Chapter 3

1.6K 22 1
                                    

Matapos ang usapan nila ni mommy ay humarap na siya sakin. Napairap naman ako nung nginitian niya ako at kitang-kita yung dimple niya.

Ang dimple niyang cute.

"Meet the parents na ba ito?" nang aasar na tanong niya.

Tinaas ko ang kamao ko at tinapat iyon sa mukha niya. "Baka gusto mo nito?"

Tinawanan niya lang ako tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Kahit na nakakuyom pinilit pa rin niya itong hawakan. At dinala niya iyon sa labi niya at hinalikan.

Sa halik niyang iyon sa kamay ko para akong nakuryente. Nainis ako sa ginawa niya kaya naman sinapak ko na siya. Walang tigil ko siyang pinagsasapak sa dibdib niya. Mabuti na lang at medyo madilim sa parte namin kaya hindi kami kita ng mga bisita.

Before I could punch him again, he's now holding my fist tightly. At hindi ko maigalaw ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya kaya naglapat ang labi ko sa labi niya. What the?!

Nagpumiglas ako pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para makaalis. Instead, hinawakan niya ang batok ko tsaka hinalikan ng marahan at mapang-akit.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko!

Ano bang ginagawa ng lalaking 'to sakin? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko? Hindi ba dapat nagluluksa ako ngayon para sa amin ni Jack? Urgh.

Hindi ko na napigilan ang magpaubaya at hinalikan na din siya pabalik.

"Open your mouth," bulong niya. Napaawang nalang ang labi ko at doon siya nagkaroon ng pagkakataon para ipasok ang dila niya sa loob ng bunganga ko.

Anong klaseng halik ito?! This was the first time na mararanasan ko ito. At sa kaniya pa talaga.

Pinaghiwalay niya ang labi namin. Nanatili namang nakaawang ang labi ko. Pilit na hinahanap pa rin ang labi niya. Without saying anything, I claim his lips and kissed him thoroughly. Narinig ko naman ang pagmura niya habang hinahalikan ko siya.

Sana pala hindi na lang ako natutong humalik kay Jack nung kami pa. Pero hindi ko maitatangging magaling siyang humalik.

"Chandrea! Halika na dito at ipapakilala kita sa mga bisita," rinig kong tawag ni mommy.

Napatingin ako sa gawi niya. Nakatingin siya sa mga bisita kaya hindi niya nakikita ang kababalaghang ginagawa namin.

Tumigil nga kami sa paghalik pero ang mga labi niya ay nasa leeg ko na. He's kissing my neck.

"Luke," tawag ko sa pangalan niya. This was the first time to call him by his name. Kung hindi niya sinabi ang pangalan niya kay mommy. Baka lalaki ang tawag ko sa kaniya ngayon.

"Hmmm?" tugon niya habang hinahalikan pa rin ako sa leeg. Ang malikot niyang kamay ay hinaplos ang likuran ko. Naka-backless lang ako, kaya skin to skin ang paghaplos niya sa likuran ko.

"Luke tama na,"

Tumigil nga siya at hinarap ako habang mapupungay na ang mga mata niya. Damn it.

"Chandrea!" tawag ulit sakin ni mommy.

"Opo, nandiyan na!" sigaw ko.

"Bilisan mo!"

"I want you," bulong niya. Napailing agad ako sa sinabi niya. Maling mali ito. Damn it. Kagagaling ko lang sa break-up may kahalikan na agad ako? Anong nangyayari sakin?!

Mabilis akong umalis sa pwesto namin. Nakihalubilo ako kina mommy at nakita ko ang mga tingin nilang nagtatanong kung sino ako.

"This is Chandrea Lorraine R. Mercado, my daughter" pagpapakilala sakin ni mommy.

"Hello po," bati ko sa kanila.

"I'm your tita Reign G. Collins and that's my son, Rhuzzel G. Collins the blonde hair" turo niya grupo ng mga lalaki na nag-uusap.

"Boys! Come here!" Tawag ni tita Reign sa kanila. Nagulat ako ng makita ko si Luke na kasama sa grupo nila.

"Ako lang ang available na parent so yung mga magulang ng mga batang ito ay hindi nakadalo at busy ang mga iyon." sabi niya.

