Chapter 1- Eros at Denise

426 29 16
                                    

      Tanong ko lang sa inyo, naniniwala ba kayo sa LOVE? Ako? Oo naman. Pero di ako naniniwala na love moves in mysterious ways. Ano 'yun? Parang sa kanta lang ganun? 'Yun ang paniniwala ko noon bago ko pa nakilala si Eros. Mabuti pa basahin ninyo ang kuwento ko. = )

                                                                            - Chapter 1-

"Nasan ako?" Tanong ko sa sarili ko. Wala kasi akong makita, eh.

"Denise, hanapin mo ako." Sabi ng isang boses. Boses na lalaki.

"Nasan ka? Magpakita ka!" Sagot ko naman sa mysteryosong lalaki.

"Hanapin mo ako." Paulit-ulit niyang sabi sa'kin. Paikot-ikot ako upang hanapin kung saan galing ang boses niya. Maya-maya, may nakita akong liwanag at nakita ko rin doon ang anyo ng isang lalaki na nakatalikod. Teka, baka siya 'yun!

"Teka, hintay!!" sigaw ko habang patakbo ako sa liwanag kung 'san nakatayo ang lalaki.

Konti na lang...

Konting-konti na lang.....

"Denise, GISIIINGGG!!!!!" Sigaw ng isang lalaki na mukhang pamilyar ang boses.

"Ay, #@$$% BAKLANG KABAYO NA MAY ITIM NA KILI-KILI!!" Pagkagulat kong sabi. Unti unti kong minumulat ang aking mga mata.

       =_=

       =_0 --->

<---0_=

      =_=

      0_0

     O_O

"Grabeh ka naman teh!! kalurky...! @#$$%ng bakla na nga, may kabayo ka pang idinagdag! At tsaka nandito ako para gisingin ka! Alam mo bang ang tagal-tagal kitang nagising? Maligo ka na nga para sabay na tayong pumasok sa school at para di naman tayo ma-late! " Sigaw niya sa akin.

Ano ba naman tong bespren kong bakla! Gigisingin na nga ako, doon pa sa parte kung saan malapit ko nang makita ang prince charming ko. Oo. Yung lalaki sa panaginip ko. Siya yung lagi ko nang napaginipan. Pero buwisit talaga oh! Di ko man lang nakita ang mukha niya! Kakaasaaaaaarrrr!!!

"Oh? Anong pinagtatanga-tanga mo 'jan? Bilis! First day of school natin noh? ayokong masira ang reputation ko nang dahil lang sa iyo : P! " pagsisigaw ulit ni Arnold sa'kin.

Anong klaseng bespren ba 'toh? Bespren na sumisigaw sa kwapwa niyang bespren. NAKU!!!

"Oo na. Maliligo na PO. Maghintay ka na lang PO sa ibaba. Bababa na rin PO ako pagkatapos kong maligo. Para sabay na rin PO tayo pumunta sa school."

"Talagang sabay tayo ha?" Pagsisigurado niyang tanong sa akin.

"Hindi. Huwag na. Mukhang busy ka, eh. Lilipad na lang ako." sarkastik kong sagot sa kanya.

"'Kaw talaga, wala ka pa ring pinagbago!" sabi niya sa akin sabay pagsampal sa braso ko tapos ayun, bigla na lang tumakbo pababa.

"Hoy! bumalik ka rito!" Pagsigaw ko sa ibaba. Alam kasi niyang hate na hate ko talaga ang may mananampal sa braso ko kaya nangasar na lang.

"Denise, maligo ka na." Sabi ng isang babae.

"Opo, ate Ryza," sagot ko sa kanya. Nakatatandang kapatid ko iyon. Maganda siya tapos mga 20 years old pa siya pero hep.. hep.. hep... Sorry to say pero may boyfriend na ang ate ko!  Si kuya Aaron ang boyfiend niya. Bago ko sasabihin ang story nila, maliligo muna ako ha? Baka malate pa ako sa school. ^_^

Love Moves in Mysterious Ways (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon