PAUNAWA: Hango sa tunay na kwento.
Isang lalaki ang nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang girlfriend. Sila kasi ng kaniyang mga barkada ay nagpasyang maglakwatsa papuntang Baguio noong mga panahon na iyon. Ngunit isang trahedya ang kanilang sinapit. habang ang kanilang sasakyan ay paakyat na sa matarik na daan papuntang Baguio, biglang nawalan ng control ang driver ng sasakyan. Bigla na lamang itong bumulusok sa pakurbadang daan hanggang sa nahulog ito sa bangin. Nakaligtas ang lalaki, ngunit hindi ang mga kasama niya, lalo na ang kaniyang girlfriend.
Higit isang buwan na ang lumipas at nagluluksa pa rin ang lalaki. Sa sobrang pagluluksa ay idinaan niya ito sa pamamagitan ng isang open letter sa Facebook. Halos 24 oras lang pagkatapos niya itong i-post ay nagkaroon ito ng mahigit tatlong libong likes at may mga 500 komento. Dumami ang nag-share ng kaniyang kuwento, at hindi nagtagal ay lalong bumaha ang mga komento ng mga kabataang nakikiramay sa binata. Umabot pa nga ito sa higit 100,000 likes at 20,000 komento. Sa kabila ng mga pakikiramay ng kapwa niya kabataan, patuloy na nagluksa ang binata.
Isang gabi, muli siyang gumawa ng isang open letter tungkol sa kaniyang pagluluksa. Ipinaliwanag niya dito na hindi na siya makapag-aral ng mabuti sa kaka-isip niya sa namayapa niyang girlfriend.
Nang mai-post niya ito sa Facebook, biglang lumamig ang buong paligid. Maya-maya pa ay nabalot ng liwanag ang kaniyang kuwarto. Nasilaw ang binata, subalit sinubukan pa rin niyang silipin kung anuman ang nasa liwanag.Bigla siyang napahagulgol, sapagkat sa liwanag na iyon ay nakita niya ang imahe ng kaniyang girlfriend na nakangiti, ngunit lumuluha.
Unti-unti niyang nilapitan ang kaniyang girlfriend na tila ba'y nagpaparamdam sa kaniya, at kinausap ito.
"Hanggang ngayon," aniya, "hindi pa rin ako makapag-move on...... Napabayaan ko ang sarili ko.... pati ang pag-aaral ko.... sapagkat sobrang nangungulila ako sa iyo..... Pakiusap, kung nasaan ka man.... isama mo na ako..... Miss na miss na kita!!!"
Yayakapin na sana ng binata ang kaluluwa ng kaniyang girlfriend, ngunit bigla itong nawala ng parang bula.
Naluluhang hinanap ng lalaki ang kaniyang girlfriend, na halos sinisigaw na ang kaniyang pangalan. Palingon-lingon siya sa bawat parte ng kaniyang kuwarto, nang may mapansin siyang isang papel na nakatiklop sa kaniyang desk. Nilapitan niya ito. Nakapangalan ito sa kaniyang girflriend, na tila ba naisulat para sa binata. Pinulot niya ito, napangiti ang binata at pinunasan ang kaniyang mga luha. At kaniya itong binasa.
*
*
*
*
*
*
EH GAGO KA PALA, EH! SO KASALANAN KO KUNG BAKIT BAGSAK GRADES MO?! ANG SABIHIN MO, INUBOS MO PANAHON MO KAKAPOST NG MGA SHIT MO SA FACEBOOK. MOVE ON KA NA NGANG TANGINA KA!
P.S.
MATUTO KA SA NANGYARI SA AKIN. #AralMunaBagoLandi
Sa sobrang pagdadalamhati sa sulat na iyon ay hindi na nakayanan pa ng binata ang kaniyang sariling damdamin. Kumuha siya ng kutsilyo at nilaslas ang kaniyang pulso. Namatay ang lalaki, umaasang muli silang magkakasama ng kaniyang girlfriend sa kabilang buhay.
But in the end, hindi rin sila nagkasama.
Bakit kanyo?
Kasi nasa langit yung babae.
MORAL OF THE STORY : #WalangForeverBitch
BINABASA MO ANG
A Tragic Love Story (thedrift1988)
Teen FictionAba, siyempre, hindi mabubuhay ang Wattpad stories kung walang prologue. Hello, I'm thedrift1988. Hindi ko first time magsulat ng isang istorya. In fact, may account rin ako sa isang Fan Fiction site. Anyways, Ito ang kauna-unahan kong one-shot sto...