𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 3: 𝙋𝙚𝙧𝙫𝙚𝙧𝙩𝙚𝙙 𝙩𝙚𝙖𝙘𝙝𝙚𝙧

29 3 3
                                    

Cryhs's POV

"Take your hands off the candy."

Eh? Ako ang naunang kumuha, pero hinila niya agad, kaya para kaming nag aagawang bata ngayon.

"Ha? Eh ako po unang kumuha nito." bahagya kong hinila yung gummy worms.

"So?"

Actually lalaki ang kaagawan ko ngayon ng candy. Naka black hoodie siya at black jogger pants. Matangkad siya, maputi at in fairness, ang pogi ni kuya! Siya na ata ang pinaka poging lalaki na nakita ko. Bakit halos lahat ng nandito pogi? Pero scary.

May sasabihin pa sana ako, kaso naalala ko mga sinabi ni Kaliah. Ayoko magkaroon ng kaaway dito! Ayoko pa mamatay!

"Ah..s-sige po sainyo nalang. Hehe."

Binitiwan ko nalang yung paborito kong candy, saka tumakbo ng mabilis. Hays. Hahanapin ko na nga lang si Kaliah.

Sa susunod nalang ulit ako bibili nun, pag wala doon si Poging mahilig sa gummy worms.

•••The next day•••

Ang sexy naman ng pinasuot saakin ni Kaliah (their outfits is in the media above). Kailangan naka black outfit ka sa academy na ito. First day of School at hindi ko siya kaklase. Ang malas ng buhay ko. Huhu.

"Nakalimutan pala kita tanungin kagabi. What happened last night? Why were you running?" biglang tanong ni Kaliah.

"Ahh, m-may nakaagawan kasi ako ng gummy worms kagabi." napakamot ako sa ulo.

"Gummy worms?! Anong itsura nung nakaagawan mo?!"

"Lalaki siya na naka black hoodie tas black din na jogger pants tapos pogi--"

"What the f*ck? Nakita mo si Laettner?!"

"Ha anudaw meron kay Laettner?"

"Sino nanaman papatayin ni Laettener?"

"Ang ingay talaga nang bruhang yan!"

Ang lakas ng boses ni Kaliah! At tama ba yung narining ko? Papatayin ako ni Laettner?! Sabi ko na nga ba dapat tumakbo nalang ako ahead. Huhu.

"Ano ba yan bakla! Ang aga-aga ang ingay mo! Sino nanaman bang nakausap ni Laettner?"

Biglang may sumulpot na bakla sa tabi namin ni Kaliah habang naglalakad sa hallway.

"Eto, new student." tinuro ako ni Kaliah.

"OMG! Napakagandang dilag naman neto! Pero kahit mukha kang anghel, alam kong demonyita ka rin! WAHAHAHA!"

"Hoy ikaw ang demonyitang bakla dito! Ang laki ng bibig mo!"

"Pero sino ba si Laettner?" Iniba ko nalang topic.

"Si Laettner ang pinakapoging estudyante sa Sardonyx sis! Pero siya din pinaka nakakatakot! Ano bang atraso mo dun?" tanong nung bakla.

"Anyways! Change topic. Cryhs, eto nga pala si Dean, ang kaibigan kong bading. Dean, eto naman si Cryhs."

"Nice to meet you Cryhs! Sa susunod mag-iingat ka kay Laettner ah! As much as possible, wag mo nalang siyang lapitan."







Eh? Section 1 ako, tapos sila Kaliah at Dean naman ay nasa last section. Wala tuloy akong makausap ngayon. Tapos hindi ako komportable sa mini skirt na binigay saakin ni Kaliah. Hays.

Sa first row ako nakaupo, kaya kitang kita ko ang teacher, nagsimula na agad siya magturo. Wala bang introduction dito? Di ko pa nakikilala classmates ko, at di din ako makatingin o makalingon man lang sakanila. Natatakot kasi ako!

Mabilis lang naman ang pangyayari, di ko nalang namalayan na recess na pala. Tatayo na sana ako at hahanapin sana sila Kaliah ng biglang magsalita ang teacher namin.

"You may now take your recess except for Ms. Salameño. Stay in you seat."

Eh? That's me! Hindi ko real surname, yun ang surname nila Yum, mga nag ampon saakin, binago na nila birth certificate ko bata pa lang ako.

Gaya ng sinabi ng teacher, Sir Balthazar, di ako tumayo sa inuupuan ko hanggang sa lahat sila ay nakalabas na. Ako nalang ang natitira dito, pati ang lalaking teacher namin.

Lumapit siya saakin, at tumayo mismo sa harap ng inuupuan ko. Bat parang may mali? Huhu ayoko sana toh sabihin, pero parang may iba sa teacher namin.

"What a beautiful view. I like your green eyes, pointy nose, your cherry like lips, and your evenly-toned skin. You look like a doll, you have every porcelain features of a doll." saka siya kumindat.

Ew!!!

Mukha na siyang 50 years old! Hindi naman ako judgmental, pero natatakot na ako sakanya!

"I want to touch your flawless skin." lumapit pa siya lalo saakin, at hinawakan ang pisngi ko. Nanginginig na ako dahil sa takot. "Let's have a little fun--"

"You old shit is still doing this huh?"

Napatigil kaming dalawa, tumingin ako sa nagsalita na galing sa likod ng classroom, at hindi ako makapaniwala kung sino yun. Napa tayo agad ako.

"Laetter Ortega?" Sir Balthazar was also confused.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lumapit saamin si Laettner. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, saka tumitig sa mga mata ako.

"I believe this is our second encounter."

Di ako nakasagot! Masyado akong kinakabahan!

"Mr. Ortega mind your own business please, why are you still here?"

"Tss. Perverted teacher, that's you right? You rape and harass every girl students when you have the chance, right?"

"Laettner how dare you-"

"I still can't believe why Mr. Ballinger can't  fire you, did you pay him?" nang-aasar ang mukha niya.

"How dare you talk to me like that!"

Maygudnes! Sasamapalin niya dapat si Laettner, pero nakailag siya!

"Why are you still here?" tinaasan niya ako ng kilay.

Sa sinabi niyang yun, tumakbo na ako agad palabas ng classroom. Iniwan ko sila doon! Baka nag-aaway na sila.

"Cryhs! Kanina pa kita inaantay, saan ka galing!" saktong nakasalubong ko si Kaliah.

"Huhuhu! Pinaiwan ako ni Sir Balthazar saclassroom tapos-"

"Sir Balthazar?! That Pervert teacher?! Di parin siya pinapatalsik?!"

"Kaliah kumalma kalang, baba na tayo. Gutom na gutom na ako." nag pout ako.

"Ano?! Paano ako kakalma? First day of school naglalandi agad siya? Matagal na akong nanggigigil sa matandang yun! Let me talk to that pervert--"

"Kaliah you're still so loud."

Napatigil si Kaliah, parehas kaming napatingin sa nagsalita, at nandito ulit siya!

"L-Laettner?" first time lang ata nautal si Kaliah. "Pinatay mo ba siya?"



"Tss. I don't kill old people, they'll die soon anyways."

Sardonyx Academy: School of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon