Chapter 6

21 1 0
                                    


Bottled Water


Kiana's POV

"Omygod!"
"Woah!!!"
"Woah tangina lupet!"
"Nice one!"

Agad akong umalis sa pagkakaibabaw ko sakanya at tumayo tsaka tumakbo dahil sa pagkapahiya narinig ko pa si Sammy na tinatawag ang pangalan ko. Nakita ko pang tawa ng tawa si Greg habang nakahawak sa tiyan niya. Peste!

Agad akong dumeretso sa CR ng mga girls at buti nalang walang tao dun. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at pinunasan ang labi ko at nag mumog na din.

Y-Yung grey niyang mata aahhhh shit bakit ganito, bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko ang abo niyang mga mata shiittt! fvckshit bullshit pushit bwishit lahat na ng shit waaaaaaahhhh!!!

"Hoy okay ka lang?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Sammy. Nung makita ko siya sa likuran ko ay agad ko siyang niyakap.

"Gaga ka ba? Tanong pa ba yan? Mukha ba akong okay pagkatapos ng mga nangyari?" Sigaw ko sakanya. "Huhuhuhu! Sammy yung first kiss ko!! May na kakuha na huhuhuhu! Ninakaw niya yung first kiss ko! Sammy ano na gagawin ko??!!" Agad niya akong binatukan sa pinagsaaabi ko.

"Ikaw yung gaga! Baliw ka'ba? Aksidente yung nangyari hindi nya ninakaw shunga!" Sigaw niya habng pinapanlakihan niya ako ng mata.

"Eh pano na yan? Panigurado akong pagtitinginan ako nito pag lumabas ako at panigurado ding pagbubulungan ako." maluha luha kong sabi shet parang gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon pa lang.

"Eh tatanga tanga ka kase! Kaya ayan natural at usap usapan ka na nyan sa campus halikan mo ba naman si Khalid eh." Sabi niya sabay irap. "Geez, tara na nga! Gutom na ako kanina pa kita iniintay e, tapos gumawa ka pa ng eksena mo kaya tara na baka ikaw ang makain ko!" Hinawakan niya ang kamay ko at hihilahin niya na sana ng bigla kong higitin ang aking kamay.

"Teka nga! Kaibigan ba talaga kita ha?! At anong hinalikan ko si Khalid?! Siya kaya ang humalik sakin!" Sigaw ko sakanya.

"Ay teh anong gusto mo? Magwala din ako kagaya mo? Maging OA din?! No way!" Irap niya sakin, "At tsaka sino ba ang nakapaibabaw sainyo kanina ha? Diba ikaw?! O sino ngayon ang humalik?!" Balik na tanong niya sakin.

Bigla akong namula sa sinabi niyang 'pumaibabaw' word feel ko tuloy kasing kulay na ako ng kamatis shit! Putrages ka Sammy! Buset!

"Ohhhhh!" Mahabang banggit niya sa 'oh', "At baaaaket ka namumulaaaa ngayooon?!" Nanunukso niyang tanong.

"Tanginaka!" Sabi ko at lumabas na ng CR pero agad din akong napahinto ng nakalabas na ako. Shit!

"Oh bat ka napahinto?" Tatawa tawang banggit ni Sammy, "Kahiya ano?" At humagalpak na siya sa kakatawa.

Bwiset walang kwentang kaibigan! Sa sobrang bwiset ko nakalimutan ko na yung eksena kong ginawa kanina. Agad umakbay si Sammy sakin pero agad kong tinabig ang kanyang kamay.

"Eto naman tara na nga! Gutom na ako at 30 mins nalang tapos na ang break time kaya tara na dahil gutom na ako!" Hila niya sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila sakanya.

Papasok na dapat kami ng cafeteria pero agad akong napahinto dahil pinagtitinginan ako ng mga tao shit! Lupa bumuka ka ngayon at kainin ako now na!

Naramdaman ko ang kamay ni Sammy sa aking baba na unti unti niyang itinataas.

"Shit ka!" Pabulong kong sigaw sakanya pero kinindatan niya lang ako.

"Wag ka mag-alala subukan lang nila ibuka yang bibig nila papasakan ko yan ng bulak kaya chin up!" Sabi niya na agad ko namang sinunod.

How They Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon