Page 16

199 16 10
                                    

Kanina pa sila nagkukulitan at nagtatawanan ni Brent. Pareho kasi silang masaya na tapos na ang exam nila at nakapasa rin naman sila kaya heto sila ngayon at pachill-chill na lang.

Naipasa na din naman kasi nila ang mga projects na kailangan nilang ipasa.

"Kung noon pa siguro kita naging kaklase ay siguro matagal na akong matalino"

Sabi nito na ikinatawa naman niya saka umiling-iling.

"Matalino ka naman kaso tamad ka nga lang"

"Wow, nahiya naman ako sa kasipagan mo ha?"

"Mahiya ka talaga!"

Nagtawanan na lang sila saka maya-maya ay kinuha nito ang gitara na hiniram pa kay Phany, ang babae nilang kaklase na mahilig din tumugtog ng gitara. 

"Tutugtugan na lang kita"

Nakangiting sabi nito saka nagsimula ng magstrum sa gitara. Pinanood lang naman niya ito habang sa loob-loob ay kinikilig na siya.

I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough

Pagkatapos kantahin ang first verse ng kantang 'Say You Won't Let Go" ay nakangising tumingin ito sa kanya.

"Bakit ka tumigil?"

"Baka 'pag itinuloy ko ay ma-inlove ka na naman sa'kin"

Natatawang sabi nito at tinampal naman niya ito sa braso.

"Na naman? Wow ha? Na-inlove pala ako sa'yo dati?"

"Huwag mo ng ipagkaila, alam ko namang may crush ka sa'kin noong grade nine tayo"

Mayabang na sabi nito saka kumindat pa sa kanya.

"Well, totoo 'yon"

Nakangiti niyang sabi na talagang inipon pa niya ang lakas ng loob. Tutal naman ay dati pa siyang nakaamin talaga dito.

Ipinakita rin niya dito na parang normal lang sa kanya na sabihin iyon ngunit sa loob-loob niya ay nagkakagulo na ang buong sistema niya.

"Hindi ka talaga mahirap paaminin, 'yan ang gusto ko sa'yo eh"

Sabi nito saka ginulo ang buhok niya at natawa naman siya.

"Thank you!"

"Request ka ng song, dali! Tutugtugin at kakantahin ko para sa'yo"

Sabi nito at umisip naman siya ng magandang kanta.

"Torete"

Nakangiti niyang sabi at tumango-tango naman ito saka nagsimula na ulit magstrum sa gitara at kumanta.

Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maari bang hawakan

Ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip

'Wag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sa'yo
Kahit nalilipad
Ang isip ko'y torete sa'yo

Patuloy lang ito sa pagkanta at siya naman ay nakangiti lang habang tahimik na pinapakinggan ito.

Hindi kagandahan ang boses nito ngunit basta ito ang kumanta ay talagang kinililig na siya.

"Next song naman"

Sabi nito matapos kumanta at muli naman siyang nag-isip ng magandang kanta.

"Wala na akong maisip eh"

IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon