Chapter 12

412 11 2
                                    

Di ko na napigilan ang sarili ng makita ang dagat, patakbo akong nakangiti. Pansamantalang nakalimutan ng problema at hinayaan ang sarili na maging malaya sa kauna-unahang pagkakataon.

Bakit nga ba nakalimutan kong dito ako nagka-isip? Kakalungkot man isipin pero ang pangyayaring hinaharap ko ngayon ay parang bagyo na tinangay lahat ng ala-ala ko.

Nilingon ko si Yvo, masyado siyang nakakasilaw tignan sa simpleng damir na suot. Wala namang araw pero hirap akong titigan siya, masakit sa mata.

Noon tuwing walang trabaho ang mga magulang namin ay pumupunta kami sa tabing dagat. May dalang pagkain at magpapalipas ng gabi, buong araw kaming naglalaro ni Yvo ng sand castle, beach ball at habulan. Palihim akong ngumiti, kahit ang totoo ay pinipigilan ko na ang sarili kong umiyak, paano kung sabihin ko nalang sa kanya na ako eto! Si Selena.!!

Matutuwa kaya siya? Maiiyak ba siya sa tuwa? Pero bago yon.

Gusto niya pa ba akong makita?

Di na ako nakapagpigil. Ang luhang iniingat-ingatan ko ay hindi na napigilang tumulo. Binaba ko ang tingin sa buhangin, ayokong makita niya akong ganito, nagmadali akong punasang ang mga luha pero huli na ang lahat.

"Why are you crying?" Mahinahon niyang tanong sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya ngunit ramdam ko ang paninitig niya sa akin.

It's okay Selena. Wala namag masama sa tanong. Iyon ang iniisip ko sa sandaling iyon, ayokong suwayin ang utos ni Keb, naniniwala na akong sa tuwing sinusuway ko ang sinasabi nila ay mayhindi magandang nangyayari.

Pilit akong ngumiti kay Yvo at taas noong tinitigan siya.

He's so attractive.. Inaamin ko! Kahit di ko inaasahan na ganito siya ka gwapo, malayo sa Yvo na iniilusyon ko nung nasa NY pa ako. Hindi na ako magtataka kung bakit gustong-gusto din siya ni Kara.

"Marami akong alaala sa tabing dagat. This is the first time that..."Muling tumulo ang aking mga luha, but this time si Yvo na ang nagpunas sa mga ito gamit ang kanyang kamay.

"Na ano.?"

"Na..bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala na pansamantala kong nakalimutan." Bahagya na akong natawa sa sinabi, alam kong hindi niya ako naiintindihan. 

"Nakalimutan ko yata kung bakit ako nandito sa Pilipinas, o sila ang nakalimot sa akin? Bumalik ako para sa pamilya ko at sa lalaking mahalaga sa akin, pero halos sabay itong nawala... Pero ngayon muling pinaalala sa akin ng dagat kung bakit ako nandito."

"What do you mean na bumalik..Saan ka galing?"

Hindi na ako nakapagsalita kaagad, Oo nga't ang alam nila ay sa isang probinsya ako galing. Mabuti nalang at tinawag siya ng isang staff dito sa resort, tahimik akong nakasunod kay Yvo sa di kalayuang  lamesa ay may nakupong isang lalaki at babae hula ko ay mga manager dito. Binati nila kami at nang magyayang umupo ay agad akong umiling.

"Titingin ako sa paligid, pag-handan ko lang ang ilang plano sa kasal."

Kasama ang isang staff inilibot niya ako sa sakop ng resort, kumuha ako ng iilang litrato at nagtanong narin kung sa oras ba ng kasal ay madalas na high tide or low tide ang lugar. Kailangan masiguro kong maayos at maganda ang ikalalabasan ng lahat para kay Lolo at Lola ayoko silang biguin, at kailagan kong patunayan kay Daddy na karapat dapat akong naging De la Merced.

Hapon na kami ng umalis sa resort at dahil isang oras din ang byahe ay gabi na kami ng makarating sa syudad.

"Sa Villa na tayo kumain.." Napasulyap ako kay Yvo. Ganoon din siya sa akin. "If it's okay.."

Tumango ako at tsaka ngumiti. "Gusto ko." Masigla kong sabi kay Yvo, naalala ko pa ang madalas namin na kinakainan dito, hindi ko man alam ang panglan pero siguro nandito pa iyon. Namilog ang mata ko ng tumigil ang sasakyan ni Yvo sa isang magandang kainan, walang duda. Eto yung palagi namin napupuntahan, nariyan pa ang playground na tinatakbuhan ko habang naghihintay kami ng pagkain noon at ang duyan na laging pinag aawayan ni Yvo at Kuya Sirius.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon