His Side
Bakit hindi na lang naging tayo?
Simula pa nung una kitang nakita, nagkagusto na ako sa iyo. Simula pa nung una kitang nakilala, napansin na kita. Kaya nilakasan ko ang loob kong kaibiganin ka. Walang nakakaalam sa mga kaklase natin na may gusto ako sa iyo. Ayoko naman din kasing tuksuhin tayo kasi baka maiba na ang trato mo sa akin.
Mapulang labi at ang iyong matingkad na ngiti ang nagpahulog sa akin. Bakit ba hindi na lang naging tayo?
Kahit may girlfriend na ako, ikaw pa rin ang nasa isipan ko. Kaya nga sinama kita sa date namin. Pinipilit mong 'di sumama dahil magiging third wheel ka lang sa paningin ng iba. Kesyo 1st anniversary namin. Buti na lang at napilit ka naming sumama. Napilit kasi nga ililibre ka.
Ngayon na may girlfriend na ako, hindi na kaya ako mahuhulog nang tuluyan sa iyo?
Mahal ko ang girlfriend ko. Totoo. Walang halong biro. Pero kapag nakikita kitang masaya, mas sumasaya ang araw ko. Ewan ko ba't ganito pa rin ang nararamdaman ko para sa iyo. Isa lang yata ang sagot. Siyempre, mas mahal kita higit sa inaakala mo.
Sa tuwing nakikita kitang may ibang kasama, unti-unting ding napupukaw ang selos sa puso ko. Ayokong may pinapansin kang iba. Ayoko. Basta ayoko.
Selfish ba ako?
Pilit kong sinasabi sa sarili ko na sapat na. Sapat na ang maging magkaibigan tayo. Sapat na ang maging malapit sa'yo. Sapat nang magkaroon ako ng puwang diyan sa puso mo kahit alam kong hanggang magkaibigan lang tayo.
Minsan naisip kong umiwas na lang sa iyo. Umiwas na lang para hindi na lumalim pa ang nararamdaman kong ito pero kahit anong gawin ko, para kang magnet. Hinahatak mo ulit ako kahit saan ka magpunta.
Isang araw, napansin kong hindi mo ako pinapansin. Bakit mo ako iniiwasan? Ayaw mo na ba sa akin? Gulong-gulo ako sa nangyayari sa atin. Anong nangyayari sa ating dalawa?
Simula noon parati na kaming nag-aaway ng girlfriend ko. Hindi na kami nagkakasundo, puro na lang kami bangayan. Kaya nakipaghiwalay siya sa akin. Mas okay na iyon kaysa parati lang kaming nag-aaway.
Napaisip ako, simula na ba ito ng istorya nating dalawa? Tayo na ba sa wakas?
Iyon ang akala ko. Hindi lang pala ang mga babae ang nag-aassume. Pati din pala kaming mga lalaki. Inassume kong magiging tayo. Inassume kong may pag-asa ako sa sa iyo. Inassume kong mamahalin mo din ako katulad ng pagmamahal ko sa iyo.
Kaya kusa na lang akong lumayo. Lumayo ako para sa ating dalawa. Lumayo ako para hindi masira ang ating pagkakaibigan.
Kaibigan lang naman din ang turing mo sa akin, hindi ba?
Magkakaayos pa kaya tayo?
Tayo na lang kasi.
xx

YOU ARE READING
Tayo Na Lang Kasi
Fiksyen PeminatMagkaibigang may pagtingin sa isa't-isa pero hindi masabi dahil natatakot na hindi sila parehas ng nararamdaman. Maging sila kaya? This is a work of fanfiction. Oh Sehun and Kim Sejeong are the characters/portraye. The contents of the story are out...