Si Ex

43 2 0
                                    

“Walang iwanan ha?”

“OO naman, walang iwanan”

“Pinky swear.”

“Ano ba yan para naman tayong bata niyan eh. Hahaha”

>>>>>>>>>> 

We used to smile together back then. Mga simpleng bagay lang nga tulad nang pagsagi mo ng baso nang hindi sinasadya, tinatawanan na natin. I know it’s absurd, pero anong magagawa natin? Ganun tayo eh.

Sa mata ng ibang tao, maaaring baliw ang tingin nila sa atin. But they don’t know us. We’re both crazy .haha

Naalala ko pa nga, nung nasa ice cream parlor tayo. Pareho tayong kumakain ng Chocolate ice cream nun. Nakakalimang ulit na nga ako eh. Paborito ko nga kasi ang chocolate. Strawberry pa nga pinili mo nun eh. Sabi mo ayaw mo ng chocolate kasi mapait ang lasa. Nagkatampuhan pa nga tayo nun  kasi pinipilit ko na masarap nga ang chocolate. Nagalit ka sakin, kaya ang ginawa mo, tinapunan mo ko ng ice cream. I remembered how red I was that time. Ikaw ba naman tapunan ng ice cream sa harap ng maraming tao? As a result, lumala ang tampuhan natin. I know it’s immature. But what can you do? That’s me.

Nung una akala ko hindi mo ko susuyuin.I thought you already gave up on me. Alam ko namang napakachildish ko, but it hurts when someone leaves me just because of that. Kaya ko namang mag-adjust eh. Basta wag mo lang akong iwan sa ere.

*ding-dong*

“Ano ba yan Ate! Kanina pa yan ha! Pagbuksan mo na nga kasi! Kawawa na kaya yang bisita mo. Kanina pa siya diyan alam mo ba yun?!”,reklamo ng kapatid ko.

Nanonood kami ng SpongeBob Squarepants nung mga panahong yan. Wala na kasi kaming ibang magawa sa bahay eh. So it’s better to watch my SpongeBob than to play with my bed.

“Oo na sabi! Ikaw ha akala mo kung sinong mas matanda satin!” sagot ko sa kanya tsaka ka pinagbuksan ng pinto.

I actually expected you to come and make peace with me. Alam ko kasi na kahit anong gawin ko, you will never leave me. Sa ating dalawa, ikaw ang parating sumusuyo. Ikaw parati ang nanlilibre.

And as expected, nagka-ayos agad tayo. Hindi naman talaga ako galit sayo eh. Hindi rin ako takot na magkalayo tayo kasi alam ko namang pupuntahan mo ko at sasamahan.

And so we’re back again...

“Enjoy your vacation guys!”, sabi samin ng isa sa mga kaklase ko. Yeah bakasyon na . Bilis ng oras no? Hindi ko nga rin akalain na ganun ka rin kabilis mawala sa akin.

 

As what I’ve remembered, that was the last time we hold hands. That was the last time we laughed together. That was the last time we talked. That was the last time...

 

Vacation came but I heard nothing from you. I called you but you never answered. Not even once. I thought you’d surprise me. Alam mo kasi na mahilig ako sa surprises. But school came and I never saw you again.

Ano nga bang nangyari?  Umalis ka ba? Pagod ka na ba sakin? Ayaw mo na ba akong kasama? Wala naman akong tinagong sikreto di ba? We’re the best of friends nga di ba?

“Oh here’s the bitch again.” ,parati mong salubong sakin sa tuwing mapapadaan ako sa inyo- sa bago mong mga kaibigan.

 

Simula nung pasukan ulit, iba na ang trato mo sakin. Nakita na lang kita na iba na ang parati mong kasama. You never surprised me again. You never talked to me again. Pagod ka na nga siguro sa akin no?

Kasi kung ikukumpara mo ko sa bago mong mga kaibigan, mas may kaya sila. Mas matalino at mas kilala pa sa buong school.Ano ba naman ang laban ko sa kanila? Sila, kaya ka nilang bilhan ng mamahaling gamit.Hindi mo na sila kailangang ilibre di tulad ko.

 

Akala ko ba walang iwanan?

We’re separated for an unknown reason. Sa isang rasong ikaw lang ang makakasagot. Ano nga ba ang dahilan Best? Kung bakit mo ko iniwan at siniraan? May nagawa ba akong mali Best?

Naalala mo ba nung tinanong mo ko kung bakit iniiwasan na kita? Akala mo nun di ba, na hindi kita sinagot? Tinalikuran mo kasi ako agad...

 

You were the first ones to deny my presence. And you had the guts to say I'm the one who forgot?”

                                                    

Hindi ko na lang pinansin ang paninira at pangungutya ng bago mong barkada sakin. Para ano pa. Ex na kita diba? Nakaraan ka na lang.

Ex-bestfriend... 

Si ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon