CHAPTER THREE: Faking My Death

152 148 1
                                    

CHAPTER THREE: Faking My Death

Ariana's POV

"Get out!" Matigas na sabi nito.

"But sir, please let me in." Pagmamakaawa ni JM.

"Fine. Because today is the first day, I will let you in. Don't be late again." Masungit na sabi nito. Bilis naman magbago, walang paninindigan ah?

Pumasok na si JM at napatingin sa akin, nagulat ito ngunit agad akong umiwas ng tingin, nandito ka bilang si Criana hindi Ariana. Hindi niya kilala si Criana so we are strangers.

"Ang hot ng bagong dating na guy 'no?" Sabi ni Dennise. Seryoso? Ang baba ng standards niya.

"Nope." Maiiksing sabi ko. Bahala siya eh nasusura ako dyan eh.

"Why? Criana naman eh!" Pagmamaktol nito. Napaka childish naman ng taong 'to.

"Okay, introduce yourself first. Alphabetically order so let us start with Mr. Aerosmith.

Tumayo ang isang matangkad na lalaki, matangos ang ilong, baby face, pink ang lips at magandang pangangatawan. Edi wow, halos nasa kanya na ang lahat. May ibubuga ba 'to? Baka puro papogi lang. 'Yung buhok niya ang haba tapos kulot, hanggang tenga ito pero para sa lalaki kasi mahaba.

"Good morning everyone my name is Justin Karl Aerosmith, JK for short. I am 22 years old." Maiksi niyang paliwanag. Parang may hinahanap siya sa mga nakaupo at ng makita niya ako ay nginitian niya ako. Nakasuot ito ng white long sleeves polo, ripped jeans na maong at brown shoes.

Noong ngumiti siya sa akin, nagsitilian ang mga kababaihan, kabaklaan at pati yung mga lalaki, nagsisisigaw.

Sino ba siya kung makangiti ay akala mo close kami. Feeling close lang?

"Ms. Bernardo." Tumayo ang katabi ko, si Dennise. Bernardo pala siya.

"Good sunny, sunshine, hot, because it's morning, guys, Dennise Bernardo, at your service. I am 25 years old." Nakangiting sabi niya. Mas matanda pa pala ito sa akin eh.

"Dennise! Dennise! Dennise!" Kilalang kilala pala siya dito. Famous siguro. Sabagay, mga senior na sila dito at hindi freshmen. Baka nga magkakasama na sila last year pa lang. Pag nagpakilala pala, name at age lang.

"Next. Mr. Castillo." Sabi ng prof at ginala ang mga mata niya sa amin.

"Sir!" Nagtaas kamay si Jm. Pangit mo uy!

"The late, come here introduce yourself." Sabi ng prof. Ang lakas grabe nakakabingi naman boses nito.

"Hi! I am Jimmy Mich, you can call me Jimmy, Mich whatever you would like. 25 years old." Habang nagpapakilala siya sa akin siya nakatingin, tinataasan ko siya ng kilay para mas kapani-paniwala ang pagpapanggap ko. Naka white polo, black pants and black shoes siya.

"Next, Ms. Del Mundo." Nakakagulat na sabi ng prof. Bumalik na sa kinauupuan si Jm para ako naman ang pumalit doon sa gitna.

"Go Cricri!" Cheer dito.

"That's my babe!" Cheer diyan. Iww I don't even know you.

"Criana, the Gorgeous." Sabi nila. Magpapakilala pa ba ako? Kilala naman na yata nila ako.

"Ehem." Panimula ko. Okay, kilala nila si Criana, dapat umarte akong parang si Cricri lalo pa't nandito yung ex mong mukhang ewan. Tumingin na ako sa kanila, with Criana's face. Yes, I smile. Iww.

"Good marneh!" Full of energy kong sabi. Hala siya, naghiyawan ang lahat. Ganon ba talaga kalakas ang impact ni Criana sa kanila

"Criana the Gorgeous" sigaw nilang lahat, maliban kay JM syempre. Naguguluhan na siya oh ba't Criana, edi wow isearch mo sa google.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon