: 🐷
Alam kong masakit
Dahil ika'y aking pinagpalit
Hindi sa panibagong tao
Kundi sa pamilya't pangarap koAlam ko ring ika'y lalong naisaktan
Ng ang mga pangako ko'y nalimutan
Marahil ikaw din ay galit
Sa mga di katotohanang aking nasambitKaya't kasinungalingan man sa pandinig mo
Ako parin ay umaasa at magsusumamo
Na sana'y mabatid mong hindi ko ito sisasadya
Dahil diba nga ako din ay tumaya?Muli patawad kung umasa ka
Patawad kung pinaniwala kita
Kayat kung pagod ka ng mahalin ako
Hinding hindi ako magrereklamoHangad ko ang kaligayahan mo
At yun ay di mangyayare sa piling ko
Tayo muna ngayon ay magpaubaya
Hayaan ang lahat kay tadhanaMakasarili ako kung iyong tawagin
Kayat akin ng lulubusin
Nais kong mabasa sa mga mensahe mo
Ang mga katagang ito:" Mahal, Pinapatawad na kita,
Ngayon ay naiintindihan ko na,
Hindi madali para saakin ang tanggapin
Kayat hayaan mo sana akong ikay hintayin"(heartbroken feels)
-120219