Chapter 40: Dinner in a Private Restaurant

178 4 2
                                    

"Hindi pa ba tayo aalis? Medyo dumilim na," tanong ni Ivana kay Brielle ng maramdaman nyang lumalim na ang hininga nito.

Brielle answered her in a low voice. "Mamaya na mga 6pm, idlip na muna tayo. Inaantok ako eh!"

"Nagugutom na ako!" biglang tugon nya rito.

"Get some chocolate and have it, to suppress your hunger. Maya na tayo aalis, gusto ko munang matulog saglit," nakapikit na ang mata ni Brielle ng tumugon sa kanya.

"Maliligo ka pa anong oras na tayo makakaalis kung iidlip ka pa?" pangungulit nya rito.

"Bibilisan ko ng pagligo maya paggising ko, promise iyan. Saka on vacation pa naman ako, kahit late na tayong uuwi ng bahay okay lang naman," pikit-matang tugon ni Brielle.

"Nagugutom na nga ako!" maktol nya.

"Bumangon ka muna, may chocolate sa ref, kunin mo at kainin. Baby, inaantok ako, pwede patulugin mo muna ako?"

"Brielle naman eh! Hmph! Nakakainis ka---"

Brielle sealed her lips with his lips and said, "Maaga pa, past 5pm lang ng hapon. Tulog lang ako saglit, minsan lang ako magpahinga, ngayon lang ito na kasama kita. Noon laging busy ang schedule ko. Pagbigyan mo na ako!"

Hindi na sya sumagot pa at nanatiling humiga sa kama katabi nito hanggang sa nakatulog na silang pareho. Pasado alas- syete na nang gabi ng magising silang dalawa.

Unang nagising si Ivana at tumingin sa madilim na paligid. She jumped out of bed, and open the light. Bumalik sya sa kama at ginising si Brielle.

"Hon, gising na past 7pm na po. Aalis tayo diba?"

"Umm! Anong oras na?" Brielle asked.

"Past 7pm already. Hurry up, take a shower. Hihintayin na kita habang nagbibihis rin ako!"

"Sumabay ka na sa akin sa shower! Freshen up yourself again!" anito.

"Huwag na lalo tayong matatagalan. Nakaligo na ako kanina!"

Bumangon si Brielle at walang pasabi na kinarga sya nito papuntang shower room. They spent another intimate moment inside the shower room. Halos alas-nuwebe na ng gabi ng umalis sila ng bahay.

Dinala siya ni Brielle sa sinabi nitong exclusive restaurant. Binati sila ng mga staff pagpasok nila.

"Good evening Sir Brielle Santillian! Your VIP reservation is room number 5," tugon na isang staff.

"Thank you so much!" tugon ni Brielle.

Bago pa sila tuluyang pumasok sa loob ng VIP room malinaw na nahigip sa pandinig ni Ivana at Brielle ang sinabi ng isang staff.

"Yung babaeng kasama ni Sir Santillian, ay ang anak ng may-ari ng HUO Group. Pero sabi sa balita pakawala at liberated daw ang babaeng iyon!"

"Hush, bibig mo baka marinig ka!" sita ng kasama nito.

"Naku, totoo ang sinabi ko magresearch ka about sa kanya sa social media, hot topic pa nga ang eskandalo nya noong nakalipas na araw!"

"Gusto mong matanggal sa trabaho. Baka nakalimutan mo exclusively member dito as VIP si Sir Brielle Santillian. You can't afford to offend him. Hayaan mong makipag-date sya kay Miss Huo, karapatan nya iyon,"

Gusto huminto ni Ivana at balikan ang babaeng nagsalita laban sa kanya para komprontahin ngunit mas pinili nyang pigilin ang sarili dahil ayaw nyang mag-create na naman ng panibagong eskandalo.

Pagpasok nila ni Brielle sa naka-reserve na VIP room, nanlulumong umupo sya sa upuan. Napansin ni Brielle ang biglaan nyang pananahimik.

"You should not pay attention to what other people have said about you. They are only a bunch of insignificant people who feel insecure to you,"

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now