Chapter 38: love-struck

8.5K 312 62
                                    

.•° ✿ °•.

"Don't you run away just because you're afraid of something that feels out of control.
We can take our time, just give it a try cause there's no harm in taking it slow.
We don't know what love is up to these days but it sure seems like its hanging around.
So won't you say you'll stay even though we don't know what this is all about.
Guess we'll just have to wait
what we are we will eventually figure out and all I know is that I want to be next to you."

Say you'll stay by Melissa Polinar

°•. ✿ .•°


Diana's POV

Sa lahat ng direksyong matignan ko ay may mga alitaptap na sobrang liwanag, para silang nagsasayaw. It was so captivating, nakakataba ng puso na isiping ako palang ang dinala ni Nephra dito. May sentimental value daw kase ang lugar na 'to sakanya.

Inayos nya ang pagkakatakip ng jacket sa katawan ko, hindi ko rin alam kung paano kami nagkasya sa iisang jacket. Nung una nahihiya pa ako pero kalauna'y nasanay din. Para akong isang paru-paro na nakabalot sa isang cocoon, ligtas at protektado.

Niyakap nya ako sa likod.. I felt the little sparks of static over my skin at the feeling of her body pressed against mine. Ewan ko pero sobrang thrilling at nakapagpapataas talaga ng adrenaline ang mga haplos ni Nephra.

Naibsan narin ang lamig sa katawan ko, pero nakapagtataka kasi kahit na hindi na ako nilalamig.. nanginginig parin ako. Siguro dahil sa epekto ng yakap nya and the nearness of her.

Sana palagi kaming ganito, I could stay like this forever..

..

***

Early Morning..

"Goodmorning." Isang raspy voice ang narinig ko,  halatang bagong gising lang din ang taong gumigising saakin.

Binalewala ko iyon, hindi ko iminulat ang mga mata kong inaantok parin.

"Wake up, sleepy head." Pilit parin ako nitong ginigising.

Umungol lang ako bilang tugon, kase parang half asleep pa talaga ako.

"Diana.. kailangan mo ng magising, tayo ang magluluto ng breakfast today at may hiking pa tayo mamaya remember?" Naramdaman ko ang marahan na pagpindot ng daliri nya sa ilong ko.

Kaya kahit na hirap ay pilit kong iminulat ang mga mata ko.

Ang magandang mukha ni Nephra ang agad na bumungad saakin, at ang lapit ng mukha nya sa mukha ko..

"Hayy.. nasa langit naba ako? Para kasing anghel ang babaeng nasa harapan ko ngayon." Hindi ko maiwasang ngumiti kahit na inaantok parin at wala sa wisyo.

"Tulog mantika." Sabi nito habang mahinang tumatawa, "Tumutulo pa yung laway oh.." Okay lang saakin ang maistorbo ng tulog kung ganito naman kaganda ang gigising sakin.

Wait!

Laway?!!

Shit! Nakalimutan kong nasa camping nga pala ako!

"Nasa camping ka Diana! Wala ka sa langit. Sa camping!!" Agad na asik ng utak ko.

...

Biglang nagising ang diwa ko ng ma-realized ko kung nasaan ako, kanina pa pala ako tinititigan ni Nephra ng ganito ang mukha ko! Magulo ang buhok at tulo laway. Muntik na tuloy akong mahulog sa kama sa matinding panic.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon