Michelle.
It was passed 8 o'clock ng marating namin ang lugar. Akalain mo nga naman. Parang nandito lang ako sa lugar na'to kamailan tapos nandito ulit ako.
Inayos muna namin ang mga gamit namin sa naka assigned na kwarto. May sarili naman akong kwarto dito kaya hindi na kailangan ng proseso at nakasettled na lahat.
Pagkatapos na magayos ng gamit at magbihis, dumeretso kami sa labas at nagset-up ng bonfire. Inilapag din nila sa buhangin ang ilang bote ng alak.
Pinalibutan namin ang apoy at nagsimula na ang munting celebration.
"Cheers para sa Kampeon!"
"Cheers!"
Inisang lagok ko ang nasa shot glass at nakinig na lang sa pinagku-kwentuhan nila. Nanatili akong tahimik at walang imik.
"Congrats to Team Marurupok!"
Sigaw ng isa sa amin.
"Congrats!"
Team Marurupok kasi ang tawag sa basketball players sa department namin. Mostly kasi ay may mga girlfriends at marupok.
"Nandito na si Clydder, give him a shot."
Naramdaman ko ang pagupo ng isang bulto sa tabi ko pero hindi ko iyon pinansin. Nanatiling tutok ang mata ko sa apoy habang nilalagok ang isa pang shot ng alak sa baso ko.
And I guess, it's not enough.
Until they started to sang.
"Stop drinking." Napaangat ako ng tingin. Diretso ang tingin niya sa akin. Seryoso at matiim. Malalim at nakakalunod.
Lalo na ang repleksyon ng apoy sa mga mata niya. Nakakabaliw.
Napaiwas ako ng tingin.
"It's none of your business."
Itinabi ko ang isang bote na hindi ko namalayan na naubos ko na. Binigyan pa ako ni Harold ng isa pa at nagsimulang makisabay sa kantahan ng mga ka-department ko.
Malakas ang kabog ng dibdib ko at ramdam ko ang kirot na dulot nito. They knew na wala ako sa mood kasi kanina pa ako hindi nagsasalita and I'm glad they didn't bother to mind me.
Tuloy tuloy lang ako sa paginom hanggang sa di ko namalayan kung ilang bote na ang naubos ko. Etong department na'to ay hindi naman mawawalan ng alak. Hindi rin mauubusan.
Napatingin ako sa kanan ko at agad na binatukan si Harold. Pinaningkitan ko ito ng tingin.
"Aray, ano ba?" Nakasimangot na sambit niya.
"Gago ka. B-bakit ba tuloy tuloy ang pagbigay mo sa akin ng alak hayop ka? Balak mo ba akong lasingin?" Asar na tanong ko at mariing napapikit ng makaramdam ng hilo.
"Edi kung ayaw mo dapat di mo na tinanggap!" Singhal niya sa akin. Napahagikgik naman ako at tumayo. Nagawa ko namang makapaglakad, hindi ko nga lang alam kong diretso.
"Where are you going?" Naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko para pigilan ako. Ayan nanaman ang marahas na tibok ng puso ko.
Tiningnan ko ang taong iyon. Napansin ko na medyo malayo na kami sa ka-department ko na alam kong wala namang pakialam.
"I-i'm going to goooo far awayyy from you. Even the staaars willl teeell youu"
"What are you saying?" I pouted.
"Gusto ko na matulog." I said.
"Really? Pero bakit sa dagat ang punta mo?" Inis na tanong niya sa akin. "Paano kapag di kita nakita?"
BINABASA MO ANG
The Player's Endgame [COMPLETED]
Teen FictionZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endgame mean? - Former title: I Heard You're A Player