*A/N: Hello!!! Dahil birthday ko today (November 21) ito na po ang update, sorry po kung natagalan.... Please do VOTE and COMMENT po..Salamat!! and spread the love that comes from here...*
Gab's POV:
"Wala na bang nakalimutan?" tanong nya sakin nang makasakay na kami sa loob ng kotse nya.
"yes, san pala natin sila kikitain?"
Papunta kami ngayon sa Nasugbu Batangas Province. May beach club resort daw doon ang pamilya nila Tyron. Himala nga eh, biglaan pero pumayag na rin ako, kasama naman namin yung mga kaibigan ko at mga kaibigan nya.
"doon na mismo sa resort, alam naman nila Luke kung saan iyon. Don't worry wife kasama na nila ang mga kaibigan mo." then he smiled at me.
"Goodafternoon Sir Tyron, kanina pa po namin kayo hinihintay." Nakangiting salubong samin ng mga staff ng naturang resort.
"maligayang pagdating po" dagdag pa ng isa sa mga staff, manager siguro. Tanging tango lang ang naging sagot ni Tyron =____=
Hindi rin nagtagal at nagsi-balikan din sa kanya-kanyang trabaho ang ilang sumalubong samin.
"Gab!!!! this place is awesome!!! perfect!" masayang bati sakin ni bakla sabay yakap. Nauna na silang dumating samin dito sa resort.
"this is very exciting! 5 days tayong magkakasama sa mala-paraisong lugar na ito" ani Nicole.
"oh'sya mamaya na tayo magkwentuhan--" parang may kulang. "nasan nga pala si Yzha?" nagtatakang tanong ko.
"nasa suite nya pa, hindi matapos tapos sa paglalagay ng sunblock" Nicole gigglingly answered.
"ganoon? sige aakyat na muna kami." paalam ko sa dalawa. Nakatayo sa di kalayuan si Tyron habang naghihintay sakin.
"Rm.414 ang room mo wife, sa 415 naman ang akin" aniya pagkalapit ko sa kinatatayuan nya sabay abot ng susi sakin, pero agad nya naman itong binawi. Napatingin naman ako sakanya na may pagtataka. "or mas gusto mo na sa iisang suite nalang tayo? doon nalang kaya tayo sa VIP room sa pinakataas?" then i saw a playful glints in his eyes.
"baliw.." i mumbled.
"i'm serious wife -___-" aniya.
"lets have a separate rooms, anytime pwedeng kumatok, pumasok at tumambay ang mga kaibigan ko sa kwarto kung nasaan ako." mahabang paliwanag ko.
"i'll tell them not to do that"
"Tyron..." i warned him.
Kahit na sa iisang kwarto na kami natutulog sa mansyon dapat magkabukod pa rin kami ng kwarto pagdating sa ibang lugar. Wala naman akong paki sa sasabihin ng iba eh, yun lang ang gusto ko kahit ilang beses ng may nangyari samin >\\\_\\\<
"fine fine..." tapos kinuha nya na ulit ang mga bagahe namin at nag-simulang maglakad papunta sa elevator.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng suite ko agad nyang sinara at nilock ang pinto. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay nya sa bewang ko mula sa likuran at ang pagdampi ng mga labi nya sa leeg ko. "d'you like it?" tanong nya sakin, well.... maganda ang room ko, yung kama i think it's a queen-size bed, puro naka-frame na paintings ang wall. Nakaharap sa dagat ang malawak na terrace, alam nya na gustong gusto ko ang sariwang hangin na pumapasok sa loob ng kwarto ko tulad sa mansyon. "nagpalagay rin ako ng study table.." aniya, agad ko namang nakita ang tinutukoy nya. Napangiwi naman ako sa nakita ko, study table nga =____= puro libro at lahat ng volume ng encyclopedia.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...