Chapter I: Best Friend

362 11 7
                                    

Annie: "Best friend. Sabi nga ng karamihan, ang best friend ay hindi nagiiwanan, hindi nagtatrahidoran, nasasandalan kapag may problema, pero ang best friend din natin ang ating mortal enemy. Alam kasi nila ang ating strength and weaknesses!

In fact, naranasan ko na ito!

Mga apo gusto niyo bang magkwento ako tungkol sa aming dalawa ng best friend ko?"

Mga apo: "Opo! Lola Nie"

46 years ago...

Laganap ang mga mayayabang sa panahong ito na tanging best friend mo lang ang mapagkakatiwalaan. Si Annie at si Andrew ay napakatalik na magkaibigan. Higit pa sa magkapatid ang turingan nila sa isa't-isa.

"Okay, class! Turn your book into page 132. After this we will be having a seatwork." sabi ni Mrs. Rosario na kanilang English Teacher.

"Pssst!" sitsit ni Annie kay Andrew.

"O?" sabi ni Andrew sa mahinang boses kay Annie na may ngiti pang kasama.

"Mamaya? Sa puno?" tanong ni Annie.

"Sure..." sagot ni Andrew sa mahinang boses ulit na mayroong muling kasamang ngiti.

Seat work sa mga oras na ito. Bawal ang maingay, magusap, at siyempre bawal kopyahan. Sa pag-uusap nilang dalawa sa loob ng classroom, nahuli sila ni Mrs. Rosario.

"Both of you, stand up! What is the commotion all about, Mr. Mulingtapang and Ms. Aglipay?" tanong ni Mrs. Rosario sa dalawa na may kasama pang pagtaas ng isang kilay.

"nothing po..." sagot ni Andrew na parang paasar, kaya napangisi si Annie.

"are you sure, Mr. Mulingtapang?"

"Yes, ma'am"

"If I hear both of you noisy again, you will step out of my class! Do I make myself clear?" Mataray na tanong ni Mrs. Rosario, at tiningnan niya pa si Andrew simula paa hanggang ulo; taas ang kilay.

"Yes, Mrs. Rosario!" sagot ng dalawa na magkasabay pang pinigilan ang pagtawa.

Sa kabila ng pagseseryoso ni Mrs. Rosario, napangisi pa ang dalawa, dahil hindi bagay sa kaniya ang magalit; nakakatawa ang hitsura niya! Pinalagpas ni Mrs. Rosario ang pag-ngisi ng dalawa sa kaniya.

"You may take your sit!" sabi ni Mrs. Rosario na hanggang ngayon ay nakataas ang isang kilay. Umupo naman ang dalawa.

After few minutes...

"Time's up! Pass your papers! " sabi ni Mrs. Rosario na parang hindi nagsasawang itaas ang isang kilay, dahil kanina pa ito nakataas.

Pinasa naman ng mga estudyante ang kani-kanilang mga papel para ma-check na.

Ilang sandali pa ay umepal na naman si Mrs. Rosario...

"If one of you here in the class did not passed the seatwork, everybody will pay P10.00! Is that clear?"

"Opo!" sagot ng lahat na parang nawalan ng ganang magsalita.

"Why did you answer me in Filipino? Did I asked you a question using Filipino language?"

WALANG NAKAPAGSALITA...

"Come on! Answer me!" gigil na sabi ni Mrs. Rosario na taas pa rin ang isang kilay.

WALA PA RING SUMASAGOT...

"ANSWER! Did I?" dagdag pa ni Mrs. Rosario.

"No!" sagot ng lahat.

"Okay class. Since you answered me in Filipino, you must pay P5.00! EACH OF YOU! Come on! Money down!"

Siyempre... mapapabulong ang mga estudyante, dahil puro penalty ang kaunting pagkakamali. Pero ayos lang yun, dahil diretso sa class fund nila ang naiipon na penalty.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Itatago na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon