Chapter 1

44 0 0
                                    

 Hi po sa inyong lahat! Ako nga po si Nyl. Bago pa lang ako dito eh so, please bear with me. (hehe) thanks!

Heto nga pala ang isa sa mga stories na matagal nang nasa imahinasyon ko. :)

Enjoy I hope you will like it!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1

 Masayang-masaya si Ellyn o Elle dahil sabado na naman. Fresh air para sa kanya. Katatapos lang niya gawin ang mga assignments niya. Wala siyang balak gumala. Wala siyang hilig niyon. Ang gusto lang niya ay magbasa, gumuwa ng mga gawaing-bahay o, 'di naman kaya'y matulog. Kinukulit na naman siya ni Meir, kaklase at kaibigan niya noong elementary siya na gumala. Kanina pa ito text ng text sa kanya. Napatingin siya ulit sa cellphone niya. Nagring.

Meir.

 "Na naman? Ang kulit naman ng babaeng ito!" Naiinis niyang sabi.

Pinindot niya ang Ok button at sinagot ang kaibigan niya.

 "Bakit na naman?" Sabi niya.

 "Sige na Elle. Payag kana. Diyan lang naman tayo kina Jeys eh. Bisitahin lang natin. 'To naman, parang walang pinagsamahan!"

Napapailing nalang siya. Alam niyang nagtatampo na ito.

 "Okay. Sige. 'To naman. Alam mo namang ayaw  'kong gumala." Napipilitang anas niya.

Narinig niya ang pagsigaw nito. "Yes! Thank you friend! Mwaah!"

At nawala na ito sa kabilang linya. Naiiling na ibinaba niya ang kanyang cp. Ibinalik niya sa pwesto ang kanyang Physics Book. Fourth year na siya at sixteen years old. Akmang tatayo na siya ng may nagtext ulit.

 Si Meir talaga. Ang Kulit! 

Kinuha niya ang cp. Binasa niya ang text. Hindi pala si Meir ang sender. Si Erik; ang longtime textmate niya na kuya ni Jeys. Kaya ayaw niyang pumunta kina Jeys ay dahil na rin sa lalaki. Nag-aalala siyang makilala ng lalaki. Dati 'nung magkaklse pa silang tatlo nina Jeys at Meir ay lagi silang pumupunta sa bahay ni Jeys.

Natatandaan niyang nahihiya pa siya noon kapag tyempong naabutan nila si Erik. Paano ba naman kasi ay matagal na niyang crush ang lalaki. Mas matanda lang ito ng isang taon sa kanilang tatlo. Gwapo  kasi. Kaya nang isang araw na magtext ito sa kanya ay nagduda siya. Baka si Jeys lang 'yun at nangti-trip. Mahilig kasi si Jeys ng ganun. Pero ng nakulitan ito sa pangungulit niya sa text ay, naniwala siya. Akalain mo, nagtext ang crush niya sa kanya? Parang imposible 'ata 'yun para sa kanya.

Mula 'nung araw na iyon ay naging close sila ni Erik; sa text. Kapag may problema ito, ay palagi niya itong in-aadvice-san. Kapag katext lang niya si Erik, okay na.

Pero, nang lumaon, naku-curious na ang lalaki sa kanya. May isang araw ay nagtext pa itong magmeet na sila. Pero hindi siya pumapayag. Paano ba naman kasi ay wala siyang self-confidence. Meron naman pero hindi gaano kataas. Mahiyain kasi siya.  Isa pa ay hindi alam ng binata na matagal na silang nagkikita. Kung minsan ay nagkakasalubong pa sila. Kapag nagkasalubungan siya ay nagkukunwari siyang hindi niya kilala ito.

  "Hi there! You busy? Meet naman tayo." Nabasa niyang text ni Erik.

 "Busy ako eh. May lakad ako. I-meet mo nalang yung mga girlfriends mo. Saka, pangit ako." May pahabol pang smiley ang text niya.

 "Sige na, hindi naman ako mitikoloso eh. Natatakot kaba sa akin, Elle?" 

 "Hindi. Busy lang talaga ako sa school. Pasensya kana. Saka, wala akong hilig sa meet-meet eh. Sorry."

 "Sandali lang naman. I just want to meet you in person. Para naman makilala ko ang Best Adviser ko."

 "Nakita mo na ako sa facebook right? Kaya, okay na 'yun."

 "Elle! Tumawag si Jeys!"

Napatingin siya sa nagsalita. Ang mama Merl niya. Hindi niya namalayan ang pagpasok ng ina niya sa kwarto niya. Busy kasi siya sa pagti-text.

 "Ano po'ng sabi?" Tanong niya.

 "May meeting kayo sa bahay nila. Ipinagpaalam kana nila sa akin."

 "Po?," Ang kulit! Hahabulin ko talaga sila ng suklay mamaya!

 " O, kilos na. Hinihintay kana nila."

Mabilis siyang kumilos. Agad namang nagpaalam siya sa ina. Naglakad lang siya papunta sa street nina Jeys. Hindi pa nga siya nakakarating sa tirahan ni Jeys Cruz ay natanaw niya si Meir. Hawak ang cp nito at halatang may kausap. Pagtingin niya sa cp niya ay ang kaibigan niya ang tumatawag. Sinagot niya.

 "Easy. I'm coming. Relax okay?" Sabi niya.

Napatingin ito sa direksyon niya. Agad siyang sinalubong ng kaibigan.

"I'm glad dumating kana. Nakuu! Mabuti nalang at sumulpot ka." Anas ng kaibigan niyang wala nalang halos ginawa kundi ang magpa-cute.

"May importante kabang appointment with someone? Hmm?" Tanong niya.

"Nope. Wala pa. Nakakasawa na kasi. Dami na ng naging boyfriends ko. Pahinga muna." Nakatawang anas ni Meir sa kanya.

"Hoy, Meiriencia Zenia Masunurin stop playing with boys! Nakakasakit ka sa feelings nila!" Anas niya sa kumpletong pangalan ng kaibigan.

"Eww! I told you. It's Meir. Meir, Meir, Meir! Okay? Bakit ba ang tigas ng head mo?" Nakairap na anas nito sa kanya.

Tawa lang siya ng tawa. Si Meir naman ay, inaaway na siya. Binabato siya ng maliit na bato. Siya naman ay busy sa pag-ilag. Sa pagsige parin niyang pag-ilag, hindi niya namalayan na may kanal na pala malapit sa kanya at may tao sa likuaran niya.

Huli na para marecognize niya na kanal na pala at may tao sa likod niya.

"Hey! Watch out!"

Splash!

Parang nahinto ang oras para kay Elle. Huli na dahil sa sige niyang pag-ilag, naihulog niya ang tao sa kanal na taga-tuhod ang lalim. Hindi niya alam ang gagawin. Sa huli, ay binalingan niya ang taong nahulog, dali-dali niyang tinulungan ito.

"Damn! Hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Asik agad sa kanya ng lalaki.

"I'm sorry, hin------"

"Kuya? Anong nangyari sa iyo? Kanina ay kulay red 'yung tshirt mo, bakit ngayon naging parang panis na chocolate? Don't tell me na nagalit ka kay mama dahil hindi ka binigyan ng pera? Or---Oh my god! Don't tell me again na balak 'mong magpakadedo? Hiniwalayan ka ba ng gf mo kaya magpapakadedo ka sa---sa---kanal?"

Napatingin siya sa nagsalita. At si Jeys iyon. Bigla siyang kinabahan. Oh my! Si Erik! Ang kawawa 'kong Erik! Help me! Pipi niyang anas.

"Ano bang pinagsasabi mo?,"Galit na anas nito sa kapatid. "Hey you! What the hell are you doing? If may plano 'kang maligo sa kanal ay 'wag mo akong isali! Don't you see? May tao sa likod mo tapos ikaw haharang-harang? Bwisit naman 'to 'o! Kainis!" Gigil na saad nito.

Parang nagbalik si Elle sa kanyang sarili. Awtomatikong na-guilty at nahiya siya sa lalaki. "I'm s-sorry. Hindi kasi kita napansin. Pasensya na t-talaga." She stammered.

"Elle?," Natatawang anas ni Jeys sa kanya. "Tara na. Let's go inside. Mama is waiting for you. Saka, kuya?," Hindi na napigilan ni Jeys ang matawa. "Maligo kana ulit. Ang smelly mo na kasi eh."

Sa sinabing iyon ni Jeys ay natawa ang mga tao sa kanilang paligid. Mga barkada ng kuya nito. Si Meir naman ay nasa tabi lang.  Parang hindi makapaniwala.

"You will pay for  this! Geez! Bwisit!" At tinalikuran na sila.

Tawa lang ng tawa si Jeys. Parang walang awa sa kapatid niya. Siya nama'y guilty na guilty. Paano ba naman kasi ay 'di siya makapaniwala. Nag-usap nga sila ng crush niya ay, bad-timing naman. Galit pa ito sa kanya. Parang gusto nalang niyang umuwi at umiyak dahil sa nangyari. Tingin niya ay hindi na matutupad ang  pangarap niya na magkakilala sila ng maayos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Destiny WorksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon