𝙋𝙧𝙤𝙡𝙤𝙜𝙪𝙚

30 4 0
                                    

Crhys's POV

"Sige na gawin mo na! Tingnan mo nga bakat na yang dede mo!"

"Masama ata yung gagawin natin." Bumulong lang ako.

Nandito kami ngayon sa bakod ng kapit bahay namin. Nagtatago. Nakalimutan ko kasing maglaba ng bra. Kaya naman sinasabihan ako ni Yum na nakawin daw yung nakasampay na bra sa bakuran ng kapit bahay namin.

"Wala namang makaka alam eh. Buti sana kung flat ka! Tingnan mo nga ang laki ng joga mo." Umirap pa siya.

"Flat? Joga? Anong ibig sabihin nun?" Ngumiwi ako.

"Ewan ko sayo ayokong mag explain!"

"Okay." Huminga ako ng malalim
"Gagawin na ba natin?" Tanong ko.

Tumango siya. Hays. Sobrang kinakabahan ako sa mga mangyayari.

Sorry po Lord sa gagawin kong ito. Huhu.

#SorryAteMinchin #Sin #AngSamaKo

Nang inaabot ko na yung maroon na bra ng kapit bahay namin. Bigla akong napa atsing nang sobrang lakas. Puro alikabok kasi dito sa taguan namin. Kaya ayun nahuli kami ng anak ni Ate minchin, si Sarah.

Nakasimagot na siya!

"Hoy! Anong ginagawa niyo! Mga magnanakaw pala kayo!"

"Ah hindi po hindi po-"

Mag e-explain pa sana ako ng hinila na ako ni Yum palayo doon.

"Hala ka! Nahuli tayo." Hinihingal pa ako sa pag takbo namin.

"Ang bobo naman! Wala na! Wala ka na talagang bra!" Ang laki talaga ng problema ni Yum eh.

Mas galit pa siya saakin.

"Pwede ka bang magpahiram nalang saakin?" Ngumuso ako ng unti.

"Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo? Di nga ako nagamit ng bra. Wala ako nun ok? Baby bra lang meron ako, di kasya sayo yun. " Gumagawa pa siya ng hand gestures sa harap ng dibdib niya.

"Ang sama ko huhu. Lagot na ako sa pamilya ni Ate minchin. Huhu."

"Para kang baby. Wag kang umiyak! Di nga Kita pinapaiyak eh, tapos papaiyakin ka lang nila?" Saka niya ako niyakap.

Pero mas lalo lang ako umiyak. Ang sweet kasi ng best friend ko. Huhu.

Nakatira pala kami sa iisang bahay ni Yum. Inampon lang ako ng pamilya nila. Wala akong problem doon. Dahil sobrang bait nila saakin. Para talaga silang totoong pamilya.

"Oh pano ba yan? Papasok ka na walang bra."

"Siguro." Sumimangot nalang ako.

Habang naglalakad kami ni Yum papuntang school. Bigla nalang may tumigil na malaking puting van sa tapat namin.

Ang bilis ng pangyayari. Nakita ko nalang na walang malay si Yum, pagkatapos siyang takpan ng panyo sa ilong.

"Yum!!!" Sumigaw ako. "Tulong po!!!"

Bigla din akong tinakpan sa bibig gamit ang isang panyo, at saka nalang dumilim ang aking paningin at buong paligid.

•••••


"Saan niyo po ako dadalhin?"

"Can you please shut up?" Sabi nung lalaking puro black yung hikaw.

Sardonyx Academy: School of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon