Mama ko (10-25-18)
***Mama ko
+639*********Thu 09:04
Mamaaaa
Bakit?
Pwede pong pumunta sa bahay ng kaklase ko?
Bakit?
Para san?
Anong gagawin mo dun?
Para po sa reporting bukas.
Sinong kasama mo?
Ilan kayo?
Dalawa lang po.
Tawag ako.
Sige po.
✓sent 16:21Mama ko is calling...
(Hello, ma.)
(Saan banda 'yun?)
(Dalawang kanto lang po, malapit sa atin. Sa phase 5 po.)
(Sige, basta wag kang magpapagabi ah. Kailan na ba yung reporting na 'yan?)
(Bukas na po. Gagawa lang naman po kami ng visual aids at magse-search.)
(Bakit hindi nalang sa bahay natin? May wifi naman tayo, ah.)
(Sige po. Try ko po sabihin.)
(Sige. I-text mo ako kung dito kayo sa bahay gagawa o hindi.)
(Okay po, m—)
(Wala ka bang klase. Ba't ka gumagamit ng phone? Iwasan mo 'yan.)
(Vacant po namin hanggang 10 AM.)
(O siya, sige na. Bye.)
(Okay po, mama. Ba-bye po. Ingat!)
Call ended.
BINABASA MO ANG
He's Online! (Online #1)
Teen FictionOnline series #1 (Epistolary) A long conversation with a stranger. A journey of moving on. How long will it last? A mysterious guy chatted Sonya Marie Molina, claiming that he'll help her from moving on to his ex-boyfriend. He even disguised as an...