"Kael A. Collins nga pala," naglahad siya ng kamay. Pinagmasdan ko ang mukha. Kung hindi ako nagkakamali siya yung nakasalubong ko kanina.

Tinanggap ko iyon. "I'm Chandrea Lorraine,"

"Nice name. It suits you,"

Narinig ko ang pagtikhim ni Luke. Sinimangutan niya ako.

"By the way hija, tatlo lang silang magpipinsan ang nandito. Busy yung dalawa,"

Tinanguan ko lang si Tita Reign. Ngumiti siya sakin tsaka umalis na para makipag-usap sa mga iba pang bisita.

Naiwan kaming apat dito. Sana ay tinawag na lang ulit ako ni mommy! Bakit niya ako iniwan kasama ang mga ito?

Agad na tumabi sakin si Luke. Nagkatinginan ang magpinsan tsaka ngumisi.

"Siya yung nakita kong chicks mo kanina pre, diba?" tanong ni Kael.

Oo, naalala niya nga ako. Gusto kong magtago at umiling na hindi nila ako nakikita ngayon.

"Tss, istorbo ka!" reklamo ni Luke at natawa na lang si Rhuzzel habang palipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Nang bumaling ang tingin niya sakin tsaka niya ako nginitian. Ang ganda ng buhok niya. Kahit na gabi na ay kapansin pansin pa rin ito.

"Bakit mo ba kasi ako iniwan. Naligaw tuloy ako,"

"Tapos ako ang hahanapin mo? Pwede naman na si Rhuzzel. Bakit ako pa?"

"Knock-out itong si Rhuzzel kaya ikaw na lang hinanap ko. Tsaka magpapasama sana ako sayo manchicks pero tae ka! Naunahan mo ako!"

Gustong gusto kong umalis dito at mapag-isa na lang. Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ang mga usapang lalaki.

"Chandrea Lorraine? Nag-aaral ka pa ba?" tanong sakin ni Rhuzzel.

Buti naman at may kumausap na sakin. Napansin ko tuloy ang pagtigil ng dalawa tsaka bumaling sakin na para bang hinihintay nila ang pagsagot ko sa tanong ng pinsan nila.

"Yes, fourth year college, business management ang course ko. I want to graduate already,"

Para makapagpahinga na ang utak ko. Gusto ko na rin magtrabaho.

"Anakan na lang kaya kita?" tanong ni Luke.

Napatingin kaming lahat sa kaniya. Anakan?! Kung sipain ko kaya yung balls niya para mabaog siya?!

"Speed lang!" natatawang sabi ni Kael.

Dahil nainis ako ay iniwan ko sila na tumatawa. Sa tingin nila nakakatuwa yun? Sa tuwing nagwowalk-out talaga ako hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko.

Basta ang alam ko lang ay nasa madilim na parte ako ng masyon na ito. Saan ba ito?

"Are you mad?" tanong niya.

Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Akala ko nakipagtawanan pa siya eh. Happy na happy sila.

"Hindi,"

Humakbang pa siya palapit sakin. Gamit ang mga braso niya, pinulupot niya ito sa baywang ko at pinaglapit ang katawan namin.

Agad na nanghina ang binti ko sa ginawa niya. I said, this is not good! Hindi ito magandang tignan. Masyadong mabilis. Gustuhin ko mang kumawala, mahigpit ang hawak niya kaya hiyaan ko na lang siya.

He kissed my right cheeks, "I'm sorry, Lorraine. Hindi na mauulit. I will support your studies. But after that papakasalan mo ako."

Nangilabot ako dahil sa pagsabi niya sa second name ko. Siya palang ang kauna unahang taong nagtawag sakin sa second name ko. Maging si mommy ay hindi ako tinatawag na ganun.

Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang sinabi niya. "Bakit ang bilis mo? Kakakita mo palang sakin. Tapos kasal na agad ang balak mo? Boys are always the same. Habang tumatagal, nawawala ang interes niyo sa babae."

"Not all, Lorraine." seryosong sabi niya tsaka niya ako hinalikan sa labi. Marahan ang paghalik niya na para bang dinadama niya ang lambot ng labi ko.

This is a trap! I can't scape anymore.

Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon