(LICE QUEEN meets Eithan Fielle Hamlinton from*4BI1S*)

258 10 4
                                    

ang kati ng ulo ko...

 kamot... kamot.....

kainis tong mga kutong to!

tingin ko sinisipsip nila utak ko... nabobobo na kasi ako ... di na ako maka sagot sa assignment ko na multiplying radical expressions...

hay....

"Daisy! tapos kana ba mag aral? tulungan mo nga ako rito mag hiwa ng gulay" sigaw ni Tita Elsa 

"hindi pa po ako tapos sa assigiment ko!" sagot ko kay tita Elsa habang kumakamot sa ulo ko...

"Bilisan mo na riyan at akoy mag luluto na para may matinda tayo dito sa karinderya"

sigaw ni tita Elsa

"opo.." sagot ko

By the way.... ako nga pala sa Daisy Anne Magdangal isang 3rd year student sa mababang paaralan ng Tambo National Highschool... ulila na ako simula pa raw nung ipinanganak ako kaya sa ampunan nako nagkaisip...pero kinupkop ako ni Tita Elsa nuong 9 years old ako para daw may katulong sya sa kanyang karinderya at ang kapalit noon ay papag-aralin nya ako... mabuti nayon kesa hindi na  ako makapag arap noh... saka accelerated ako ng 2 years sa elementary kaya tama lang ang edad ko sa isang 3rd year student... tuwang tuwa naman nun si Tita Elsa kasi bawas gastos raw... kaya hindi sya masungit saken... pero ngayon parang nabobobo na talaga ako... dahil sa mga kutong to....

at sawakas ... bunga ng madugo kong pagkakamot este pag aaral... nasagutan ko din tong bwisit na multiplication of radical expressions na to... buti nalang may libreng wifi ang kapit bahay namin at nasearch ko sa androyd(android) selpon(cellphone) na pinagipunan ko ,kung papaano isolve yung multiplication of radicals

" Daisy tulungan mo na ako dito at mag aalas tres na! dalawang putahe palang ang naluluto ko!" sigaw ni tita Elsa

"Opo! andyan na po" sagot ko tapos tinulingan ko na sya mag hiwa ng mga gulay at karne... sobrang kati nga ng ulo ko

eh gusto ko sanang kamutin pero ayoko namang masuka ang mga readers este ayoko namang maging madumi yung mga gulay dahil sa kuto ko kaya tiniis ko nalang ang kati at nag hair net ako hanggang a matapos ako sa pag hihiwa....

"Tita tapos na po ako maghiwa...maliligo na po ako para makapasok napo ako mamayang alas syete" sabi ko kay Tita Elsa

Having LICE is NICE <3 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon