𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

683 104 77
                                    

↭ 𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑 ↭
𝖄𝖊𝖆𝖗 𝟏𝟗𝟔𝟔
ᙩ❼ᙬ

╔════❖•ೋ°════°ೋ•❖════╗

                  "𝕺po,  Mr. Vernon may isa pa po talagang dahilan kung bakit gusto kong magkaroon ng party sa araw na iyon at 'yun ay dahil sa.. "

𝕱𝖔𝖚𝖗 𝖞𝖊𝖆𝖗𝖘 𝖆𝖌𝖔..  ⏪⏪
(Continuation ng Flashback sa Chapter 4)

Gaya nung una niyang makita 'yung kakaibang itsura ni Yuan muli ay tulala na naman siya pagkagising na pagkagising niya kaya lang this time hindi na nanginginig ang mga kamay niya pero panay buntong hininga naman ang ginagawa niya. Pa'no paulit-ulit kasing bumabalik sa isip niya 'yung eksenang nakita niya kagabi kay Yuan. ('Yung slight SPG scene.)

"Kish 'yung tawag sa ginagawa nila diba? Ibig sabihin magkasintahan sila.. May nobya na pala si Yuan kaya pala hindi ko na siya madalas makita, hindi naman pala dahil sa iniiwasan niya ako.." Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng labis na kalungkutan dahil dun.

Maya-maya lang din ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto niya.

"Ms. Avinir,  gising ka na ba?  Handa na ang iyong almusal." Tanong ni Luirica na hindi binubuksan ang pinto niya.

"Wala akong ganang kumain.." Mahinang tugon niya.

"Kailangan mong kumain Ms. Avinir lalong magagalit si Master kapag nalaman niyang nagpapalipas ka ng gutom." May pag-aalalang sabi nito na mukhang narinig ang sinabi niya sabagay pag nandito kasi sila sa mansyon hindi naman ikinukubli ni Luirica ang anyo nito kaya marahil ay nakalabas na naman 'yung may kalakihan nitong tenga na kahit gaano pa ito kahina ay maririnig siya.

"Susunod ako.." Matamlay niyang sagot dito.

"Sige Ms. Avinir,  hihintayin na lang kita sa baba." Atsaka ito umalis.

"Hindi naman magagalit si Yuan dahil nag-aalala siya sa akin.. magagalit 'yun kasi iniisip niya nag-aaksaya ako ng pagkain atsaka 'di naman 'yun mapanpansin ni Yuan hindi nga ako pinapansin.. (´⌒`) Tampo na talaga ako sayo Yuan.. " Nakabusangot na sabi niya na may nababadyang pagpatak pa ng luha muli sa kanya.

Miss na miss niya na kasi ito kahit kasi sabihing 'di siya nito hinahawakan naroon pa rin ito sa tabi niya o 'di kaya'y malapit sa kanya, minsan man ito sumagot at magpakita ng interes sa kanya alam niyang palagi pa rin itong nakikinig sa kanya tapos ngayon kahit anino nito hindi niya na maramdaman dito pagkatapos, malalaman niya na may iba pala itong pinagkakaabalahan at balewala nalang talaga siya rito kasi nga busy na ito sa kasintahan nito at wala na talagang pakialam ito sa kanya.

Matapos niyang punasan ang luha niya ay napatingin siyang muli sa mga kamay niya.

Ano kayang nangyari sa mga sugat ko kagabi?  Ginamot kaya ako ni Yuan? Hindi rin.. Siguro si Luirica ang nag-asikaso nun sa akin. Tama! Dapat mapasalamatan ko si Luirica sa paggagamot niya sa akin kagabi pati na rin 'yung pagpapatahan niya sa akin.

"Buti pa si Luirica ang bait-bait at maya't maya pa akong hinahanap." Dali-dali na siyang kumilos at inayos saglit ang sarili niya.

May kalakihan kasi ang mga gamit niya sa kwarto niya kaya kailangan niya pang umakyat sa upuan kung saan may lamesa at salamin na atsaka doon siya nag-ayos ng kanyang itsura na kyut na kyut naman itong tingnan (Gusto niya kasi magfeeling dalaga siya.. Dalagang 6 years old 😅.) Kuntodo ayos ito ng buhok nito at nagtanggal pa ito ng muta sa mata niya pagkatapos ay nagmamadali 'tong bumaba sa upuan kaya naman may mga nalaglag pang gamit mula sa lamesa niya.

𝐁𝐋∞𝐃 𝐌𝐎𝐍𝐒𝐓𝐄𝐑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon