The Chosen Ones

16 0 0
                                    

Prologue

Summer vacation, naglalakbay ang apat na magkakaibigan dahil ngayon lang ulit sila nagkita kita.

Napili nilang mag camping sa isang lugar na malayo sa syudad. Isang probinsiya na hindi masyadong kilala at hindi masyadong dinadayo ng mga turista. Pagdating nila doon, nagtanong sila kung saan ang magandang spot for camping.

May isang ale ang nagsuggest na may isang isla doon na perfect umano for camping. Agad silang nagpahatid doon sakay ng Bangka.

Pagkababa, nagset na sila ng tents nila dahil mag gagabi narin. After setting their tents, nagsimula na silang maghanap ng mga kahoy para sa bonfire nila.

Matagal na nilang plano ang magcamping sa malayo. Malayo sa ingay ng syudad, malayo sa problema, at malayo sa stress.

Habang palalim ang gabi at nagkakasiyahan ang apat, may narinig silang ingay sa loob ng gubat. Binalewala nila ito ngunit nasundan pa ito ulit ng isa pang ingay.

Hanggang sa naging sigaw na parang nasaktan ng sobra. Kinabahan na silang apat ngunit nanaig ang kuryosidad ng isa sa kanila at pinasok ang gubat.

Sumunod naman ang tatlo dahil ayaw nilang mawala ang kaibigan.

Nang malapit na sila sa gitna ng gubat, may nakita silang babae na nakaputi at nakahandusay sa lupa na animoy nawalan ng malay.

Lalapitan na sana nila ito ng bigla na lang umilaw ang katawan nito. Isang nakakasilaw na liwanag.

Napapikit ang apat at pagmulat nila laking pagtataka nila na napunta sila sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanila.

Ano kaya ang lugar na kanilang napuntahan?

Makakabalik pa ba sila sa lugar kung saan sila nanggaling?

Or will they be trapped in that new place they're in forever?

Samahan niyo po ang apat na magkakaibigan sa lugar kung saan punong – puno ng hiwaga at mahika.

Join them in their journey as they unravel and discover the secrets of Juveland – the land of Magic.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

At ayun nga. . This is my first story kasi kating - kati yung kamay ko ehh. Sana suportahan ninyo. Salamat po.

Juvelynaticsxz High: The Lost TribesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon