Chapter 15

0 0 0
                                    

A/N: Mabuti na lang talaga at naayos ko na tong watty ko.

Basta intindihin niyo nalang yung wrong grammar and spelling ha? Yun lang god bless!

Chapter 15: MEET AGAIN
ZOE POV

NANG makapasok ako sa campus akala ko talaga makakatanggap ako ng mga bulungan pero hindi pala dahil may pinagkakaguluhan daw ngayon ang mga babae at bakla syempre.

Papunta na sana akong hallway nang mag sigawan ang mga kababaihan sa parking lot. Napakunot naman ako ng nuo.

Nilapitan ko naman yun dahil curious ako hindi chismosa. Nang makalapit ako Hindi ko naman makita yun kaya tinanong ko na lang sa katabi ko kung sino ba yun.

"Ah sya ba? Ang gwapo niya no?! Yieee transferee Lang Yan!" Sabi niya sabay tili.

Napaatras naman ako ng kaunti nang medyo narindi ako sa boses niya.

Mabilis na umalis ako duon at dumiretso na lang ng locker room para kunin ang mga libro at pumuntang library.

Oo nga pala. Hindi ko kasama si Yanni dahil mamaya pa daw sya papasok.

Pagkatapos kong makuha ang libro agad na pumunta ako ng library at nagpalista sa librarian.

Humanap ako ng upuan. Marami namang bakante pero mas pinili kong sa dulo na lang maupo para solo.

Pagkatapos kong lumapit mabilis na naupo ako at inilagay ang mga libro sa lamesa at Isa isang binuklat syaka nagbasa.

Dahil kailangan kong magreview ulit para sa quiz.

HABANG nagbabasa medyo kumulo ang tiyan ko kaya napagdesisyunan kong kainin na lang dito ang sandwich na ginawa ni Yanni.

Nakakaisang kagat palang ako ng may lumapit saakin. Hindi ko Makita yun dahil nakayuko ako pero halatang lalaki sya dahil sa mga sapatos niya.

Babaliwalain ko na lang sana sya ng bigla syang tumikhim. Wala naman akong magawa kaya inakyatan ko na lang sya ng tingin.

't-teka? A-anong-'

"Anong ginagawa mo dito?!" Mahinang sigaw ko para hindi masitahan ni Miss Lyn.

'bakit sya nandito? Pababalikin ba nila ako? Tangina naman!'

"Nandito ako para kunin ka" Diretsahan niyang sagot.

Mabilis naman akong tumayo at iniligpit ang mga gamit ko syaka inilagay sa bag. Syaka mabilis syang tinitigan ng masama "ayoko" sagot ko syaka mabilis na nilisan ang library.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Syaka bakit natatakot ako? Wala naman akong dapat pang ikatakot.

'paano na lang kung may makaalam ng sekreto ko ng dahil sa bwesit na yun?!'

"Hays! Kainis!" Sabi ko sabay palo sa pader.

Pero mukhang mali ang ginawa ko dahil n-nabutas yung pader. Pero paano?! S-sinuntok ko lang naman yung pader at... At... Na-nabutas na.

Hindi kaya kasama ito sa pagiging bampira ko?.

Matapos ang nangyaring yun mabilis na inilibot ko ang mga Mata ko. Nagbabakasakaling walang nakakita. Mabuti na lang wala kaya mabilis na tumakbo na lang ako papuntang classroom.

YANNI POV

KAKAPASOK ko palang ng campus ng bumungad saakin si Andy. Halatang may bagong chismis na naman tong baklang to.

"Teh! Buti maaga kang pumasok ngayon dahil may chismis na naman ako sayo! Yieee grabe teh para syang hulog ng langit! Waah!" Aniya niya sabay tili ng malakas.

Love In First Bite(On-going)Where stories live. Discover now