CHAPTER 2: TO SEE THE FUTURE IS…
“Bakit mo pa kailangan mag-aral, Reese? You’ll pass anyway,” Ani Celine at ngumiti.
Napailing si Reese sa sinabing iyon ng kaibigan at gumanti ng ngiti dito, “Sort of pretensions? I mean, para naman kahit papaano maging normal ako sa paningin ng iba.” Sagot niya at nagkibit-balikat.
Reese knows that she’s not normal like everyone else. She has accepted that long time ago. But there are times na hindi niya maiwasang hindi mainis, magalit, mapikon at malungkot kung bakit kakaiba siya sa lahat. Hindi niya nga alam kung nag-iisa lang ba siya sa mundong ito na ganoon o baka meron pang iba ngunit hindi niya pa lang nakikilala. Hinihiling nga niya na sana ay may makilala siya na katulad niya para naman merong taong makakaintindi sa nararamdaman niya.
“What’s with your question, Celine? Parang hindi mo naman alam kung bakit.” Sita ni Ellise kay Celine matapos tumigil sa pagbabasa ng notes nito.
“Wala lang. Naisip ko lang itanong. Isa pa, tayong tatlo lang naman ang nandito sa school park kaya hindi naman na niya kailangan mag-pretend sa harap natin.” Sagot naman ni Celine at apologetic na tumingin kay Reese, “Sorry Reese if na-offend kita sa tanong ko.”
Muling ngumiti si Reese matapos saglit tingnan si Celine, “It’s okay. Wala namang masama sa tanong mo.” Aniya dito.
“Thanks, Reese.” Ani’to at ngumiti sa kanya.
Muli silang natahimik na tatlo at nagpatuloy sa pagre-review nang basagin ulit ni Celine ang katahimikan.
“You know what, gusto ko talaga ‘yang ‘talent’ mo, Reese. I mean, everyone wants to know what’s in their future pero ikaw, you have the ability to see that ng walang kahirap-hirap. Nakaka-amaze lang,” Ani si Celine sa kanya at nakangiting nangalumbaba sa mesa.
“I agree with you on that, Celine.” Ani Ellise at tumingin na din sa kanya, “Hindi lang basta-basta future. She can also see a person’s background. How cool is that? Tinalo mo pa si Madam Auring at Nostredamus sa talent mo, friend.” Dugtong nito at nakangiting pumalatak.
Napailing si Reese sa dalawang kaibigan, ‘If you only knew how difficult it is to be like me…’ She said to herself.
Hindi madaling maging ‘siya’. Iyon ang totoo. Dahil kung gusto ng kahit na sino na maging siya, kailangan nilang maging matatag at bawal ang maging mahina. Dahil kung hindi, kakainin sila ng buo ng abilidad na meron siya na maaaring maging resulta ng pagkasira ng utak or worst--pagkamatay nila.
“Tapos na ba kayo magreview? It’s almost time.” Pag-iiba niya ng usapan. Nakita niyang tumingin si Celine sa wristwatch nito at nanlaki ang mata nito.
“Goodness gracious! Halina kayo! 5 minutes na lang pala at mag-uumpisa na ang exam!” Ani’to at mabilis na tumayo at nagligpit ng gamit. Ganoon din ang ginawa nila ni Ellise at matapos noon ay mabilis na pumunta sa kanilang classroom.
---
“Pwede na ba akong lumabas, Miss?” Tanong ni Reese sa kanilang guro matapos ibigay ang test paper dito. Wala pang 5 minutes ay tapos niya ng sagutan iyon. Nagpalipas muna siya ng sampu pang minuto bago siya nagdesisyon na tumayo at ibigay iyon sa kanilang teacher.
BINABASA MO ANG
She's a Fortuneteller
Novela JuvenilMeet Reese. Your no ordinary girl. --- ©yellowpencil 2014