Taong 2014, Maynila, namumuhay sa simpleng paraan, walang raket, hinde makakakain.
Yan ang buhay ni Orang, maagang lumande, lumuwas ng Maynila para sa trabaho subalit pag-ibig ang nakuha sa murang edad.
Payak ang buhay ng mga magulang sa probinsya. Malapit sa karagatan gulay at isda ang lageng nasa hapag-kainan.
Si Orang. Sino ba siya? Ano ba ang itsura nya at ugali?
Orang, sa edad na 15 taglay nya ang mahabang natural na buhok at may konting kaitiman ang balat.
May malalaking singkiting mata at malalaking ngipin. Hindi siya gaanong katangkaran at pwede siyang maging kaibigan kasi magaling siyang makisama.
May pagka-chismosa, masasabi kong 96% totoo sa mga sinasabi.
Sa isang maingay na siyudad napatira si Orang.
Uso naman naman kase sa Maynila na kapag may lumuwas at nakaupa ng matitirhan na galing probinsiya, siguradong iaangkat niya rin ang mga kaanak o kaibigan din upang mamasukan sa siyudad.
Taglay ni Orang ang maging maboka. Kaya niyang isigaw ang galit niya kahit alam niyang pinagtitinginan na siya sa kalsada.
Hinde naman siya ang tipong iskandalosa.
Pakiramdam nya mas madadala ng sigaw ang sasabog na galit at emosyon nya sa hangin.
Masipag si Orang.
Araw-araw natatanaw ko sya sa bintana sa may tapat ng kalsada ng street namin.
Madaling araw alas-kwatro gising na siya, nabili sa karinderya ng P10 na pancit bihon o sopas para sa anak nyang papasok sa isang paaralang Elementarya malapit lang din sa lugar namin.
Apat ang mga anak nya, tatlong lalaki at isang babae sanggol. Ito ang bunso nila na matagal na nyang pinapangarap.
Ang magkaroon ng matatawag nyang prinsesa.
Hanga nga ako sa kanya talagang parang hinde uso family planning.
Basta gawa ng pag-ibig...
Boom! instant baby...
Hinde nalalayo mga edad ng kanyang mga anak, 1 year lang ang pagitan.
Pero naaawa nga ako sa mga anak nya, sanay na sa kalsada.
Sa edad na below 1 year, bilad sa araw, natutong maglakad sa pagkapit lang sa mga pader at gate pati lapag na madumi.
Isipin mo na lang ang napakadaming mikrobyo nasa katawan ng mga bata.
Natawa nga ako, nakain ng shanghai roll, eto un tig-pipisong chitchirya. E baby p un, nagsisimula p lang tumayo.
Basta kapag ang anak nya ay nagsimula ng lumakad, nasusundan agad ng kapatid.
Siguro nagtataka kayo kung ano trabaho ni Orang?
Siya ay labandera.
Kolektor ng mga kalakal, eto un mga pwede pang ibenta sa junkshop.
Pwede rin syang katulong.
Sa mga raket nyang eto nya nabubuhay ang mga anak nya.
BINABASA MO ANG
Bagyo Sa Buhay Ni Orang Kurachadora
Short StoryKilalanin si Orang. Isang martir o tanga sa pag-ibig? Siya ang babaeng dapat unawain. Isang ina, asawa at kaibigan.