Chapter 28

1.3K 35 1
                                    

Kylie's Pov

Wala ako sa mood ng makasakay kami sa eroplano. Nauuna ako sakanila pero napahinto din ng makita ang magiging upuan ko na katabi ng bintana. Umupo ako doon ng dahan dahan. At di maiwasang matulala..

"Hahaha are you okay? Kaya pa?" Ngising tanong ni mikaelle. Sinamaan ko sya ng tingin habang pinipigilan ang pagsuka.

"O-oo naman! Makailan na akong sumasakay sa eroplano no.." tumango sya habang nakangisi pa din.

"Sabi mo eh." Inirapan ko sya kaya natawa ang mokong.

Di sadyang napatingin ako sa bintana. Nang makita ko ang mga ulap at ang taas namin parang bumaliktad na talaga sikmura ko. Omg! Di ko na kayaaaa!

"Hahaha! Come here, baby. Wag ka kasi titingin kapag di naman kaya. Kyle told me that you're not use to airplane. At ang mommy mo daw ay pinapatulog ka para makalimutan mong nasa airplane ka.." napayuko ako don. Tama sya..

"I'm sorry.." nahihiyang sabi ko.

"Don't be sorry, bae. Wag mo akong susukahan ah. Come here.. Put your head on my shoulder and I'll sing you a lullaby. Hahaha!"

"Are you making fun of me?" Insultong sabi ko. Kumurot kilay ko habang tinitignan sya. Tumigil sya sa pagtawa at kinurot ng marahan ang pisngi ko.

"No.. I just find it cute. Wag kana pong magalit. You know I'm always here.. magkasama tayong haharapin ang mga takot mo, di kita iiwan. Dito na baby, kakantahan kita." Ngumiti sya at dahan dahan hinila ang ulo ko sa balikat nya. Umubo sya saglit at nagsimula na.

"Rockabye baby on the tree town. In the--- Aray! Hahaha! What's wrong?" Ininda nya ang palo ko sa braso nya.

"Pinagtritripan moko eh!" Naiinis na sabi ko.

"Hahaha sorry na, bae! Ito na seryoso na talaga.."

Tumango nalang ako. Ano naman kaya kakantahin ng mokong nato? Diko maiwasan mapangiti ng palihim dahil ang sweet sweet talaga nya kahit madalas siraulo.

"I thought sometime alone
Was what we really needed
You said this time would hurt
More than it helps, But I couldn't see that.."

Sa lamig ng boses nya diko mapigilan mapahikab. Bumibigat ang mata ko.

BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon