CHAPTER SIX"Anong kailangan mo?"
taong ng isang boses lalaki na nagmula sa kanyang likuran.Naka leather jacket at nakasumbrerong lalaki ang nakita nyang nakatayo mula sa kanyang likuran.May katangkaran ito,kung hindi sya nagkakamali ay six footer din ito.
Tinitigan sya nito mula ulo hanggang paa. Yumuko ito at ngumiti saka nag angat ng tingin pero sa pagkakataon na yon ay hindi na ito nakatingiti. Bagkus ay seryoso na itong nakatitig sa kanya.Muli syang sumulyap sa bahay na nasa kanyang likuran.
"Hindi ko kabisado ang lugar at mukhang naliligaw na ako. Magtatanong lang sana ako kung saan ang daan palabas dito."sagot nya.
Humakbang ito palapit sa kinatatayuan nya nang Hindi inaalis ang tingin. Hanggang sa nilagpasan na sya nito.
"Hindi ka taga rito"
pahayag nito."Ganoon na nga."
agad naman nyang dugtong.Napansin nyang nakatuon ang paningin nito sa kabayong dinala nya matapos ay tumitig sa kanya.
"Horse fancier?"
tanong ni Yun Shin sa sarili habang sinusuri ang kaharap.
"ani...imposible naman na magnanakaw din sya."
"Diritsuhin mo lang ang daan na yan sa bandang dulo kumaliwa ka may makikita kang nag iisang malaking puno ng Melokoton diritsuhon mo yon naroon ang labasan."
sabi nya dito."Salamat."
matipid nitong sagot saka umangkas sa dala nitong kabayo. Hinatid nya ito ng tingin palabas ng bakod nila bago sya pumasok sa loob ng bahay.Hindi naman mapalagay si Jun Hyun sa kakaisip sa lalaking nakaharap nya habang binabaybay nya ang daan pabalik sa villa.Kung sino ito at kung bakit sumulpot na lang din ito bigla doon.Kakaiba ang nararamdaman nya nang makita nya ito lalo na kung paano sya titigan nito. Bigla na lang kasing bumilis ang pagtibok ng puso nya at nakaramdam sya ng kaba.
Hindi naman talaga sya naligaw, alibi lang nya iyon para hindi sya nito mahalata sa totoong dahilan kung bakit nakarating sya sa lugar na yon.
"Choon Hee"
anas ng isip nya.
At doon lang bumalik sa realidad ang isip nya. Agad nyang mina-obra ang kabayo pabalik.
Samantala, nauntog at naitulak ng pintuan si Choon Hee nang bigla itong bumukas kung saan nakasandal sya at nakapihig ang kabilang taenga.
Si Yun Shin ang nakita nya,mukhang nagtataka rin ito kung anong nangyari sa kanya.
Tiningnan nya ito ng masama.
"Anong ginagawa mo dyan sa likod ng pinto?"
inosenting tanong nito sa kanya.Embis na sagutin ito ay sumilip sya sa labas at hindi na nya nakita ang hinahanap ng kanyang mga mata.
"Yung lalaki nasan na?diba may lalaki sa labas?"
tanong ni Choon Hee dito.Tumingin ito sa kanya.
"Bakit nakita mo ba sya?" tanong din nito sa kanya."Ani," No,
pagsisinungaling nya."Narinig ko lang na may kausap ka sa labas, Sino yon?"
patuloy pa nya."Naligaw,nagtatanong lang."
Sagot nito."Naligaw?"
hindi makapaniwalang turan nya dahilan para mapatingin sa kanya si Yun Shin."Ano.. ang ibig kung sabihin naligaw siguro bago yon dito o baka naman dayo yun kaya naligaw diba,"
anas nya para hindi sya pagdudahan nito.
BINABASA MO ANG
CEO's LOVER
RomanceAnong kayang gawin ng isang taong umi-ibig? You can't choose if who,when and where you fall in love.But Kwon Jun Hyun fall in love to the girl that he cannot fall for. Lahat gagawin nya para sa babaing bumuhay ng pagkalalaki nya at bumihag sa puso...