"I was your amber but now she's your shade of gold"
Masaya naman ako. Oo masaya ako. Diko alam baka sarili ko lang kinukumbinsi ko.
Masaya nga ba talaga ako?Exactly 1 year and 10 months.
Anu na nga ba ako ngayun?
Sabi nila madami ng nagbago saken.
Mas okay na ako ngayon.
Okay nga ba?
Kasi kung okay bakit masakit parin?
Bakit kapag nakikita ko yung babaeng ipinalit nya, nasasaktan parin ako?
Talaga bang nakausad na ako?
Kung ganun bakit sa tuwing makikita ko yung mga bagay, lugar at mga pagkakataon na magkasama kami andun parin yung bigat?
Okay na ba talaga?
Baka naman okay kasi yun yung sabi ng iba?
Okay ako kasi kailangan.
Okay ako kasi dapat.
Okay ako kasi ako nalang yung naiiwan.
Okay ako kasi silang lahat nakausad na pero ako ? Heto sa harap ng maraming tao okay ako pero ... sa tagong mundo ko kung san ako nalang. HINDI AKO OKAY.
Andun parin ako.
Umaasa baka sakaling my plot twist pa.
Baka sa huli kami parin?
Yung tulad sa pelikula.
Baka kasi pagsubok lang to.
Baka kasi sinusubukan lang ni Lord kung kakayanin ko?
Pero sino bang tanga na sinasampal ka na ng realidad mo na wala na?
Ako. Hanggang ngayun kasi umaasa pa ako baka kasi meron pa . Baka sa bandang huli ako parin pala?
Gusto ko nang makaalis .
Nakakainis lang alam ko sa sarili ko na wala na pero ako mismo sinasaktan ko ang sarili ko.
Bumabalik parin ako sa sitwasyong sana maibalik ko pa yung oras na nagmitsa na pagkawala niya.
Ang sakit sakit na .
Sana ganun nalang din kadali makahanap ng iba katulad niya .
Na hanggang ngayun di ko magawang magmahal ng iba dahil sakanya.
Sinusubukan ko naman eh.
Pero sadyang wala akong ibang makita kundi siya?
Sinusubukan ko rin maging masaya para sakanya pero masakit, na sa isang iglap nawala . Limang taon yun eh. Dami na naming pinagdaanan.
Pero nung dumating siya nawala lahat nabalewala lahat.
Ang sakit mawalan.
Ang sakit na yung taong pinaglaanan mo ng lahat wala na.
Ang sakit na yung taong pinanalangin mo mapunta na sa iba.
Ang sakit kasi sayo sya eh. Alam mong sayo siya pero nagpaagaw siya sa iba.
Ang sakit kasi lahat nalang naka konekta sakanya.
Ang sakit kasi sa mundo mo nakakabit siya. Kahit saan ka pumunta may alaala niya.
Bat pa kami nagkakilala kung ganito lang rin pala?
Ang sakit kasi ikaw andito parin siya masaya na?
Kulang pa?
Sakit na sakit kana pero wala kang magawa.
Ang gulo.
Nuon buong buo na sa isip ko kung anung magiging buhay ko.
Pamilya kasama siya.
Buhay na kasama siya.
Bahay kung san kasama siya.
Mga anak na siya yung ama.
Kasama kong tumanda.
Taong iintindi na malala ka na.
Taong mag aalaga kapag may sakit ka.
And dami . Daming pangarap ko na kasama siya na biglang tinutupad na niya sa iba.
Kung buhay pa kaya ang nanay niya anu kayang sasabihin nya?
Siguro sasabihin nyang oy _ _ _ _ hayaan mo na siya dahil kogkog siya.
Naiiyak nanaman ako.
Hahaha.
Namiss ko yung mama niya.
Pero ibalik ko lang.
Masakit parin talaga.
Mahal ko pa e.
Kahit anung tago.
Kahit anung sabihin kong wala na.
Kahit sabihin kong okay na.
Pag ako nalang mag isa.
SIYA parin talaga.
Ayoko na e.
Pagod na ako.
Pero kahit anung gawin ko.
Bumabalik parin ako.
Walang makakatulong.
Walang makakapag ahon.
Pero sana mayroon.
Sana pakinggan na ako ng Panginoon.
Pagod na ako.
Gusto ko na lumaya.
Gusto ko ng sumaya.
Gusto ko na makalimutan tong nararamdaman ko sakanya.
Ang haba na ng panahon nung mawala siya.
Gustong gusto ko ng makawala.
Gusto ko nalang rin maging masaya para sakanya."Stone cold, Baby. God knows I try to be happy for you."- stone cold by demi lovato