Mga Tugmang-Bayan.

13.6K 12 12
                                    

MGA TUGMANG-BAYAN.

(Our Story For Today)

All Rights Reserved 2012-2013

© Tagalog Story

---------------

Araw ng Sabado at walang pasok sa eskuwela nang maisipang dalawin ng mga bata ang kanilang lolo sa kubo nito sa may bandang tumana.

"Lolo, maaga kami ngayon kasi tutulungan po namin kayo sa pagtatanim sa tumana" ang sabi ni Arnold. "At pagkatapos ay tutulungan po naman ninyo kami sa aming takdang-aralin, hindi ba, mga "insan?"

"Siyanga po, Lolo. Sabi po ni Nanay ay marami kayong alam tungkol sa takdang-aralin namin sa paaralan." sabi ni Shiela.

"E, ano ba ang takdang-aralin ninyo, ha?" tanong ni Lolo Juan.

"Basta't alam ko ang itatanong ninyo, e, all the time ako, basta kayo mga apo."

"Lolo, Ingles 'yon a" pakli ni Christian. "Dahan-dahan, Lolo, at baka tayo maubusan." Tawanan ang iba pang mga apo.

"Lolo, magpapaturo po sana kami sa inyo ng ilang tugmang-bayan. Sabi ni Nanay, basta mga salawikain, bugtong, kuwentong-bayan, at mga tugmang-bayan ay kayo ang pinakamabuting sangguniin namin" ang sabi ni Bryan.

"Ganoon ba ang sabi ng mga nanay ninyo ha?" natatawang sabi ni Lolo Juan. Alam na alam kasi ng kaniyang mga anak na marami syang nalalaman tungkol sa nabanggit na mga pamanang kalinangan.

Naupo nang magkakaharap sa lilim ng malabay na punong mangga sina Lolo Juan at ang kaniyang mga apo. At nagsimula ng turuan ang kaniyang mga apo at nagkwento din sya tungkol sa tugmang-bayan.

----------------

END!

Thanks for Reading :)

Vote and Comment! :)

Become a fan! :)

THANK YOU

:**

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tugmang-Bayan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon