ang tatlo dahil ang daming tao
"Anong Meron?" tanong ni Summer
"Ewan ko" bulong ni Serene, nakita nila ang Mamang Dalisay nila.
"Mamang Sun anong meron bat ang daming peps dito?" tanong ni Alyza.
"Salo salo lang apo, biglaan kasing dumating sina Sapphira kaya inimbita namin sila Mamang Moon mo pati sina Alfi" Paliwanag ni Mamang Sun "Sige mga apo, aasikasuhin ko muna ang mga bisita natin"
"Sinong Sapphira?" tanong ni Summer
"Sapphira, yung anak ng Tita Sabrina nyo" biglang sabat ni Eugene, napatingin si Summer kay Eugene na may buhat buhat na baby
"Sya ang baby mo? Ang cute cute naman" puri ni Summer
"Syempre mana sa akin" sagot ni Eugene.
"Cute ka ba? Ang kapal mo talaga" wika ni Summer
Nakita nilang lumapit si Raph kasama si Mierr Ann at may kasama pa silang isang lalaki at babae
"Hello guys" bati ni Raph
"Hi" sagot ni Serene "GF mo?" tanong nito sa kasamang babae, umirap naman si Alyza sa kasama ni Raph.
"Ay hindi. pinsan nyo sila" sagot ni Raph "Sya si Jenas, sya si Mierr Ann at Si Nieves Anne, anak ni Uncle Kierr." Pakilala ni Raph. Tila nawalan ng tinik sa lalamunan si Alyza nang marinig na hindi nya Gf si Nieves.
"Nasan si Sapphira?" tanong ni Serene
"I'm here" sagot ni Sapphira mula sa likod nya, nabigla sila dahil kasama nila si Gray, Yes, si Gray, yung tropa nilang Makati.
"Gray?" sabay sabay na tanong nina Serene, Summer at Alyza
"BF mo si Gray?" tanong ni Serene kay Sapphira
"Ha?" tanong ni Sapphira "Ayan Bf ko? sa pangit nyan papatusin ko pa?" lait ni Sapphira
"Wow ha nagsalita ang hindi pangit" sagot ni Gray.
"Pinsang buo ko yan sa father side. Hindi kasi nakauwi si Daddy kaya walang maghahatid sakin dito kaya nagpahatid na lang ako sa kanya" Paliwanag ni Sapphira. Napa bite lip si Serene
"Biruin mo ang liit talaga ng mundo ano?" tanong ni Serene kay Gray
"Oo nga eh" sagot ni Gray
Habang nasa hapag kainan lahat sila ay hinahanap ng mga mata ni Serene kung sumama si Adonis. Napansin iyon ni Summer kaya bumulong sya sa kaibigan.
"Bess, wag ka na umasa ha? Masasaktan ka lang" bulong ni Summer. Huminga ng malalim si Serene.
Habang nakain ay nag uusap usap ang mga matatanda tungkol sa mga gagawin sa nalalapit na kasal nina Solen at Alfi nang biglang nasambitla ng bibig ni Serene ang mag papatahimik sa lahat.
"Mamang pwede ba kaming umuwi bukas?" tanong ni Serene, napahinto ang lahat sa pag sasalita.
"Bakit naman apo?" malungkot na tanong ng Lola nila.
"Ahm, Mamang kasi po may emergency sa Office namin sa Manila, kailangan na kailangan kami dahil maraming empleyadong nag loko habang nasa bakasyon kami kaya hindi naging productive ang branch sa Manila" sabat ni Alyza, alam kasi nila na bigla lang nasabi iyon ni Serene ng walang dahilan at ayaw naman nilang magtampo ang mga kamag anak nila kaya nag dahilan na lang sila.
"Opo Mamang, based sa report samin nalugi kami ng 10% within this week lang at pag pabayaan naming ang problema ay baka tuluyan kaming malugi" gatong ni Summer. Biglang lumungkot ang mukha ng matanda.
"Wag ka na malungkot Mamang, babalik kami bago ang kasal ni Tita Solen" wika ni Serene.
"Haayy, sayang naman. Naka plano na kasi tayo na pupunta tayo sa Santiago para mag family bonding, magpipicnic tayo at mag papalaro ng volleyball sa ilog" malungkot na wika ng Mamang. Huminga ng malalim si Serene.
"Okay sige Mamang, sasama kami bukas sa picnic pero kinabukasan non luluwas muna kami ah?" sagot ni Serene. Biglang sumaya ang matanda.
"Sige apo, Masaya na ako kahit hanggang bukas nalang tayo magkakasama sama, sayang nga lang at hindi talaga tayo kompleto dahil wala ang Mommy at Daddy mo, pati ang Daddy ni Sapphira at Mommy ni Alyza." Wika ng matanda
"Sigurado  namang kumpleto tayo sa kasal ni Tita Solen" sagot ni Sapphira. "Wag ka na malungkot Mamang"
"Nami-miss ko na ang Papang Kiel nyo" wika ng matanda.
Biglang nagkatinginan sina Serene, Summer at Alyza. Ngayon lang nabanggit ng Lola nila ang pangalan ng Lolo nila.
"Ma, uuwi na si Papa konting hintay na lang okay" mahinahon at malambing na sabat ni Sabrina sa kanyang ina. Napaisip si Serene. Nuong ikunukwento sa kanya ni Mamang Sun nila ang tungkol sa love story nila Mamang Moon at Ammang Janus nilan ay hindi sumagi sa isip nya na tanungin kung nasaan ang Lolo Kiel nya dahil ang akala nya ay matagal na itong namaalam sa mundo kaya nang sabihin ng tita Sabrina niya na uuwi na ang Lolo nya ay na curious sya dahil buhay pa pala ito.
"Nasan po ba si Lolo?" tanong ni Serene.
"Nasa Singapore sya nagpapagaling. Nagpa opera kasi sya sa mata kasama nyang bumiyahe don si Daddy" sagot ni Sapphira
"Kailan pa? bakit hindi namin sya nakita?" Tanong ni Serene.
"Nasa Madrid sila ni Daddy nag babatay ng ubasan" Natatawang sagot ni Sapphira
"Ha? Akalako ditto lang tayo may properties?" sagot ni Alyza.
"May Farm kasi tayo dun anak" natatawang sagot ni Kifer.
"Wag na kayong magsi uwi sa bahay nyo, masyado nang gabi tsaka marami naman guest room dito" wika ni Sun.
Sumang ayon ang lahat ng bisita sa suggestion ng Mamang Sun nila.
Sa kwarto, habang nag papagpag ng higaan si Serene ay tinanong nya ang pinsan nyang si Sapphira about sa Lolo Kiel nila.
"Anong itsura ni Lolo Kiel?" tanong ni Serene.
"Hindi mo pa nakita si Lolo?" tanong ni Sapphira
"Hindi pa" sagot ni Serene.
"Nandoon sa Family picture sa salas ah." wika ni Serene
"Ganun ba? Hindi ko napansin." tanong ni Serene.

#1 𝒲𝒽𝑒𝓃 𝒴𝑜𝓊'𝓇𝑒 𝒢𝑜𝓃𝑒 (¢σмρℓєтє ¢нαρтєяѕ) -1st StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon