"Pamilya Enriquez"
Linggo nanaman ang araw kung kelan nagsasama sama ang pamilya Enriquez upang pumunta sa lingguhang misa sa kanilang bayan.
"Sabrina matagal ka paba diyan?" rinig ni Selestina ang tawag ng kanyang ina sa kanyang nakababatang kapatid.
Bago buksan ang kanyang pintuan inayos niya muna ang kanyang puting bistida na tama lang ang sukat hanggang baba ng kanyang tuhod.
Nang buksan niya ang kanyang pinto bumungad sa kanya si Sabrina na inaayos din ang kanyang damit. Nanlaki ang mata ng dalaga nang makita ang suot ng kapatid.
Naka itim itong bistida na hapit na hapit sa kanyang katawan at hanggang hita niya lamang ito.
Sabay silang bumaba sa kanilang engrandeng hagdanan.
"Hindi magugustuhan ni Ina yang suot mo Sabrina" sabi ni Selestina sa kanyang kapatid.
"Why do you care?" sagot naman nito. Alam nito na malaki ang galit sa kanila ng kapatid niyang si Sabrina dahil palagi nalang itong nakukumpara sa iba pa niyang kapatid sinusubukan niyannamang maging mabuting kapatid dito ngunit talagang matigas ang ulo.
Bago pa man sila makababa ay sinalubong na sila ng nakataas na kilay ng kanilang ina.
"What the hell are you wearing Sabrina?" tanong ng kanilang ina.
"A dress mom" sagot nito sa kanilang ina na lalong nagpagalit dito.
"Go to your room and change, bilis! " itos ng kanilang ina.
Si Ginang Margarette Hermohenes-Enriquez ay asawa ng Gobernador ng Isla De Merced na si Samuel Enriquez, sila ang magulang nina Selestina, Seline, Sabrina at Samantha ang pamilya nila ay puno ng kapangyarihan at pera.. Iginagalang sila ng lahat ng tao sa isla at hindi na bago yun kay Selestina, ever since the day she and her sister was born nakatutok na sa kanila ang mga camera ng media.
Kalaunay hindi na bumaba si Sabrina kahit ilang bese pa itong kinatok ng mga katulong kaya napagpasyahan na lamang siyang iwan.
"Mom where's dad?" tanong ni Samantha ang bunsong anak ng mga Enriquez.
"Your father is busy with his work Sam, sit properly will you" sabi ng kanilang ina habang nakatingin sa rare view mirror ng kanilang kotse.
Selestina know that his father is not busy with work but with his woman.
She is now 25 at alam niya kung ano talaga ang nangyayari. She saw it with her own eyes her father making out with his secretary at hindi lang ito, minsan nagdadala pa ng ibang babae sa kanilang bahay.
Ngunit hindi ito pinapansin ng kanilang ina dahil mas binibigyang prioridad niya ang pangalan ng pamilya.
Her mom would always say that An Enriquez should always look perfect in the eye of the public.
Sabrina never believe that saying kaya nga gumagawa ito ng mga kalokohang nakakapagpataas ng kilay ng kanilang ina.
Nang makarating sila sa Simbahan ng St. Louis ay dinumog agad sila ng mga tao buti na lamang meron silang mga body guard at hinawi ang mga ito.
"Madame Marga dito po." turo ng baklang alalay ni Ina na si Melvin sa bakanteng upuan malapit sa altar.
"Andito na ba si Samuel?" rinig kong tanong ni Ina dito.
Binulungan naman ni Melvin ang kanilang Ina ngubin hindi niya nalang ito pinansin at nakinig na lamang sa misa.
Kalagitnaan ng sermon ng pari ng dumating ang kanilang ama.
"Hindi ka na talaga nahihiya Samuel pati ba naman dito sa simbahan." bulong ni ng kanyang inang katabi niya lang.
Natapos ang misa nang hindi na muling nagusap ang magasawa.
Hindi pa man nakakalabas ang pamilya Enriquez ay dinumog na sila ng mga tanong mula sa mga reporters.
"Gov. Samuel bakit hindi po kayo sumabay sa inyong mag-iina?"
"He was too busy with work." sagot ng kanilang ina at ngumiti.
"Nasan po ang inyong anak na si Sabrina bakit hindi niyo po siya kasama?" tanong ng isa pang reporter.
Walang pumansin sa tanong at hindi rin naman ito napansin ng mga tao at reporters.
"Kamusta na po si Seline sa New York?"
"She's doing fine, she'll be coming home next month" sa puntong to ang kanilang ama naman ang nagsalita. Napatingin si Selestina dito, wala namang sinabi ang kanilang magulang na babalik na ang kapatid niyang si Seline.
Si Seline ang pinakapaborito ng kanilang magulang dahil ito ang pinakamatalino at maraming karangalang naiuuwi sa pamilya.
"Ano po ang balak niyo Gov nauungosan na ng Mercado Enterprises ang inyong kompanya."
"This is not the right place to talk about that." nakatawang sagot ng kanilang ama.
"Gov totoo po ba na may affair kayo with your secretary" nakita ni Selestina ang pagkagulat sa mata ng kanilang Ina at ama. Buti na lamang at busy si Samantha sa paglalaro ng video games sa kanyang cellphone kaya di niya napapansin ang nagyayari.
"Selestina bring your sister with you pumasok na kayo sa kotse" bulong sa kanya ng kanilang ina.
Hindi na nagatubili pa si Selestina at isinama na ang kapatid papasok sa kanilang kotse.
Nang makapasok ang kanilang ina sa kotse walang imik ito ngunit kita mo ang galit sa kanyang mukha.
Naging tahimik lang ang kanilang biyahe pauwi walang isa ang nagtangkang magsalita.
Nang makauwi duon lumabas ang galit ng Ginang.
"Look what you've done Samuel pano na lang pag nalaman ng media? Huh?!? Na yung kagalang galang na Gobernador nila ay isang babaero!" Kita mo sa mata ng kanilang ina ang galit pati ang lungkot nito.
She only wanted a perfect family, be a perfect wife a mother to have a perfect life. At alam iyon ni Selestina kaya nga she's doing the best she could para lang at least mapasaya ang kanyang ina.
"Mom.." lalapit sana sa kanyang ina si Samantha.
"Don't worry anak mom's fine go to your room" nginitian niya ang kanyang anak matapos punasan ang kanyang luha.
"Ma.." tawag ni Selestina sa kanyang ina.
"Later Seles... Mamaya nalang tayo magusap" sabi nito at tuluyan na siyang tinalikuran at umakyat sa kanilang kwarto.
Akmang aakyat narin siya sa kwarto ng bigla siyang tawagin ng kanyang ama.
"Anak.." sabi nito kita sa mata nito ang guilt sa nangyari kanina.
She knows na magso-sorry ito, ngunit sa panahon nato hindi dapat sa kanya kundi sa kanilang ina ito humingi ng tawad.
"Dad, kay mom ka magsorry wag sakin" at tuluyan ng umakyat sa kanyang kwarto.
The Enriquez - - a perfect example of a perfect family, power, beauty, intelligence and money ngunit lingid sa kaalaman ng marami.. Ang pamilya din ay may tinatagong mga sikreto. Na hindi talaga sila perpekto.