Cryhs's POV
Saka ko lang naisipan tumingin sa paligid. Saka nanlaki ang mga mata ko at pinigilan ang sarili na sumigaw.
"B-b...Bakit may mga.."
"Shh..Kaya sabi ko wag na wag kang pupunta dito ulit." seryoso na talaga si Luiz.
Napatingin kaming dalawa bigla sa pinto ng may magbukas nun.
"Is Cryhs here?!" tanong ng magandang babae. Naka purong itim din siya na damit, tulad ng iba. Pero bakit niya ako hinahanap?
"A-ako po si Cryhs." Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko.
"Thank God I found you!" sabi niya saka nilapitan ako.
"You're late tho." sabi naman ni Luiz.
"I know! Di mo na kailangan sabihin. Anyways, Hi Cryhs, I'm Kaliah you're roommate here in Sardonyx Academy." saka siya ngumiti.
"Feel free! Eto ang maganda kong kwarto. Matagal na akong naghihintay ng bagong roommate, buti naman may new student."
Tinutulungan ako ni Kaliah ngayon ayusin ang mga gamit ko. Nagulat ako ng unti kung bakit nandito na agad ang mga gamit ko. Pero atlis nakasuot na ako ng bra. Hays.
"Di mo ba ako tatanungin kung ano kasalanan ko?" tanong ko sakanya.
"Why would I bother?" sabi niya saka tumabi saakin dito sa sofa ng kwarto niya.
Malaki ang kwarto, parang bahay na. Lahat nandito na, dalawang malaking higaan, kitchen, bathroom at may maliit na sala din, don't forget na itim lang din ang kulay kwarto.
"Lahat ng napupunta dito ay masasamang estudyante. Halos lahat, pumatay. Yung dati kong roommate namatay nalang bigla dahil sa depression. Pinatay niya sarili niyang boyfriend after he cheated on her."
"Talaga? Di naman ako nakapatay, pero nandito ako."
"I know. You're a soft innocent girl. Gusto mo bubble gum?" sabi niya saka naglabas ng isa sa bulsa.
Kinuha ko nalang kahit di ako mahilig dun.
"You wanna know my sin?"
"Oo naman!" humarap ako ng bahagya sakanya.
"We murdered our own teacher."
"Ha?! Bakit naman?!" sinabi niya yun na parang wala lang sakanya.
"Matagal na yun. We murdered him after he harassed my own sister, she was only 11 years old back then. He is an old bastard who rapes kids. That's why my boyfriend and I killed him."
Di ko alam kung ano isasagot ko. Masama parin ang pumatay, kahit ano pang kadahilanan.
"Are you scared?" Hindi ako sumagot. "Don't be, nagbago na ako. Anyways, diba nakilala mo na si Justin? Yung lasenggerong yun ang boyfriend ko."
Nanlaki mata ko, simula ng napunta ako dito lagi nanlalaki mata ko. Ang dami ko naman kasing nalalaman.
"Hindi naman siguro siya lumandi sayo noh?"
"Hindi ah, sabi niya nga saakin may girlfriend na daw siya."
"Buti naman kung ganun. You're so pretty, and you also look delicate. I envy you."
"Ha?! Eh sobrang ganda mo nga!"
Totoo naman, ang ganda niya, pero mukhang nakakatakot.
"You're prettier." saka siya kumindat.
Bakit ang hilig kumindat ng mga tao dito?
Dahil kay Peppa Pig nakalimutan kong nasa nakakatakot na lugar pala ako.
Mahilig ako sa Peppa pig, kasi nga may alaga din akong baboy. Habang masaya akong nanonood dito, nagluluto naman si Kaliah para sa dinner namin. Wala na akong magagawa kundi pagkatiwalaan siya. Di niya naman siguro ako lalasunin noh?
Hala! Bat ngayon ko lang ulit naalala? Tumayo agad ako sa upuan at pinuntahan si Kaliah. Nakalimutan ko siyang tanungin about doon sa lugar kanina.
"Di ka na ba makapag-antay sa masarap kong luto?" tanong niya agad pag dating ko sa kusina.
"Gutom na ako, pero may gusto sana akong tanungin."
"If it's about the guy you saw a while ago who's killing someone, I am not in the position to talk about him."
Ay, buti nalang hindi ayun ang itatanong ko. Ayaw ko na maalala yun, sobrang sakit makakita ng taong nahihirapan. Hindi naman ako curios dun sa killer.
"Hindi, ayaw ko na maalala yun. Kanina sa kwarto na tinaguan namin ni Luiz, bakit may mga--"
"Patay? Dead people?" tumango ako.
"Hmm.. That room is where the gang named "Dark Horses" kill people they want. Kaya di sila nakakalabas sa school na ito eh. Parang di nila kayang mabuhay ng walang pinapatay."
"Eh ikaw? Bakit di ka pa nakakalabas dito."
"Some of us choose not to, wala na din naman kaming mukhang mailalabas. Yung iba saamin tinakwil na ng sariling pamilya after malaman mga kasalanan na namin."
"Masaya ka ba dito? Lahat ba ng tao dito nakakatakot? Dito na ba ako mamamatay?" umarte pa ako na parang naiiyak.
"Don't over think things. Hindi ka mamamatay dito, trust me. Kung tinatanong mo naman kung lahat ba ng tao dito nakakatakot, ang sagot ko ay oo. Lahat ng tao dito kayang pumatay ng kung sino-sino."
Napalunok ako ng sariling laway. Ayoko na dito, this is like the hell in earth. Ay nakapag English tuloy ako ng wala sa oras.
11:00 pm na, pero nandito kami ni Kaliah sa supermarket ng school. Yes! May supermarket sila sa loob ng academy, at nasa tapat lang siya ng dorm. Bibili kami ng mga makakain kasi naubos namin lahat ng laman ng refrigerator niya.
"Ey, I need to go in the meat station. Buy whatever you want. I'll use my credit card to pay for it."
Pagkasabi ni Kaliah nun ay umalis na agad siya.
Medyo creepy, ako lang mag isa dito kasi nandun sa may dulo ang meat station. Gabi na din kaya parang kaming dalawa lang ni Kaliah ang nasa supermarket.
Syempre ang una kong pinunatahan ay ang Candy corner. This is my heaven! Nandito ang candy buffet na nakikita ko lang dati sa internet. Kumuha ako ng lollipops, twisted marshmallows at iba't ibang klase ng gummy candy.
Naghahanap ako ng gummy worms, pero ang hirap niyang makita.
"Ayun!" sabi ko, isang pakete nalang ng gummy worms ang natitira! Ang swerte ko talaga saakin pa mapupunta ang huling--
"Take your hands off the candy."
BINABASA MO ANG
Sardonyx Academy: School of Darkness
Romantizm𝐒𝐀𝐑𝐃𝐎𝐍𝐘𝐗 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘: 𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐨𝐟 𝐝𝐚𝐫𝐤𝐧𝐞𝐬𝐬. 𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐞𝐛𝐞𝐥𝐬, 𝐛𝐮𝐥𝐥𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐚𝐝 𝐛𝐨𝐲 𝐨𝐫 𝐛𝐚𝐝 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬 𝐥𝐢𝐯𝐞. 𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐛𝐞...