Chapter 5: Beginning

11 2 0
                                    


JUSTINE CYRIL'S POV

              Five minutes ... Arrggh !! Ang tagal pa ng dismissal >____< Kung anu-ano pa kasi sinasabi ni sir eh. Kainis talaga !

Four ...

Three ...

Two ...

O----

" Justine, sa bahay pala tayo magla-lunch. Hinihintay tayo nila mama " - Rizzy

           Naknang !! Arrggghh !! Meron na nga pa palang Rizzy. Kabanas na buhay naman ! Tsss.

"Ikaw na lang sumabay sa kanila. May importante akong lakad ngayon." sabi ko sa kanya at lumabas na agad ng classroom, at dahil makulit siya, sinundan niya ko . Mabuti na lang at di pa labas nila Zari.

" Pero hinihintay nila tayo " - Rizzy

" Umuwi ka na, "

"Pero -- "
    
            Ayun ! Na dismissed din sa wakas.

" Bat ba ang kulit mo !? Umuwi ka na kung takot ka sa kanila. Aalis nako "  sabi ko at pinuntahan na sila Zari.

" Uyy Zari, andito si ... " - Zelle

            Liningon naman nila ako.

" Yes ? " - Jade

" Si Zari " tanging nasabi ko kay Jade dahil tumayo na rin naman si Zari at hinila ako.

" Hindi ako makakasabay sayo ngayon. May naplano na ang barkada, hindi naman pwedeng ako pa yung wala " - Zari

             Ano ? H-hindi siya sasabay sakin ?

" Naiintindihan ko. Sige ingat nalang kayo "

             Tumango na lang siya at bumalik na kina Zelle.  Hayyy. Hinintay ko muna silang makaaalis bago ako bumalik na lang sa room. Dati ako ang kasabay niya during break time. Dati isang aya ko lang sa kanya sasama siya. Dati invited ako sa mga lakad nila. I smiled bitterly.  Dati ...

             Ganunpaman, tinext ko rin sya.

------------------------------------------
to : Zari ♥

Take care :)
_______________________________

              Sent ! Wala pang isang minuto nagreply naman sya,
-------------------------------------------
from: Zari ♥

I will.
-------------------------------------------

" Hey "

             Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ang nasa labas na si Clyde. Binulsa ko naman agad yung cellphone ko at lumabas .  Ngayon lang kami makakapag-usap.

" Hindi ka man lang nagpakita sakin kahapon " sabi ko sakanya habang naglalakad papunta sa railings. Andito kami sa second floor kaya may railings at kita sa baba yung mga school mates namin.

"May mas dapat akong puntahan kesa sayo J " - Clyde

" Sino naman ? "

" Czarina Perez " Sagot niya habang nakangiti. That shut me up. Hanggang ngayon pala si Zari pa rin. Napatungo na lang ako.

" Matagal akong nawala, kwentuhan mo naman ako " - Clyde

Just ListenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon