Lagpas one year ko sinulat ‘tong story na I Will Never Forget kasi sobrang busy ako sa school at minsan may writer’s block pa ako. Unang pumasok ‘tong story na ‘to last year around September. Nag-iisip ako ng isang magandang story hanggang sa makabuo ako ng pagkakasunod-sunod ng event. Maikli lang talaga ‘yung balak ko eh, kaso hindi ko alam na hahaba pala ‘pag tina-type ko na. Alam kong hindi ako magaling na writer pero binuhos ko lahat ng kaya ko sa pagsulat ng story na ‘to. Pinagsama ko ‘yung Teen Fiction, Romance at Fantasy sa story na ‘to. Gaya nga ng sabi ko sa umpisa, inspired talaga ‘to ng Clannad na anime.Isang POV lang ‘yung ginamit ko kasi mas madali ‘yun. Masaya ako na nakatapos na rin ako ng isang story (sa wakas!). Marami pang flaws ang story ko na ‘to at hindi ko pa rin alam kung tama ‘yung pagkaka-type ko sa iba. Kung iniisip ninyong walang forever, well, naniniwala ang Author na merong forever dahil wala ‘tong Book 2 na bigla na lang magkakahiwalay sina Kiel at Apryl tapos kung ano-anong conflict ang lalabas.Ako na mismo ang nagsasabi na magkakatuluyan sina Apryl at Kiel sa future at sila na talaga ang para sa isa’t isa. Ayun, maraming salamat sa mga nagbasa hanggang dulo.
Eto naman ‘yung pananaw ko sa mga tauhan sa istoryang I Will Never Forget:
Apryl/ Dara(para kay Kiel)
Babae ‘yung main character ng story kasi para sa akin tingin ko mas fit ‘yung babaeng voice sa story na ‘to. May pinagbasihan ako sa character na ‘to. I described her bilang beauty and brains and at the same time mabait. Matalino siya (obvious naman, perfect niya ‘yung mga exams), mabait rin siya sa lahat, tsaka ‘yung ganda niya, simple lang ‘yung tipong plain Filipina looks. Si Apryl ‘yung taong masyadong nagiging attached sa mga taong napapalapit sa kanya. Masaya naman ako sa character ni Apryl sa istorya. Maaaring ideal girl siya para sa iba.
Kiel/ Kian
Si Kiel ang ideal self ko (lalaki po ang author kung hindi ninyo alam). Parang ako talaga si Kiel dahil feeling ko ako mismo siya. Medyo may pagka-Hopeless Romantic ako kaya sa kanya ko pinakita ‘yung pagiging sweet ko (Hahaha). May pagka-mysterious type siya kasi nga siya ‘yung kababata ni Apryl. Hanggang yakap lang ang pwede sa story ko dahil bata pa sila. Ginawa ko siyang mabait at hindi bad boy kasi halos lahat na lang ng stories gan’un. Tsaka gaya ng ng sinabi ko, gusto ko lang maging simple ‘to.
Hero
Pinaka-favorite ko si Hero sa story na ‘to. Siguro dahil ang bata niya pa at ang innocent niya pa. Habang sinusulat ko ‘to, iniimagine ko si Hero bilang isang cute na cute na bata. Nung una, undecided pa ako sa edad niya. Una dapat mga eleven pa siya kasi naisip ko kung seven siya baka ang matured niya mag-isip, pero may napanood akong video ng batang three years old at matured rin mag-isip. Kaya naisip ko na baka pwedeng maging gan’un din si Hero. Dahil nga based rin ‘to sa Clannad, si Ushio (na anak ng main characters), matured din mag-isip kaya ‘yun.
Kurt
Sa lahat ngcharacters sa story na ‘to siya ‘yung pinaka-hindi planado. Bigla na lang habang nagta-type ako naisip ko kailangan ng karibal ni Kiel. ‘Yun talaga ‘yung pumasok sa isip ko at ‘yun, nabuo si Kurt bilang isa sa mga characters ko. Ginawa ko siya bilang isang heartthrob-smart guy na misunderstood. Oo, misunderstood siya ni Apryl dahil akala ni Apryl, rival ang tingin sa kanya ni Kurt, which is hindi naman pala. Siya ‘yung part ko na parang nagsisisi kasi naging duwag at torpe at hindi agad nasabi ‘yung nararamdaman. Naisip ko rin na kailangan may akalain ang readers na totoong Kian. Bali unexpected talaga ‘tong si Kurt pero overall okay naman ako sa resulta ng paggawa ko sa kanya.
Bullet, Ai, Fille, Four
Ang mga kaibigan ni Apryl na bumubuo sa F5. Wala silang masyadong parts dito kasi hindi ko alam kung saan sila isisingit. Hindi joke lang, naisip ko lang na hindi naman kailangan pa silang ma-involve ‘dun kay Hero kasi magiging komplikado. Nagbabalak akong gumawa ng isang story na isa sa kanila ang main character kaya abangan ninyo na lang kung sino. Kaya ninyo bang hulaan?
Nicole
Siguro nagtataka kayo kung bakit pambabae ang pangalan niya. May kakilala talaga ako na Nicole ang pangalan pero lalaki kaya ‘yun, naisip ko na magandang maglagay din ng gan’un sa story (wala lang, ang kulit kasi ng pangalan niya). Siya ‘yung best friend ni Kiel na kwela at happy-go-lucky lang (pero matalino).
Raine
‘Yung baliw na pinsan ni Kiel. Natatawa ako sa character ni Raine kasi parang siya ‘yung isa kong kaklase. Inspired din siya sa isa sa mga kakilala ko. Extra lang din talaga siya sa story na ‘to.
Miss Marissa and Kuya Jiro
‘Yung adviser nila na ate pala ni Hero. Panganay rin ako kaya madali ko lang na-voice out ‘yung character ni Miss Marissa na nag-aalala kay Hero. Si Miss Marissa ‘yung teacher na mabait at madaling i-close ng mga estudyante. Si Kuya Jiro naman ‘yung typical boyfriend na nag-aalala sa girlfriend niya. Pinakita ko lang sa character nilang dalawa kung paano ‘yung relationship nila Kiel at Apryl sa future.
Q
Ang character na bigla-bigla na lang sumusulpot at bigla-bigla na lang din nawawala. Sinama ko lang siya rito kasi naisip ko lang na may appearance siya (hahaha). Sa ibang story din talaga siya pero naisip ko lang na magandang dito ko na rin siya ipakita. Sa dulong part, siya ‘yung nagsaboy ng paper swans (oh ayan na, sinagot ko na). Mysterious talaga siya kasi nga naman anong ibig sabihin ng Q na name? Ewan ko ba pero resulta siya ng imagination ko.
Mama at Papa ni Apryl, pati ‘yung mga kapatid niya (Arth, Arissa, Alysse)
Ang pamilya ni Apryl na may malaking part din sa story. About family life din kasi ‘tong sinulat ko. Lahat silang magkakapatid, letter A kaya siguro A din ‘yung pangalan ng mama at papa nila (wala kasi akong maisip na pangalan para sa mga magulang nila).
Summers, Third, Darrell, Fils (read as Fis)
‘Yung iba pang tropa ni Kiel sa SMP (Samahan ng Mga Pogi). Wala rin silang appearance dito. Nabanggit ko lang sila sa isang chapter. Pinakilala ko lang na may tropa rin naman si Kiel kahit papano. Oh bibigyan ko na kayo ng clue, isa sa kanilang apat ang main character sa susunod na story ko.
Ate Jom
Nabanggit siya sa isa o dalawa sa mga chapters. Alam kong magtatampo kasi siya kung hindi ko siya babanggitin dito. Totoong tao siya, best friend ko po siya in real life. Ayun, isa siya sa mga naging groupmates nila Apryl sa isang project.
Audrey
We all have this classmate na sobrang GC (grade conscious) at competitive kaya naisip kong maglagay ng isa at si Audrey nga ‘yon. Wala lang din naman siya rito kundi isang competitive student na gustong maging first. Alam naman natin na hindi competitive si Apryl kaya hindi niya na masyadong inintindi ‘to si Audrey.
I Will Never Forget
©CityHunter18 (wattpad) || D.G.A
ALL RIGHTS RESERVED 2013-2014
BINABASA MO ANG
I Will Never Forget
Novela Juvenil"Minds can forget, but our hearts can't" Apryl is a high school student who met a guy. She never imagined she'll fall for someone. She thought her life would be normal, but then, she was wrong. One day they met a child and their so called 'normal' l...