A/N: nakailang beses ko ng inulit tong chapter 14 na to dahil nga nagloloko si watty.
Napatagal tuloy yung update imbes na nakatatlo na tayong chapter but ayos lang yun stay pretty/handsome pa rin naman yung mga readers ko.
Sorry sa wrong grammar at spelling Yun Lang. God bless and enjoy!
CHAPTER 14
ZOE POVNANG matapos kaming kumain nauna na ako sa kanila na umalis dahil naiilang na ako. Ramdam ko kasi na nakatitig sa pwesto namin si Clyde.
"Samahan na kita–"
"No thanks" putol ko sa sasabihin niya sabay ngiti.
Mabilis na naglakad agad ako makalayo lang sa tingin niya. Nang makalayo ako agad na naisipan kong sa rooftop na lang tumambay. Mas tahimik pa duon kaysa dito.
Habang naglalakad papunta sa rooftop pansin kong maraming tumitingin saakin lalo na ang mga bulong bulungan.
"Diba sya yung Secretary ng Council?"
"Hindi na ngayon sis"
"Ah tsk di naman kasi bagay sakanya maging secretary no? Ang cheap Kaya niya"
"Yeah correct ka dyan girl"
Rinig kong bulong bulungan nila.
d-_-b
'hays'
Hindi ko na lamang yun pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makapunta sa rooftop.
Nang pagkabukas ko palang ng pinto ay tumambad na saakin ang malakas na hangin.
Niyakap ko ang sarili ko gamit ang dalawa kong kamay para bigyan init ang sarili.
Inilibot ko ang aking mga Mata sa kabuuan ng rooftop. "Wala pa ring pinagbago" bulong ko sa sarili ko syaka lumapit sa pinaka dulo ng apakan sa rooftop.
Naglalakad lakad ako sa dulo nun kahit na delikado dahil maling hakbang mo lang ay mahuhulog ka na.
Tumigil ako sandali at ipinikit ang mga mata. Itinaas ko ang mga kamay ko.
Idinilat kong muli ang mga mata ko matapos kong damdamin ang hangin. Itinaas ko ang isang paa ko na para bang handa ng magpakamatay.
"Don't do that" Ma-otoridad na rinig kong salita.
Inayos ko muna ang sarili ko at napatingin sa likod ko. Umalis ako sa pwesto ko kanina at lumapit sakanya.
"Bakit Naman?" Tanong ko sakanya na Hindi binibigyan ng expression ang mukha.
"Basta" Sabi niya syaka naglakad tungo sa upuan na bakante. Sinundan ko na lang sya ng tingin hanggang sa makaupo sya.
Nagkibit balikat muna ako at akmang aalis na ng magsalita na naman sya. "I'm Matthew Hales. Matt for short and you are?"
"Zoe... Zoe Schmit" Sabi ko at umalis na kaagad.
Pagkaalis ko ay dumiretso agad ako sa room. Nang makapasok ako ay mabilis na naupo ako sa upuan nung biglang dumating si Miss.
"Good afternoon Class"bati ni Miss ng makapasok siya.
"Good afternoon Miss Cha" bati namin sakanya at naupo na.
"All of you get ready for exams tommorow.. okay ba yun class?" Aniya ni Miss Cha.
"Yes Miss!" Sagot Naman nila.
At nagsimula na nga ang discussion.
Discuss
Discuss
YOU ARE READING
Love In First Bite(On-going)
Hayran KurguZoe is the type of a girl na walang pakielam sa buhay na meron sya DATI but when Ashton comes everything has change and also her life. With a simple girl, weak, and cheap into a strongest girl. She want a peaceful life pero makukuha niya nga kaya yu...