Crhys's POV
"ANO PO?! " sigaw ko na sobrang lakas. Ang OA ko pala!
"So loud." sabi ni blonde.
Nag peace sign nalang ako.
"I'm the owner and the Principal of this Academy. call me Mr. Ballinger."
Sabi ko na nga ba siya ang principal dito, Ballinger ang apelyido niya, common surname sa American.
"Dito na po ako mag-aaral? Alam po ba ng pamilya ko?" naiiyak na tanong ko.
Tumango siya. Walang explanation.
"Boys, kayo ang papagbantayin ko kay Crhys. Sana babantayan niyo siya ng maigi." sabi niya doon sa mga kasama ko kanina sa kotse.
"No problem Mr. Ballinger." sabi nanaman nung may hikaw, tapos kumindat nanaman saakin. Medyo kinikilabutan talaga ako pag kumikindat siya.
"I'm Justin." sabi nung driver, lumapit siya saakin tapos nakipag-handshake.
Ngayon ko lang siya natitigan, pogi din naman pala. Lahat naman sila pogi eh. May brown na wavy hair si Justin, brown din kulay ng mga mata niya. Matangkad siya at maputi.
"Oh wag mo akong masyadong titigan, may girlfriend na ako." sabi niya, kaya tumawa yung dalawang lalaki sa likod niya.
Medyo kumunot noo ko. "Hindi kita crush noh, di ka ganun ka-pogi." sabi ko na labag sa kalooban, pogi naman kasi talaga siya, pero ang taas ng tingin sa sarili.
"WAHAHHA! yan kase, wag masyadong assuming, Dennis nga pala." sabi ni blonde.
Playboy ang dating ni Dennis, laging nakangiti, maputi at perfect din ang jawline.
"Ako naman si Luiz, lagi kang iingatan, hindi ka sasaktan." tapos kumindat ulit.
"Ew! Cheesy mo naman." sabi ni Dennis.
"Okay lang yan! Kinilig naman siya eh, diba Crhys?" medyo tumawa pa siya.
"Hindi."
Hindi naman talaga ako kinilig eh.
"SARDONYX ACADEMY:
Welcome to this school of Darkness. Where the bullies, rebels and bad boys or bad girls live.
Dito tinatapon ang mga rebeldeng mag-aaral. Para matuto sila!
Are you ready to join this community? Well, good luck!"
Nakanganga ako ngayon habang binabasa yung sign ng Sardonyx Academy sa tapat ng canteen.
Naiiyak na ako. Di ko naman alam na dahil lang sa pagnanakaw ng bra ay mapupunta na ako dito, eh hindi pa nga natuloy. Huhu.
Baka namimiss na ako nung alaga kong baboy na si Lechon. Sino kaya magpapakain sakanya tuwing umaga? Huhu. Sorry talaga Lord sa kasalanan kong nagawa. Siguro ang magagawa ko nalang ay tanggapin ang parusang ito.
Nandito ako ngayon sa canteen, at puro Black din ang paligid. Pero astig tingnan. Iniintay ko si Kaliah, siya daw magsusundo saakin papuntang dorm namin. Si Kaliah ang magiging roommate ko.
Siya daw kasi pinakamatino dito.
Mag isa lang ako ng bigla akong may marinig na mga yabag na naglalakad. Huhu. Di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Nakakatakot kasi mga tao dito, base na nga sa signboard nila.
"TULONG! TULONG!"
Nanlaki mata ko nang biglang may sumigaw sa di kalayuan.
Sa mga ganitong sitwasyon, di ko talaga ugali na makisali sa kung ano mang away. Pero iba ang nararamdaman ko sa panahong ito. Sunod-sunod ang sigaw ng lalaki, nanghihingi siya ng tulong.
Di ko alam kung tama itong ginagawa ko, pero dinala nalang ako ng aking mga paa na sumunod sa boses ng lalaking sumisigaw.
Naglalakad ako sa madilim na hallway ngayon, at walang estudyante, siguro dahil gabi na rin.
Sa dulo ng hallway na ito mahahanap ang lalaking sumisigaw. Nako po. Sobra na akong kinakabahan! Di na rin ako makabalik dahil di ko na alam kung saan ba ako dumaan papunta rito.
Hindi ko maintindihan bakit walang tao sa hallway na toh, at walang nakakarinig sa sumisigaw.
Third Person's POV
Ang sumalubong sa inosenteng si Cryhs sa dulo ng hallway ay isang lalaking nakahiga sa sahig, puno ng dugo ang katawan at nakatingin ang mga mata nitong puno ng luha sa kanya.
Di napigilan ni Cryhs ang sariling luha at siya ay napaiyak din. Ito ang unang beses na nakakita siya ng taong nakikipaglaban kay kamatayan.
Magkahalong kaba, gulat at takot ang kanyang nararamdaman.
Takot, dahil may isa pang lalaki sa eksena. Nakatalikod ito sakanya, nakasuot ng black hoodie, at may hawak na baseball bat na puno din ng dugo. Naghahabol ng hininga ang lalaking ito na tila ba pagod na pagod.
Nanlaki ang mata ni Cryhs ng biglang lumakas ang kanyang mga hagulgol, sigurado siyang narinig ito ng lalaking nakatalikod sakanya.
Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso ng biglang may humila sakanya sa madilim na silid.
Cryhs's POV
OMG may nanghila saakin, ngayon ay nasa madilim ako na silid, katabi ko lang pala kanina itong kwarto na to, dapat pala nagtago na ako dito kanina pa huhu.
Pero hindi dapat yan ang iniisip ko ngayon! Yung kamay ng nanghila saakin ay tinatakpan ang bibig ko habang iniipit niya ako sa dingding. Feeling close, pero okay na yun kaysa makita ako nung lalaki kanina.
Pero sino tong lalaking toh?
Nasa ganung posisyon lang kami hanggang sa may narining kaming paalis, at unti unting naglaho ang yabag ng paa sa hallway.
Tinulak ko agad yung lalaking feeling close at binuksan yung ilaw.
"LUIZ?!" sigaw ko. Siya pala yung nagligtas sakin!
"Hay nako Cryhs. Wag kang basta bastang pupunta sa sulok-sulok ng school na toh, especially sa lugar na toh." sabi niya na parang naiinis, ginugulo pa niya buhok niya.
"Sorry, may nanghihingi kasi ng tulong." kinagat ko labi ko sa kahihiyan.
Hindi siya sumagot, tinitigan lang ako.
BINABASA MO ANG
Sardonyx Academy: School of Darkness
רומנטיקה𝐒𝐀𝐑𝐃𝐎𝐍𝐘𝐗 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘: 𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐨𝐟 𝐝𝐚𝐫𝐤𝐧𝐞𝐬𝐬. 𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐛𝐞𝐥𝐬, 𝐛𝐮𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐚𝐝 𝐛𝐨𝐲 𝐨𝐫 𝐛𝐚𝐝 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬 𝐥𝐢𝐯𝐞. 𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐛𝐞...