MBT 37

140 14 2
                                    

Sa dalawang linggo kong pagtratrabaho sa Orphanage napakarami kong natutunan, hindi lang sa mga kaya ko pa palang gawin kundi pati na rin sa mga batang naroon. Madali silang pakisamahan at isa iyong achievement para sa aking hindi namulat sa pag-aalaga ng mga bata. Oo, naging isa ako sa kanila ngunit ilang taon pa lang ako noon kaya maninibago pa rin ako sa lahat.



" Ate Julia, ang ganda po talaga lagi ng mga kwento niyo sa amin. Sana po bukas meron ulit! " Tumatalong sambit ng isa sa mga alaga ko. Malaki ang ngiting nakapaskil ngayon sa mga mukha nila dahilan upang lumutang ako sa tuwa.



Nasa labas kami at nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng mangga.



" Ate Julia, kung kayo po si Juliet kaya niyo po bang balewalain ang banta ng pamilya ni Romeo para sa pagmamahal mo sa kanya? " Halos maputol ang paghinga ko sa seryoso at makahulugang tanong ng pinakamatanda sa mga bata. Ngayon lang siya nagsalita simula noong magtrabaho ako dito. Matagal akong tumingin sa kanya at lalong nangatal sa mukha niyang seryosong naghihintay.




" Uh...hmm.. " Lumunok ako sa hindi ko inaasahang pag-apila niya.



" Julia, sasabay ka ba sa akin pag-uwi? " Nakahinga ako ng maluwang sa pagsulpot ni Ate Anesa sa likuran ng mga bata. Nakataas ang dalawa niyang kilay habang pare-parehong bigo ang hitsura ng mga bata.



" Huh? A-ah, oo. Nakalimutan kong sa bahay nga pala ako uuwi ngayon. " Tumalikod na siya at sumenyas sa aking pagsunod. Tumikhim ako bago hinay-hinay na pinalubag ang damdamin ng mga bata sa pagtakas ko sa mga tanong nila.




Umuwi ako sa bahay at hanggang sa dumating ang umaga ay wala akong tulog. Hindi ko mahanap ang wisyo ko, buong magdamag akong nakapikit ngunit kasalungat ang ginagawa ng isip ko dahil parang hindi ito pumapalya sa paulit-ulit na paglalaro ng mga tanong sa isipan ko. Ang tanong ng batang iyon, bakit? Bumibigay na ang katawang-lupa ko ngunit hindi ang utak ko.



" Julia, paalis na ako.. ikaw na muna ang bahala dito sa pamangkin mo. " Paalam ni ate pagdating ng umaga. Hindi ako sumagot at imbes na bumangon ay nanatili ako sa paghiga. Gustong-gusto ko pa sanang matulog kaso, kaso mukhang wala ako sa panaginip, ito ang realidad.




" Sigurado ka bang hindi na magcocollege iyan si Julia, Lizette? Sayang naman, kay gandang bata pa naman.. " Dumungaw ako sa bintana ng kusina at naabutan ang pag-uusap ni Aling Wena at ng kapatid ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang hinihintay ang pagbuka ng kanyang bibig.




" Wala na kaming natitirang pera, Aling Wena. Alam mong isa lang akong dishwasher sa eatery, umaapaw na rin ang mga bayaran namin sa ospital, saan pa kami dudukot ng pera para lang makapagcollege ang kapatid ko? Tama na ang high school sa kanya.. " Nagpang-abot ang matalim na titigan sa aming magkapatid kaya nagpaubaya na lang ako. Lumayo ako sa bintana at uminom ako ng mainit na tubig. No. No way.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon