Febby's POV
Agad akung napatayo at napayuko. Gawd! Nakakahiya yun eh, feeling ko ang pulang pula ko. Tapos tumayo rin si Zach at inakbayan ako. NNagulat ako at tiningnan siya.
“Okey ba dad?” tanong ni Zach sa daddy niya ng nakangiti. Hindi ko alam pero napangiti rin ako. Nakakahawa siya eh.
“It’s wonderful, akala ko hindi ko na maririnig pang muling may magpapatugtog yan. Thanks for coming into our life Febby. You reminds me a lot of my wife.” Tapos ngumiti siya doon. Napangiti na rin ako.
“Salamat po” sabi ko.
"Sana hindi ito ang huling pagpunta mo dito Febby…" sabi ni tito. Napangiti ako doon. Gusto ko nga ring bumalik dito eh. Sana nga pumayag si Zach.
Zach’s POV
Hindi ko maintidihan ang nararamdam ko ngayon. Para bang masaya ako na nandiyan si Febby. Kanina nung nagpakita siya ng interes sa mga bulaklak parang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Tapos kanina nung kumanta kami, para bang dinuduyan ako sa langit. Dad’s right, she reminds us a lot of mom. Si Gabriel kasi ay allergic sa bulaklak, hindi marunong kumanta at hindi mahilig sa musical instruments. We are very opposite actually. Ngayon ko lang ulit ako nakaramdaman ng galak sa puso mula ng mamatay si mama at hindi ko rin ito naramdaman kay Gabriel –wait, what? Am I comparing my girlfriend to her? No way! Simula ng ng mamatay si mama ay nawala si ay hindi na ako masyadong pumupunta dito kasi nalulungkot ako. Nami-miss ko si mama ng sobra. Kaya nagtataka ako kanina sa sarili ko kung bakit ko ginawa yun. Tsk. This is bad. Siguro nakikita ko lang si mama sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko.
Pumunta nalang kami sa Gazebo sa gitna ng pool at tinapos ang desert namin. Kagaya kanina ay masaya ang nagging pagkain namin. Kung kanina ay si Papa ang nagku-kwento ngayon ay si Febby naman ang nagbahagi ng buhay niya. Ang dal-dal pala ng babaeng ‘to pero hindi ko maikakailang na aliw ako lalong-lalo ng ng makita kung tumatawa at masaya na si dad. He’s very happy at masaya ako para sa kanya.
Maya-maya ay hinatid ko na si Febby sa kwarto niya.
Febby's POV
“Salamat..” sabi niya. Nagulat naman ako dun.
"Para saan?" takang tanong ko.
"Dahil napasaya mo kami ni dad…" he paused a little "…I mean masaya ako at nakipag cooperate ka sa akin" sabi then he blushed. HAHA ang kyuuut *.*
Tumango lang ako bilang pagtugon.
"Sige mauna na ako…" paalam niya at umalis na pero agad siyang bumalik "nga pala, may damit na diyan sa loob at isang pack ng napkin, alis na ako" tapos tumalikod na siya at naglakad palayo.
Natawa naman ako dun. Tapos pumasok na ako at sinirado ang pintuan at napabuntong hininga. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit, but onething is for sure, gusto ko sa lugar na ito at sa mga tao dito. Lalong-lalo na si Tito at Zach.
Nang mapagod na ako sa kakatayo ay nahiga na ako sa kama. Ngayon ko lang narealize na ang laki pala ng kwarto ko, kasing laki ng kwarto ko sa bahay. Naglibot-libot muna ako sa loob ng kwarto tapos may napansin ko yung sinabi ni Zach na damit, napkin at undies. Napangiti naman ako doon tapos biglang humangin ng malakas at tiningnan ko kung saan nanggaling ang hangin. Napansin kung nakabukas ang malaking sliding door, isasarado ko sana ito pero napansin kung maganda ang view sa labas. At hindi nga ako nagkamali, ang ganda nga! Nakikita ko ang buong city mula sa kwarto ko. Ang gaan sa pakiramdam at ang presko pa ng hangin.
Tahimik lang akung nagmamasid sa kalikasan ng may maalala ako. Shit! tatawagan ko pa si Jade. Dali-dali kung kinuha ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang number ni Rid pero unattented yung line. Dinial ko naman ang number ni Jade pero unattended din. Hala! Ano na kayang nangyari sa dalawang iyon?
BINABASA MO ANG
Say something (ON GOING CHAPTERS)
RomanceIt's nice to know that you were there Thanks for acting like you cared And making me feel like I was the only one It's nice to know we had it all Thanks for watching as I fall And letting me know we were done - My happy Ending Avril Lavigne Hi Gois...