Chapter 18 ~ A Not So Happy Birthday

33 1 0
                                    

Chapter 18 ~ A Not So Happy Birthday

Hinabol namin palabas ni Kiel si Hero. Medyo malayo na rin ang narating naming dalawa at hindi namin alam kung saan kami papunta. Mabilis din tumakbo si Hero.

“Nasaan na siya?” sabi ko nang mawala sa paningin namin si Hero.

“Lumiko siya sa may iskinita eh.” Sabi ni Kiel na medyo hinihingal na. Baka kung mapano si Hero.

Miss Marissa calling …

Biglang nag-ring ‘yung cellphone ko, tumatawag sakin si Miss Marissa(kinuha niya kasi ‘yung cllphone number ko sa ospital). Sinagot ko ito.

“Hello –”

“Hello, Apryl?”boses iyon ni Miss Marissa. Naiiyak ‘yung boses niya.

“Hello po, Miss Marissa. Napatawag po kayo?”

“Si Hero… Bumababa ‘yung count ng heartbeats niya.” Napatigil ako sa nalaman ko. Nanghihina ang katawan ni Hero.

“Tatagan ninyo po ang loob ninyo Miss Marissa. Hingiin ninyo lang po ang tulong Niya at magiging maayos po ang lahat.” Sabi ko.

“Sige, maraming salamat sa’yo.”

“Ano raw ang nangyari?” tanong ni Kiel.

“Nanghihina ang katawan ni Hero.” Sagot ko.

“Kaya siguro nakakalimutan na siya ng mga taong hindi malalim ang koneksyon sa kanya. Nanghihina na ang katawan niya, ibig sabihin ‘pag mahina ang katawan –”

“Manghihina rin si Hero na wala sa sarili niyang katawan.”

Lord, kayo na pong bahala kay Hero. Sana naman po maging maayos ang lahat.

“Alam ko na kung saan siya pupuntahan.” Sabi ni Kiel. Sinundan ko siya. Mukhang tama ang hinala ko. Nakarating kami sa park. Nakita namin si Hero sa may playground. Nilapitan namin siya.

“Hero.” sabi ko. Tumingin siya sa amin. Masyado siyang bata para sa mga pangyayaring ito.

“Mama, Papa.” sabi niya ng naiiyak. Nilapitan ko siya at niyakap.

“Shhh. Nandito lang si Mama at Papa para sa’yo.”

“Ang lungkot po ng birthday ko.” Sabi niya. Oo nga pala, ngayon ang kaarawan niya.

“Eh ‘di papasayahin namin.” Sabi ni Kiel.

“Paano po? Tayong tatlo lang tsaka wala po akong cake.” Sabi ng kawawang bata.

I Will Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon