Can this be Love?

109 2 3
                                    

"Can this be ǝʌo˥" by ThatgirlSaira

haaaaay.... break ko nanaman wala nanaman akong kasama.

Ang loner ko lang diba? Hahaha.

May namiss tuloy ako si Martin, ang ultimate "bestfriend" sssh crush ko noong grade 3, tagal narin nung iniwan niya ko huhuh ahhahaha emote lang, college na ako ngayon madami ng nagbago. Nag canada na kasi sila, half canadian siya sa father side.

pero actually, madami akong friends ngayong college iba-iba kasi nagiging classmates ko per subjects, transferee kasi ako, hindi tuloy uso ang block section sakin :( :D anywayzz masaya naman. New friends every sem ^_^

So heto na nga, papunta na ko sa cafeteria/canteen ng campus.

MAG-ISA...

syempre malaki 'to, pero maraming students. Kaya unahan sa mga table/seats. syempre hindi ako papahuli. -___^

Ito na yata ang "main" canteen ng campus. Merong canteen sa bawat building, pero dito nagpupunta lahat dahil malapit sa building kung saan nakalagay ang mga minor subjects (na nagffeeling major XD haha) na kailangan kunin ng lahat ng estudyante bago gumraduate..

lakad..lakad.. At ayun! Nakakita ako ng isang FREE table! *_* :))) dali-dali akong nagpunta at...ilalagay ko na ang bag ko nang biglang....

"hi" ano ba yan' nauna ako eh,ugh!

pero nang pag tingin ko sa kanya.... o.o :'> ay ang pogeee! haha

"pwede pashare?, may kasama ka ba?" napailing lang ako, hindi makapagsalita.. Ay! Baka maisip nyang 'hindi pwede' ibig sabihin ng iling ko :|

"ah..ah..i mean sige go lang, wala akong kasama". :"D Tuwang-tuwa naman ako habang sinsabi yun. At ayun nilapag na namin yung mga bags namin sa upuan at bumili na ng lunch.

Pahaba yung mga upuan yung nakadikit magkabilang table tapos may sandalan. Pasensya..Galing ko lang mag describe haha imaginin nyo nalang :)) basta may tig dalawang upuan bawat table.

Palagi akong may nakakashare sa table, madali kasing mapuno yung canteen. pero madalas wala akong pakialam hahaha kain lang ako, then aalis din ako agad, snabera ako eh kapag hindi ko naman kakilala tska uusap lang ako kapag may nagsalita. :) sungit ba? Joke!

This time, iba na. ang cute nya! Feeling ko nakita ko na siya. Tska kanina parang may kakaiba nung nag-hi siya sa kin. ang ganda ng NGITI niya eh ^____^

after ng ilang minutes...

.

.

.

Ayun, nakabili narin ako ng food. Ang daming choices may iba't-ibang maliliit na stalls kasi, nahirapan tuloy ako mamili ng kakainin. Pabalik na ko sa table ko. ayun! Nakalimutan kong may kashare nga pala ako. Naunahan niya ko makabalik eh, ang choosy ko kasi sa pagkain... :D

"hi, anong course mo?" sya nanaman yung nagsimula, buti nalang ang akward na kasi tahimik lang kami for 5mins.. sabi ko sa inyo di ako pala usap eh XD

"am.. Fine arts" tipid ko lang sumagot "eh ikaw?" nagdagdag na ko baka akalain nya ayoko siyang kausap hehehe

"ow! Same here!" 0.0 gulat ako eh kaya pala parang nakita ko na siya same course pala kami

"anong year mo na?" palitan lang kami ng mga tanong.

*fast-forward

Nalaman kong same year lang kami pero dapat, mas nauna ako, umulit kasi ako kasi transferee nga. Ang dami naming napag- usapan. Kasi same kami ng mga interests

Can this be Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon