Ako si Isabelle. Gusto ko lang ishare sa inyo yung situation ko ngayon.
Nung una, very excited na kong magkaroon ng boyfriend kaya kung ano ano nang iniisip ko.Nakikipagclose ako lalo na sa mga gwapong lalake para may chance.
One day, I transferred to another school kaya medyo nalungkot ako.
During the first day, may nakilala akong lalake.
Well, cute siya. So, hindi ko sya tinarayan. Nagsmile ako sa kanya.
Pero di nya ko pinansin. Ay,okay.
Nakakagulat kase kaklase ko pala sya and habang tumatagal, nalaman kong maraming nagkakagusto sa kanya sa school namin.
Unti-unti kaming naging close kase masaya syang kasama. Literal na masayang kasama kase may sense of humor sya.
Sobrang nagiging close na kame kaya naman naiissue na kami sa mga kaklase namin. Hays.
"Hoy Belle, crush mo si ano noh?", sabi saken ni Keisha.
"Sino ba tinutukoy mo?", sagot ko sa kanya.
"Sino pa ba? Edi si Jacob."
"Ah hindi ah. Magbestfriends lang kame hahaha.", sabi ko sa kanya pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung crush ko ba sya o kung nababaitan lang ako sa kanya.
Pagkatapos naming mag P.E, nagpahinga kami sa room kaya naman naisipan naming maglaro ng Truth Or Dare.
"So Jacob, sinong ideal mo dito sa room?", sabi ng isa naming kaklase.
Ang awkward kase katabi ko si Jacob at magkaharap pa kame.
Nagpanggap akong excited ding malaman kung sino kahit ang totoo eh kinakabahan na ko.
"Dito lang sa room?", sabi ni Jacob.
"Oo. Bilis naaaa."
"Si Isabelle.", sagot nya agad.
"Yieeeeeeeeeeee!!"
Tukso sakin ng mga kaklase namin. Well, syempre kinilig ako pero di ko na lang pinahalata. Ayoko kaseng magexpect. Ideal lang naman daw.
Natapos ang klase kaya naman pagod akong umuwi.
Pagkarating ko, nagmessage sakin si Jacob.
"Gusto kita."
Hindi ko alam kung paano magrereact. Magrereply ba ko?
Hindi ko naman alam kung anong irereply kase hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.
Pero, simula non, niligawan nya ko. And after a while, sinagot ko sya.
Well, masaya naman kame nung una, In fact, kinaiinggitan nila ko kase lagi daw sweet sakin si Jacob.
May lsm, hatid sundo pa ko, tapos proud pa saken.
Dahil don, alam kong mahal na mahal nya ko and thankful naman ako don.
Pero, habang tumatagal, parang nawawalan na ko ng gana.
Hindi ko alam kung baket kase wala naman syang ginawang male. Sobra pa nga sya sa sapat pero ewan ko ba, bigla na lang akong nawalan ng interes sa kanya.
Hindi ko na sya hinahayaang hawakan ako gaya ng dati, iniiwasan ko ding kausapin sya.
Pero, kahit ganon, sweet pa din sya.
Madali na din akong mainis sa kanya dahilan kung bakit lagi kaming magkaaway.Pero kahit ganon, sinusuyo nya pa din ako. Iniisip nya na topakin lang talaga ko kaya todo suyo sya sakin para magkabati kami.
Kahapon, inaway ko na naman sya. And habang inis ako sa kanya, naisip ko kung makipaghiwalay na ba ko.
Matalino ako. Kaya ang iniisip ko, baka naman hindi pa talaga ako handa sa isang relationship.
Maybe, I'm not inlove with him. Maybe I'm inlove with the idea of being inlove.
Pero naiisip ko din, masasaktan ko siya. Sayang yung memories, sayang siya. Siya lang yung tumagal sa ugali ko at higit sa lahat, mahal pa din ako ng sobra sobra.
Sabi sakin ng friend ko, wag ko daw isipin kung ano yung masasayang. Ang isipin ko daw eh kung ano ba talaga nararamdaman ko.
Pero kahit na, hindi ko pa ding maiwasang isipin na masasaktan ko si Jacob.
Months passed and ipinagpatuloy ko ang relationship ko sa kanya.
And sa tuwing napagiisa ako, naiisip ko pa din ang tungkol don.
So I wonder why, mahal ko ba talaga sya? Is this what they call love?
Alam kong hindi lang puro saya sa isang relationship pero di ko inasahang mapupuno ako ng doubts sa partner ko. Ganun ba talaga pag nagmamahal? Is this love?