Chapter 13

6.1K 158 17
                                    

PABABA pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang mga tawa na nagmumula sa dining area. It's 9 in the morning at ramdam ko pa rin ang pamimigat ng mga talukap ko. Antok na antok pa rin. Kumirot ang ulo ko kaninang mga quarter to 4 kaya dalawang oras lang ang naging tulog ko. Paggising ko naman ay wala na akong katabi.

How long did he slept? Is it enough though?

I shook my head. It's his choice.

Total hindi na rin naman ako inaantok ay nilinis ko na lang ang sugat ko. Pagkatapos ay nagbasa ng libro sa mini library ng kwarto. Tutok na tutok ako sa pagbabasa na hindi ko na namalayan pa ang oras. Namalayan ko na lang na humihikab ako at gusto na muling matulog. Ngunit nang napatingin sa oras ay nagulat na lang ako dahil magtatanghali na. I need to have my breakfast.

"Morning mom," bati ni Aki habang walang ekspresyon ang mukha pero nakikita ko naman ang tuwa sa mga mata.

Anak ko siya kaya alam ko kung paano siya basahin.

"Morning son" matapos siyang halikan sa pisngi ay dumiretso na ako sa coffee maker.

"Good morning iha. Nakaluto na ako ng almusal kaya pwede ka nang magbreakfast kung nagugutom ka na" nakangiting saad ng mommy ni Zykiel habang nagkakape sa kabilang dako ng mahabang mesa.

Namula naman ako dahil sa kahihiyan. Nandiyan nga pala ang mommy niya. Hindi ko naman sinasadyang hindi siya pansinin. Nawala lang talaga sa isipan ko at hindi siya napansin sa kanyang kinauupuan. Nasanay kasi akong si Aki lang at ako maliban kay Manang Tess kaya siya lang ang napagtuunan ko ng pansin.

"G-good morning ma'am."

"Ma'am?"

Nangungunot ang noong tanong niya at maya maya ay tumawa.

"Just call me tita. It is Tita Ella for you darling."

Ngumiti lang ako.

Napabaling naman ang tingin ko sa isa pang babae na nasa loob din ng dining area katabi ni Tita Ella. Hindi ko rin kilala. This past few days hindi ko na kilala ang mga tumatao sa pamamahay ko. Well, am I still the owner though? Do I still have the authority in this house?

"Morning! I am Shaina," pagpapakilala niya sa sarili nang mapansin ang titig ko.

Nginitian ko lang siya at binati ng magandang umaga.  Napakislot naman ako nang maramdamang may humawak sa maliit na parte ng likod ko. Ngunit nang mapakiramdaman ang naging reaksyon ng katawan ko sa hawak na iyon ay agad akong kumalma. Recognizing him. Is it even possible?

"Morning"  mababa at malamig na boses niyang bati. Hindi ko siya nilingon at itinuloy ang naudlot na pagtitimpla ng kape.

"Iho, nandito na ang sasakyan mo. Mauuna na ba kami ni Shaina na umalis?"

I tuned them down at tinabihan si Aki na patapos nang kumain. Hindi rin naman ako makakarelate sa pinag-uusapan nila. It is rude too. This is their house after all.

"Hindi ka pumasok? Pasensya na tinanghali ng gising si mommy."

Tumingin ito sa akin at bumuntong hininga bago pinunasan ng table napkin ang bibig. Like he just discovered about something.

"Dad transferred me to a new school"

Akma akong hihigop ng kape ngunit napaso ang labi ko nang marinig iyon sa kanya. Transferred! Bakit hindi ko alam 'to? Nagdedesisyon na lang ba si Zykiel ngayon nang hindi man lang ako kinokonsulta? Sino siya sa tingin niya? Oo, siya ang ama ni Aki pero may karapatan din ako sa anak ko lalo na't ako ang nagpalaki. He invited people here without my permission treating my house as if this is his and I didn't say any word against it. But not this one! Not my son!

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon