Chapter 20:

133 14 1
                                    


 "O, kuya kain na kanina ka pa tulala dyan ah. Actually nung isang araw ka pa ganyan, for all I know nagsimula lang yan nung tanghali ka ng umuwi nung isang araw. C'mon ,may problema ba prinsipe ko?" paglalambing ni Bella tsaka niyakap ang kanyang kapatid. 


 "Hay naku, kumain ka na nga prinsesa ko... May iniisip lang ako." sagot nito tsaka tumayo. Tinungo nito ang faucet at naghugas. Actually si Lizzy pa rin ang gumugulo sa kanyang isipan.


 "Nga pala, sasama ka ba sa pagsundo ko kay mama ngayon? Siguro naman hindi mo iyon palalampasin..." wika ni Clyde tsaka umupo sa upuang katapat ni Bella. 

Binitawan ni Bella ang hawak nyang tinidor at kutsara saka bumuntong-hininga. "Hindi ko lang alam kuya, pero kung hindi man ako makapunta, babawi na lang ako dito." tugon nya tsaka ngumiti. 


 NAPAYUKO sya nang mapansing halos lahat ng estudyante sa pasilyo ay nakatingin sa kanya. Yung iba ay magbubulungan na nga lang, naririnig pa nya.

 "She's Kyle's girlfriend? So cheap!" 

 "Gosh, 'di man lang namili si Kyle." 

 "Yeah, I'm much better than her. I mean I look more beautiful and the heck-It's obvious than she's a poor goldtaker." 

 "Pa'no nga ba nakapasok yan dito sa Shinhyung?"

 "Obviously she's a scholar."


 Nanatili syang nakayuko upang hindi mapansin ang mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya. Napahinto sya nang may grupo ng mga kababaihang humarang sa harapan nya.

 "So tell me, anong gayuma ang pinainom mo kay Kyle?"

 Ipinikit nya ang kanyang mga mata tsaka tumalikod. She's about to take her first step nang may humila sa kanyang buhok. 

 "Don't even dare you stupid witch! Huwag na huwag mo akong tatalikuran." Mahipit nitong hinawakan ang kanyang bunganga.

 Halos mapaiyak sya dahil sa sakit na dulot nito. "Let me go, pleasee..." pagmamakaawa nya.

 "Girls get her bag. Let's see kung may gayuma syang itinatago." utos nito na kaagad din namang sinunod ng kanyang mga alipores.

 "No, don't do that..."

 Marahasang hinablot ng mga ito ang kanyang bag at ibinuhos sa sahig. All of the people around them were laughing at her. "Give me the eggs." 

 Lumapit ang mga babaeng may hawak na mga tray ng itlog at nag-abot dito. "I'll make you sweet-sweet as hell." wika nito tsaka isa-isang binitak ang mga itlog sa kanyang ulo. Ang iba pa nga'y ibinato nya rito dahilan upang mabalot ng malagkit na likido ang mukha ni Bella. 


 "Next step... The flour." saad nito tsaka inirapan si Bella. Sino ang babaeng 'to? Bakit ngayon ko lang sya nakita?

Hindi na lumaban pa si Bella ,ayaw nya ng lumala pa ang sitwasyon. Ilang linggo na lang at gragraduate na sya  ayaw nyang ito ang maging dahilan upang hindi matuloy yon. Napaupo sya nang tuluyang mabalot ng harina ang kanyang pagmumukha. She admit mahirap huminga.


 Nanatili sya sa ganoong sitwasyon dahil hirap na hirap na syang huminga. Kaunti na lamang at alam nyang mawawalan na sya ng malay. "Tama na..." 

 Pinagsisipa sya ng mga ito hanggang sa masuka sya ng dugo. For her, it is the end. Ipinikit nya ang kanyang mga mata upang hintayin ang pagbagsak nya sa sahig.

In Love with my Nightmare [UNDER RECONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon